Their story

25 0 0
                                    

Peter: Simula nang mag 1 year and 5 months kami ni Shey ay palagi na kaming nag aaway. Minsan pa nga apat na beses kaming mag-away dahil lang sa mga simpleng bagay. Daig pa namin ang dami ng beses ng pagsisipilyo ko.

Shey: Doon nagsimula ang kabit kabit na problema't pag-aaway namin ni Peter mula nang mag 1 year and 5 months kami. Oo minsan nakakapagod pero kailangan magtiis kasi mahal ko yung tao eh. Kahit na minsan nawawalan na kong pride ay okay lang. Mas gugustuhin ko namang matalo sa isang argumento kesa sa mawala sya sa buhay ko.

Peter: Ultimo toothpaste, tsinelas, remote, unan ay napag-aawayan namin. Oo nga pala at 1 year and 10 months na kami bukas.

******

Magkausap sa cellphone sina Peter at Shey..

"Peter, 22 months na tayo bukas ah. San tayo?" -Shey

"Dito sa bahay. Manood na lang tayo ng movie at kumain na lang tayo." -Peter

"Oh sige pupunta na lang ako dyan bukas. Loveyou Peter! Mahal na mahal kita." -Shey

"Sige. Iloveyoutoo!" -Peter

Kinabukasan.. Monthsary nina Shey at Peter.. Magkatawagn silang muli.

"Happy Monthsary Peteeeeeeeer! Iloveyou! Mahal na mahal kita. Yung promise natin ha, hindi na tayo maghahanap ng iba. Promise mo pagkagraduate natin tapos nagkatrabaho at nakaipon tayo, magpapakasal tayo ha? Sana hindi na tayo nag-aaway palagi." -Shey

"Happy Monthsary Shey. Mahal na mahal din kita. Oo promise yan! Sorry kung topakin ako palagi. Parang ako pa yung mas babae sating dalawa. Ako pa madalas mang-away, moody ako. Sorry, sana wag kang mapapagod at magsasawa. Iloveyou! mamaya pala 7pm punta ka na dito sa bahay." -Peter

"Wow! Hehe. Ok pero magpapaalam muna ako kay Papa. Bye!" -Shey

"Ok sige. Bye!" -Peter

******

Maya maya pa ay tinext ni Shey si Peter ...

"Peter. Hindi pumayag si Papa eh. Gabi na daw kasi masyado. Dapat daw kanina pa tayo nagkita. Delikado daw kasi eh. Sorry ha! Bukas na lang."

"Ha? Ano ba yun! Kung kelan monthsary pa natin. Hay! Tsk!" -Peter

"Wag ka ng magalit Peter. Oh sige ganto, gagawa na lang ako ng paraan. Diba gagawin ko naman lahat para sayo? Intindihin mo na lang sana. Ganto, tatakas ako. Pangako. 6:30 pm pa lang naman wala pang 7pm. Makakaabot pa ko. Ha?" -Shey

Bakas sa boses ni Shey ang kaniyang pagkalungkot. Pero gagawin nya ang lahat para sa ikasasaya ni Peter. Alam nya kasing pag hindi sila nagkita ngayon ay mag aaway nanaman sila.

"Hindi na! Hindi na kailangan! Wag na! Bwisit!" -Peter

"Peter, *iyak* wag ka namang ganyan. Pupuntahan naman kita eh. *iyak*" -Shey

"Bahala ka sa buhay mo! Dyan ka na lang sainyo! Aalis na lang ako kasama ng mga barkada ko!" -Peter

Inis na inis si Peter kaya't mas pinili na lang nyang makita ang barkada. Ang buong akala nya kasi'y okay na ang lahat. Heto nanaman sya, naiinis ng basta basta. Hindi na naman makapag pigil ng inis at tampo si Peter. Isa yan sa dahilan kung bakit sila madalas mag-away ni Shey.

"Ha? Ganoon ba? Sige. Mag iingat ka. Anong oras ka aalis? Mahal na mahal kita ha. Pagpasensyahan mo na ko." -Shey

"7pm!" -Peter

'Okay Peter ingat ka ha. Iloveyousomuch kahit anong mangyari." -Shey

"Ge." -Peter

Labag man sa loob ni Shey ay pumayag na rin ito sa kagustuhan ni Peter. Alam nya kasing hahaba pa ang away kung ipagpipilitan nya ang plano nyang pagtakas para pumunta kila Peter.

SANA PALA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon