A/N: hi.. ako na naman po ito.. ahaha.. salamat po ulit sa babasa.. sana magustuhan.. ^_^
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hillary."
Wait? Ako ba yung tinatawag? Ako po si Hillary Anne Aniceto.. 18 years of age.. No boyfriend.. No commitment.. Bakit? Simple lang.. May mahal na ako eh.. ^_^
Teka? Yung tumatawag sa akin? Sino nga ba yun?
"Hillary." biglang sumulpot sa kung saan si Chad..
"Ay, kalabaw!" gulat kong sabi.. Nabitwan ko pa yung burger na kinakain ko.. >_<
Si Chad nga pala.. Luke Chadilton Perez.. Kasing edad ko.. Ang aking ever dearest bestfriend.. Kasabay ko lumaki.. Tagapagtanggol ko.. At ang tinutukoy ko na mahal ko.. ^_^
Kaya lang.. Hindi niya alam.. Baka masira friendship namin eh.. Alam ninyo naman.. Friends.. Saka ko na lang sasabihin feelings ko.. Kapag sure ako na may feelings din siya sa akin.. Haha.. Assuming oh..
"Asaan ang kalabaw?" tatawa-tawang sabi ni Chad.. Asar lang oh.. May gana pa tumawa..
"Asar ka talaga." hampas ko sa balikat niya.. "Tingnan mo. Nalaglag tuloy burger ko." reklamo ko..
"Hahaha. Bakit mo nilaglag?" tawa-tawa rin siya..
"Eh, sino bang nanggulat ha?" mataray na tanong ko.. Kakainis oh.. Sayang yung burger ko..
"Bibili na lang tayo ng bago." sabi ni Chad..
"Dapat lang." sabi ko.. "Kundi, tatamaan ka sa akin." pagbabanta ko pa.. Lagi naman kami ganito.. Mahilig sa biro at asaran.. Doon kami masaya eh..
"Bili na tayo." hinila niya ako papunta sa burger stand na binilhan ko ng burger ko kanina.. "Manong, isang burger po." sabi ni Chad kay Manong tindero..
"Bakit isa lang?" tanong ko ng abutin niya yung burger kay Manong..
"Akin lang." ngumising sabi niya.. Aba't..
Nahamapas ko tuloy ulit siya sa balikat.. "Asaan yung akin?" tanong ko..
"Bumili ka ng sa'yo." sabi niya sabay tawa..
"Nakakainis ka talaga." reklamo ko.. Sa braso naman niya dumapo ang palad ko.. Kaasara talaga 'tong lalaking 'to.. Naku! "Ibili ko mo ako." sabi ko..
"Bakit? May patago ka?" pang-aasar pa rin niya..
"Chad! Ibibili mo ba ako o tatamaan ka sa akin?" medyo naiinis na talaga ako..
"Hahaha. Ibibili na po." kitams.. Haha.. Ibibili din pala ako.. Gusto pa munang masaktan eh.. Ibinili na nga niya ako ng burger.. Naglakad na kami pauwi.. Nasa loob lang naman kasi kami ng subdivision kung nasaan yung bahay namin..
"Penge." sabi ni Chad sabay kuha sa burger na kinakain ko.. Malakas kasi 'to kumain.. Kaya naunang maubos yung burger niya.. Bitin pa ata.. Nangangagaw pa eh..
"Chad! Akin yan." sabi ko at pilit na binawi ang burger ko..
"Akin na lang 'to." sabi niya na iniwas ang burger.. Asar..
"Pag hindi mo binalik yan, tatamaan ka sa akin." banta ko.. Namey-awang pa ako..
"Matagal na akong tinamaan sa'yo." seryosong sabi niya..
O_O Ano daw? Tinamaan? Sa akin? Eh wala pa naman akong ginagawa ah.. Bakit siya tatamaan? O ibang tinamaan ang ibig niyang sabihin? Hala..
"Hillary." pukaw niya sa akin.. Titig na titig kami sa isa't-isa.. Binitawan na niya yung burger.. Sayang..
"S-sa'yo na nga yan." sabi ko.. Hala.. Bakit ako nauutal? At saka bakit ganito ang puso ko? Parang hinahabol.. Ang bilis ng pintig ng puso ko.. Tapos feeling ko nag-iinit ang face ko.. Namumula ata ako..
"Hillary." syete.. Bakit ganoon yung boses niya? Parang kaaki-akit.. Hala.. "Matagal na akong tinamaan sa'yo." ulit niya sa sinabi niya.. "Gusto kita, HIllary."
Hala.. Ako? Gusto niya? Friends ba? O next level?
"C-chad." syete ulit.. Bakit wala ako maisip sabihin? Asaan na ang vocabulary at dictionary ko? Kailangan ko kayo..
"Hillary, mahal kita." seryosong sabi niya..
"C-chad." ay potek.. Bakit baga ayaw magpakita ng lintik ng dictionary na yan..
"Mahal kita, hindi bilang kaibigan. Mahal kita kundi bilang isang babae. Matagal na. Mga bata pa lang tayo. Mahal na kita. Hindi ko lang maamin, dahil natatakot akong masira ang friendship natin.. Ayokong mangyari yun. Pero hindi ko na talaga kayang maglihim sa'yo. Susugal na ako. Okay lang kung magalit ka. Basta maamin ko lang sa'yo ang nararamdaman ko. Mahal kita, Hillary. Mahal na mahal." sabi ni Chad.. Hawak na niya yung mga kamay ko..
"C-chad." asar na dictionary.. Hirap hagilapin..
"Pambihira ka naman, Hillary. Ang dami ko ng nasabi. Chad ka lang ng Chad diyan." tila nainis na reklamo ni Chad.. "Hirap na hirap ako mag-confess sa'yo. Tapos, yun lang sasabihin mo."
"Potek ka naman. Hindi ba pwedeng mag-isip muna? Hirap na hirap na rin akong isaksak sa utak ko yung mga sinabi mo. Hindi ko alam kung papaniwalaan ba kita o ano. " nainis namang sabi ko.. Demanding eh.. "Basta ang alam ko. Mahal din kita. Higit pa sa pagiging magkaibigan." hala.. Magkaaminan na.. Bahala na..
"Talaga?" nakangiti ng sabi niya..
"Kelan ka pa nabingi, Chad?" ako naman ang ngumiti..
"Mahal mo rin ako?" ulit pa..
"Oo nga sabi." sabi ko..
"Mahal na mahal kita." sabi niya at bunuhat ako at inikot-ikot..
"Chad! Ibaba mo ako." natatawang sabi ko.. "Tatamaan ka sa akin."
*END*
A/N: panget? maganda? comment and vote po.. laitin ninyo po kung gusto ninyo.. so i can know kung nid ng improvement.. ahaha.. (kapal ng mukah oh..) sana magustuhan ninyo.. maraming salamat.. ^_^