destined meeting

12 1 0
                                    

Hi guys I'm back!

so sorry for all thosse times na inactive ako I'll try to be online every weekend

pramis! ok here goes!

new chappie! new cover! new characters!

I wish you readers will find this chapter interesting,in this part we will go back few years bago magcollege si Chelia kung saan may nakatagpo siyang lalaking magbabago ng buhay niya sa kasalukuyan.

Chapter 3

Kevin's POV

Third year highschool, full name: Kevin Tsubaki. I am lonely, walang gustong lumapit sakin dahil lahat sila hinuhusgahan ako...

"Siya si Kevin di ba? grabe ang gwapo niya!"

"Sabi nila lagi siyang nakikipagbugbugan, delinquent, sayang gwapo pa naman siya"

"sayang nga eh, pero sikat naman yung family niya kaya ok lang. Teka hindi niyo ba alam na sobrang yaman nila? Kaya para ka ng naka-jackpot kapag naging girlfriend ka niya!"

Yup... masyado talagang masama ang mundo, maraming nagsasabing maswerte ako dahil mayaman ako, kaya kong bilhin lahat ng gusto at wala akong proproblemahin sa pera.

Truth be told I don't give a sht on what their talkin about, as long as gwapo ako I don't give a damn on what they're sayin.

So what if I'm a delinquent? They're all the same losers. I have friends though, hindi naman ako loner he's my best buddy- Kyle kasama ko siya sa lahat. As in sa lahat ng kalokohan.

Isang beses pumunta kami sa isang abandonadong building para harapin ang isang grupo ng delinquent na tulad namin.

Two against six. Hindi naman kami nasaktan, sa katunayan isang paraan lamang iyon ng pagrerecruit nila ng mga bagong miyembro pero dahil natalo namin sila nakuha namin ang respeto nila at sumunod sa amin at bumuo ng grupo.

Ako, Si Kyle, si Dylan, si Albert, Thomas, Clarence, Louis, at Ian

Kami ang naging pinakatatakutang grupo ng mga delinquent, naging masaya ako kahit papaano dahil nakuha ko ang atensyon ng mga tao gamit ang sarili kong pangalan pero parang may kulang.

Maliit lang ang grupo namin kumpara sa mga delinquent na may hawak ng ibang school pero kahit ganoon kami pa rin ang may hawak ng school namin kaya nirerespeto kami ng lahat.

Matapos ang isang rumble sa pagitan namin at ng isang school may nadaanan kaming isang school event. Para siyang festival- ewan.

"Pare, papasok ka? Baka mapaaway lang tayo diyan!" sabi ni Clarence pero hindi ko siya pinansin at basta pumasok na lang sa loob.

Maraming tao tulad ng inaasahan, may mga tindahan ng mga laruan, pagkain at kung anu-ano pa. Naglakad-lakad ako at may nakabanga sa aking lalake.

"So-so-sor-sorry po, pasensya na hindi ko sinasadya! Please wag niyo po akong sasaktan!" halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa pero naglakad lang ako palayo sa kanya at hindi siya pinansin.

Ilang metro pa lang akong naglalakad ay may nakabangga na naman sa aking babae at mas malala natapunan pa ako ng ice cream.

"ugghh! what the fck lady! what's wrong with you can't you see?" the girl is wearing glasses she must be nearsighted or something. Apat na ng yung mata niya hindi pa rin siya makakita ng maayos?

The firl stood up and stared at me

staring...

staring...

staring...

staring...

staring...

then she bursted out tears out of the blue.

"ms, wag kang umiyak dito! Baka akalain nila pinapaiyak kita!" I tried shaking her to stop her tears but she grabbed my hand.

"stupid! it's your fault!" wow she must be crazy to say that.

AKO? KASALANAN KO?

bigla na lang hinila niya ako sa lugar kung saan wala masyadong tao

"Miss! teka nga ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at may kinuha sa bag niya

"Ano ba namang ginagawa mo? Hindi ka ba marunong mag-alaga ng sarili mo? Tignan mo nga may sugat ka!" nilagyan niya ng alcohol yung bulak na hawak niya at ipinahid sa sugat ko.

Teka may sugat ako?

Patuloy niya akong pinagsabihan ng tungkol sa pag-aalaga sa sarili at sa pag-iingat na hindi mauntog. Malamang iniisip niya na nakuha ko ang sugat ko sa pagkakauntog. Nagpapatawa ba siya? Hindi man lang ba napasok sa isip niya na isa akong delinquent?

"Miss, bakit mo ba ginagawa ito? Kilala mo ba ako?" tanong ko

"Bakit kailangan ba kilala mo ang isang tao bago mo siya tulungan?" agad niyang sagot.

"Ano bang kailangan mo sa akin? Kaya mo ba ito ginagawa dahil gusto mo ng pera?" tinitigan niya ako ng masama at napatigil sa pagbebenda ng sugat ko sa noo.

"Unang-una hindi ko kailangan ng pera mo- ng magulang mo, pangalawa kailangan ko lang gamutin ang sugat mo. Hindi ko hihilingin na tumanaw ka ng utang na loob sa akin, kahit isipin mo na lang na tinutulungan ko lang ang sarili ko dahil ayokong makakita ng dugo." matapos nun umalis siya.

Kakaiba ang babaeng yun- weird yun ang tamang adjective na pwedeng gamitin sa pagdedescribe sa kanya. Hindi man lang siya natakot sa akin o kaya naman lumayo noong mga oras na nabunggo niya ako.

Bumalik si Weird na may dalang ice cream at inabot sa akin.

"Para saan naman 'yan?" tanong ko.

"Di ba obvious? Sorry gift ko sayo yan! Sa pagkakabunggo ko sayo at sa pagkadumi ng polo mo, hayaan mo papalitan ko na lang. Sige, goodbye!" at ganun na lang siya umalis habang iniwan sa isa kong kamay ang chocolate ice cream.

Sa di kalayuan nakita ko siyang nilapitan ng dalawang mukhang mafia na lalake. Lalapit na sana ako para protektahan siya pero mukhang naguusap lang naman sila. Hindi man lang siya nagpapakita ng kahit anong bakas ng takot sa mukha niya. Weird, hindi ba talaga siya nakakakilala ng uri ng mga taong kinakausap niya?

Nagulat na lang ako nang lumapit sa akin ang dalawang lalakeng kausap niya at nagbow sa akin.

"Pinapaabot ng young master ang kanyang paumanhin sa kanyang nagawang pagdumi sa iyong damit. Tanggapin mo sana ito kapalit ng nadumihan mong damit." inabutan ako ng sobre ng isang lalake.

Binuksan ko ang sobre at nakita kong may 10 thousand sa loob.

"Seryoso ba kayo? Babayaran niyo talaga ang polo ko? Pakisabi sa young master niyo na sapat na ang ice cream na bayad niya sa akin." aalis na sana sila pero pinigilan ko....

Uuuughhh....

Ano bang ginagawa ko?

"Bakit, may kailangan ka pa ba?" tanong ng lalake na nakashades

"Uhmm... ano, yung ano niyo, yung young master niyo... anong pangalan niya?"

"Hindi namin pwede sabihin ang totoo niyang pangalan, pero kahit pwede hindi rin namin masasabi dahil walang nakakaalam ng tunay niyang pangalan." sabi naman ng lalakeng nakaeye glasses.

"Chelia, yun ang tawag namin sa kanya" matapos nun ay umalis na sila. Sinubukan kong hanapin si Chelia sa boong campus pero hindi ko na ulit siya nakita pa.

Chelia, I swear... we will meet again someday. I will make sure of that, so please wait for me.

*end of chapter

thanks for reading, medyo nagbago yung original storyline ko from before sa flow ng story ko ngayon. Oh wells, ok pa tin naman siya no major damage please continue supporting my story. I will really appreciate if you guys vote and leave a comment. Till next time! Ciao!

The Imperfect PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon