Tahimik ang buhay ko dito sa bahay habang nagbabasa ng paborito kong book nang biglang magtext ang bestfriend kong si Jaz.
From: Jaz
Hey! besty, can you come over?
Ano na naman ang kailangan nito?
To: Jaz
Why?
Sent.
From: Jaz
Basta, dapat ba may dahilan?
Tss. bakit kaya?
Di na ako nagreply, tinabi ko yung book na binabasa ko then nag-ayos na ako.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papunta kina Jaz.
Habang naglalakad ako sa daan napansin kong madaming tao na nagkakagulo. Lumapit ako dun para malaman pero dahil na din sa height ko di ko rin makita.
"Anong meron dito?" tanong ko sa sarili ko.
"It's infinite." Huh? ako ba kausap nito? Narinig ba nya yung sinabi ko? at anong Infinite?
Nakatingin lang ako sa kanya. Nasa harap ko sya kaya di ko kita yung itsura nya, likod lang tinitignan ko.
Humarap sya sa akin kaso di ko pa rin kita yung mukha nya. Naka shades sya at may mask. May sakit ba sya?
"Anong Infinite?" tanong ko sa sarili ko habang pilit pa ring tinatanaw yung 'Infinite' daw.
"Isa silang boy group, sikat sila." sagot na naman nitong lalaking nasa harap ko na nakatitig pala sa akin.
"Ahh.. ganon ba? Hahaha.! napag-iiwanan na ata ako ng panahon. Di ko na alam ang mga sikat ngayon." sabi ko sa kanya.
"Gusto mo ba silang makita?" tanong nya sa akin.
"Oo sana kaso... Hehe.! maliit kasi ako kaya di ko sila makita." sabi ko na medyo natatawa, nabigla na lang ako ng bigla nya akong binuhat.
"Hay! Anong ginagawa mo? ibaba mo nga ako!"
"Nakita mo na ba sila?" tanong nya.
Hindi ko na muna pinansin yung pagbuhat nya sa akin at tinignan muna yung mga mukha nung mga 'Infinite' daw.
"Oo, nakita ko na sila!" Sabi ko sa kanya nung makita ko na sila.
Binaba na nya ako.
"Salamat." sabi ko sa kanya.
tumango lang sya.
Naglakad na ako paalis pero sinundan nya ako.
"oh? ano masasabi mo sa kanila?" nakangiting tanong nya.
"masasabi ko sa kanila?" ulit ko sa tanong nya.
tumango naman sya bilang sagot.
Hmm... Fanboy ba to?
"Hmm... dapat ba may masabi ako? Hehe! first time ko lang kasi sila nakita kaya wala pa akong masabi tungkol sa kanila." sabi ko. Honest akong tao.
"ahh.. ganon ba?" parang nadismaya sya sa sinagot ko.
"Teka! fan ka ba nila?" ako naman ang nagtanong ngayon sa kanya.
"Ahh? Hindi ah." umiling-iling pa sya.
"eh bakit ang dami mong alam tungkol sa kanila?"
BINABASA MO ANG
I met Mr. Kim Myungsoo (One Shot)
FanfictionIsang girl na walang alam tungkol sa mga artista ay nakatagpo ng isang gwapong star na si Myunsoo. Hindi alam ni Sabrina na member pala sya nag group na INFINITE. Isang araw niyaya sya ng bestfriend nya na manood ng concert ng grupo. Dun nya nakilal...