Chapter 11

85 0 0
                                    

Chandria's POV

Monday ngayon. Okay na yung paa ko. Nakakalakad na ako.Thanks to Dj dahil siya yung nag-alaga sakin. Hindi pa rin alam ni mommy yung nangyari sakin sa school. Pinakiusapan ko kasi si Tito Raffy. Magkakagulo sa school pag nalaman ni mommy yun,WARFREAK pa naman yun.

Hinatid ako ni manong sa school. Natatakot ako baka ano nanaman gawin sakin. Walk with confidence Chandria.

"Salamat kuya Albie! Una na po ako" Paalam ko kay kuya

"Sige mam. Mag-iingat ho kayo" Ngumiti lang ako at umalis na si kuya Albie. Pagpasok ko,nakatingin sakin lahat ng students. Lupa kainin mo ko!!! Nakita ko agad si Julia,yes!!

"Juliaaaaaaaaaa Montesssss!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.

"Makasigaw ka naman Manuel. Hahaha. Namiss mo ko noh? Kamusta naman yang paa mo?" Sabay tingin sa paa ko.

"Obvious bang okay na ako? Hello! Nakakatakbo na po ak-----ARAY!" Batukan ba naman ako?

"Obvious na obvious. Hay nko,tara na. Malalate na tayo. Lagot tayo kay Sir.Val" Hinila nya ako patakbo sa room.

Asan si Dj?

-

@Room

"Uy Manuel!" Kats

"Chandy!" Les

"Kamusta na Chands?" Liza

"Okay na yung paa mo?" Seth

"Asan si Dj,Chands?" Miles

"Hindi mo ko tinext ha!" Yen

Inulan ako ng tanong ng barkada.

"Okay nako guys. Haha. Makatanong naman kayo" Tapos umupo nako sa upuan ko.  Tinext ko si Dj.

To: Daniel ;)

'Where are you,Batman? Haha. Late ka nanaman? Looks like, ililibre mo ko ng fries ah. Hahaha.'

*Sent*

"BATMAN?!!!!!!!"

"AY PALAKA! HOY! BAT' NAGBABASA KAYO NG MESSEGE?" Pano ba naman,nasa likod ko silang lahat.

"Batman pala ah" Kats

"Sweet!" Julia

"Corny ng CS nyo. Hahahaha!" Les

"How come na batman?" Miles

"Inggit ka,Miles? Hahahaha!" Seth

"Lovebirds na talaga kayo!" Liza

"Kainggit kayo" Yen

"Tigilan nyo ko ah. Andyan na si sir oh!" Pero wala pa talaga.

"Nako Chandria,wag mo kami pinagloloko. Aminin mo nga,kayo na ni Dj noh?" Sabi ni Yen.

"Kalokohan! Hindi no. Alam nyo namang may hinihintay yun" Pag-deny ko... Teka.. wala naman akong idedeny kasi wala namang KAMI eh.

"DENIAL!!" Sigaw nilang lahat sakin sabay tawanan. Mga loka-loka talaga tong mga to. Yung iba naming kaklase,nakatingin lang samin. Kami lang maingay eh.

Enchanted(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon