Ang barkada talaga kahit minsan nakakainis! Tsk! Kahit ayaw kong sumama sa kanila pinipilit padin nila ko. Mas masarap kayang matulog kesa sa pumunta kung saan saan nakakapagod kaya no. Anyway nandito nako sa kotse ng bestfrienemy ko sapilitan kasi nila kong isasama sa birthday ng pinsan nya.
"Nikkie! Please let me go home, Im tired. Ayokong sumama sainyo! Kung gusto nyo kayo nalang" angil ko
"Ang kj mo no! Wag ka nang maginarte, girl ang daming handsome dun, special celebration to ng birthday ng pinsan ko kasi first time nya lang makapunta dito sa pilipinas. Lumaki kasi sya sa canada and yung mga kaibigan nya sa canada nandito din!! Kyahhh! Omg! Im so excited!"
"Oo nga naman! Sumama ka na. Ayaw mo nun makakapag bonding tayo?" Sabi ni Jake Javier ang lalaking may gusto sakin since elementary
"Shut up jake"
"Wala akong paki sa mga tinutukoy mong handsome nikkie Smith" sabi ko kay nikkie Ang ayaw ko lang dito sa kaibigan ko masyadong gustong gusto ang pogi ano naman ang mapapala dun? Hayss wala na naman akong magagawa nandito na eh makatulog na nga lang masyado ng maingay mga iba pa naminh kaibigan.
Nagising ako sa paghampas sakin ni mikaela hernandez sa braso ang kaibigan namin ni nikkie.
"Sophie? Nandito na tayo" sabi nya sakin
"Okay"
Pagbaba ko ng sasakyan as in napa wow ako ang ganda ng view dito sa palawan. Grabe! Halatang alagang alaga yung place nato! Nakakatanggal ng stress. Madaming puno ang saya!! Favorite place ko kasi yung mga lugar na mapuno at may sariwang hangin at magandang view hmm mukang mag eenjoy naman ata ako dito! Hehehehe
"Sophieeee! " sigaw ni nikkie
"Bakit?"
" kanina pa kita hinahanap, lets go" nikkie
"San tayo pupunta?"
" ipapakilala kita sa pinsan ko"
"Ah okay"
------
" hi guys!" Masayang bati ni nikkie sa mga lalaking nasa harap namin. And yes! She's right ang gwagwapo pero diako interesado
"Ahm! Sophie? This is Vernon Buenaventura my cousin" ngumiti lang ako sa kanya
"And this is Sophie Gonzales my bestfriend!" Pagpapatuloy nya
"Nice meeting you" sabi ni vernon kasabay ng paglahad nya ng kamay. Diko sana tatanggapin ng sikuhin ako ni nikkie. Wala akong nagawa kundi abutin yung kamay nya baka mamaya sabihin pa na wala akong respeto.
"Nice meeting you too" sagot ko sabay ng pekeng ngiti
"Bye i need to go" pagmamadali ko ayoko kasi sa lalaking nasa harap ko feeling ko matutunaw ako dahil sa pag kakatitig nya sakin.
"Oh wait, where are you go?" Tanong ni nikkie. Diko na pinansin ang tanong nya umalis nalang agad ako.
Habang naglalakad dito sa resort sa palawan biglang may nararamdaman akong parang may sumusunod sakin then tinignan ko tama nga ko nakasunod sakin yung lalaking chinitong matangkad ,maputi matangos ilong, halata mo sa kanyang manipis na damit ang 6 pack abs nya in short yung handsome kanina nasi vernon
"what are you doing here why do you follow me?" Tanong ko sa kanya. English yan ah baka hindi makaintindi ng tagalog e.
"Hindi kita sinusundan" marunong naman palang magtagalog e.
" e bakit ka nandito?" Tanong ko ulit
"Aayain sana kitang magswimming eh" gago pala to eh! Di daw ako sinusundan?! E aayain nga ko eh!
" sira ba ulo mo?! Dimoko sinusundan? Pero inaaya moko?!"
"Ah eh okay fine. Let's swi-"
"i do not want" mabilis kong sagot
Nagulat nalang ako ng lumutang ako naramdaman kong may bumubuhat sakin at letse! Si vernon!
"Hoy chinitong mukang isinawsaw sa gatas! Ibaba moko!"
Di sya sumagot sa halip hinagis nya ko sa dagat.
"Ayoko sa lahat makipot" sabi nya ABAYY GAGO TO AH!
"Hoy lalaki for your information! Hindi ako pakipot! Hindi kita close para sumama sayo baka mamaya irape mopako!" Sabi ko
Lumalapit sya sakin omg!!! Sobrang lapit na nya namumula na ata ako nararamdaman ko na yung 6 packs abs nya. Ng biglang bumulong sya sa tenga ko
"Ang ganda mo sana kaso-" pabintin nya
"Ano?" Tanong ko
"Ang ganda mo sana kaso ang ingay mo!" Gago pala to eh nainis ako kaya binasa ko sya hinagisan ko sya ng tubig at ganun din sya hanggang sa ilang minuto tumigil kami at nakipag titigan sya. Nailang ako at may kung anong pakiramdam ang naramdam ko ng titigan nya ko kaya nag madali akong umalis at pumunta sa hotel kung saan kami tumutuloy dito sa resort. Hiwalay ang kwarto ko sa kanila kasi ayoko sa maingay at nagkulong ako dun ng dumating ang 7pm ng may kumatok.
A/N: sorry sa mga typo at wrong grammar.
