Love has infinite faces. Walang sino man ang maaring humusga sa pag mamahal ng isang tao. Kung ano ang kaya nyang gawin. Kung ano ang kaya nyang ibigay. Kung ano ang kaya nyang isakripisyo sa ngalan nito.
"Ate Camille! Mag gagabi na! Gising na!" tawag sa'kin ni Sha, isa sa apat ko pang mga kapatid.
Waking up at night is a routine for me. Rampa sa gabi, borlogs sa umaga. Hindi madali sa una but I learned how to live it. Ganoon talaga kasi ang buhay courtesan. In other word, prostitute.
Nag inat muna ako at nagpagulong gulong sa papag bago tumayo para abutin ang bote ng beer na nasa tabi ng kama.
"Alak na agad?!" rinig ko na tanong ni Sha sakin
"Urg! Wag ka nga sumigaw." suway ko sa nakakabingi na boses nito "Nasaan na ang mga kapatid mo?"
"Parating narin ang mga yon" Sagot nito
Si Sharmaine ang sumunod sa'kin, at sa aming magkakapatid ito lang ang nakaka alam ng tunay kong trabaho
"Ikaw? Bakit parang ang aga mong naka uwi?"
"Maaga kami pinalabas ngayon sa iskwela" sagot muli nito saka kinuha ang beer na paulit ulit kong tinutungga
Hindi na rin ako nag protesta nang kunin nito sa akin ang bote ng alak. Hindi ko rin naman kasi nagustuhan ang mapait na lasa nito, Ganun pa man, yon lang kasi ang nag bibigay sa'kin ng lakas ng loob sa gabi at nakakapag patulog sa akin sa umaga.
No, I don't like my job. Paano ko ba magugustuhan ang isang bagay na nagturo sakin na kamuhian ang sarili ko? Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang tingin ng ibang tao sa isang bayarang babae. Kaya pinilit kong iwasan ang landas na pinili ni mama para buhayin kaming mag kakapatid. Nag pursigi ako sa pag aaral dahil mas mataas ang pangarap ko para sa amin lahat.
But everything collapsed when she died. Naiwan sa'kin ang lahat ng obligasyon. Kinailangan kong tumigil sa pag aaral para mag hanap ng ibat ibang trabaho. Halos patayin ko narin ang sarili ko para kumita pero hindi parin iyon naging sapat na buhayin at pag aralin ang iba ko pang mga kapatid.
Kaya kahit ayaw ko. Kahit sukang suka ako ay pinasok ko ang mundo na ilang taon ko iniwasan.
"Ikaw? Wala ka bang raket" malamig na tanong ni Sha na tutol rin sa pinasok ko'ng trabaho
Bahagya lang ako umiling "Meron, mag bibihis na ako" tinatamad ko naman na sagot
Bahagya naman ito tumango saka tinulungan ako sa pag aayos ng kama "Ako na dito, kumain ka na muna. Meron ako naluto sa kusina" utos nito na hindi ko na pinansin
FIRST SIGHT
Matapos ko maligo at mag bihis ay umalis na rin agad ako sa bahay. Soot ko ang ripped jeans at v cut shirt, habang nasa likod ko naman ang isang backpack kung saan nakalagay ang ilang costumes