4

30 1 0
                                    

Lucy Pov:

Andito ako ngayon sa harap ng mga bago kong classmates. Magpapakilala pa ko sa kanila. Hingal na hingal nga ko e. Alam niyo kung bakit?

*flashback*

Nakakainis talaga yung masungit na pangit na yun!

Nag tanong na lang ako sa guard kung saan pwede magtanong. Itinuro naman niya kung saan. Tapos ibinigay nila yung name nung building at room number.

Tinignan ko kung ano yung nakalagay.

*Cheon Building 5th floor room 507*

WHAAAAAAT? 5th floor? Sana may elevator. huhuhu. Dali dali akong pumunta sa building na sinabi nila. Nakita ko naman agad kasi katapat lang naman ng building kung nasaan ako. Ha ha ha

"Yes! may elevator ang swerte ko talaga! Hahaha" Pag lapit ko may nakapaskil nakalagay "OUT OF ORDER" Huuuuuh ano daw out of order??? Ang malas ko pala T.T Hindi malas yung masungit na pangit na yun!! Kasalanan niya to! Wala naman akong magagawa kundi umakyat gamit yung hagdanan.

Okay nagstretching ako ng konti at nag pose na parang may karera

"Okay Lucy, Inhale! hmmmmm Exhale! Woooooh!

1

2

3

go!!!"

Tatakbo na sana ako ng bigla akong natalisod!

"Aray!!!!"

Ang sakit ng tuhod ko. Geez! Nagkasugat pa! Nabali pa yung heels ng bago kong shoes. Ang malas talaga! Tinanggal ko yung pair ng isa kong shoes at umakyat ng nakapaa.

Pinagtitinginan akong mga students

Grabe nakakahiya talaga to. Promise! ISINUSUMPA KITANG MASUNGIT NA PANGIT KA!!! AHHHHHHHHH.

"Uy si Lucy Heart ba yan? Tignan mo oh she's walking with barefoot" girl 1

"Oo nga noh. Anong kayang ginawa niya? Trip niya ba mag paa?" girl 2

Nako kung hindi lang ako famous! Mananapak na ko ng tao dito. Pasalamat kayo may iniingatan akong pangalan -___-

Binilisan ko na lang yung pag akyat ko hanggang sa makarating sa room ko. Grabe nakakawala ng poise. Nakakapagod pa! Hays.

Buti na abutan ko yung prof. ata namin to.

"Ahm. Good Morning sir. I'm Lucy Heart"

"Ahh. The transferee student. Okay sumunod ka sakin"

Syempre bago ko pumasok sinuot ko yung shoes ko. Ayy. Bahala na kung walang heels yung isa.

*end of flashback*

"Good Morning classmates. I'm Lucy Heart from Harvard University. I hope we can be nice to each other" sabay smile na may kasamang kindat!

"Wow! chixx!"

"Ang ganda niya!"

"I love you Lucy"

"Akin ka na lang!"

"Hi Lucy baby"

Grabe nakakadiri naman yung "Lucy baby" Iwwwww.

"Okay Ms.Lucy go and find your seat" sabi ni prof.

"Yes sir!"

Lumingon lingon ako na parang naghahanap at may pacute effect pa. Atlast ayun nakita ko na dun sa may lalaking nakatungo. Lumakad ako with confident. Syempre hindi ko pinahalata na wala yung heels ng isa kong shoes. Nakakahiya kaya noh!

Umupo ako sa tabi niya.Kinulbit ko siya

"Hi seatmate I'm Lucy Heart :)"

Unti unti niyang inangat ang ulo niya at at at at at.....

"IKAW???!!!" sabay naming sabi

Anubayan!

Votes and comments readers :))

Love.Love.Love ♥♥♥

Twitter: @JasminAlota

IG: JASMINNATION

Mr.Perfect meets Ms.FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon