Copyright © 2012 by SweetyAnn
Sticky Note
written by: SweetyAnn
"Ahhhhhhhh!! Rammy, dahan dahan lang!"
"Lily, stay still. Wag ka kasing malikot para hindi ka masaktan!"
"I think you're doing it wrong! Oh Rammy! Wag mo'ng diinan! Masakit!"
"HAY NAKO! Sinabi na ngang wag magalaw! Wag ka na kasing pasaway, malapit nang matapos to," pagpapaliwanag ni Rammy.
"RAMMY! Stop! Masakit na talaga! Wag mo sabing diinan, tadyakan kita diyan eh!"
Ang sakit sakit na talaga. Hindi ko na kaya yung hapdi, kaya agad ko'ng tinabing yung kamay ni Ramil na NAGPUPUNAS NG BETADINE SA SUGAT KO.
Akala niyo siguro kung ano nu? XD kaw ah! GREEN MINDED ka! XDD
"Kung hindi ka ba naman kasi nagpaka-SUPER GIRL kanina, edi sana wala kang sugat na ganyan! Lagot ako kay Tita Lian niyan eh! Loves na loves mo talaga ako no?"
"SYEMPRE NAMAN! Hahayaan ko ba namang api-apihin ka nalang ng mga alien na yun? NO WAY! HIGH WAY! SKY WAY!"
"Ang sweet naman ng Lilibeth ko! Tara ka dito, I-maMWA MWA TSUP TSUP KITA!" \(^___^)/"
Sabi ni Ramil habang nakastretch yung arms niya na para bang naghihintay ng yakap.
"EWW! Ayoko nga! Ang baho mo kaya Ramillio Esguerra! Kaya ka napapagtripan eh! Maligo ka nga!" sabi ko sakanya habang nakatingin sa ibang direksyon, kasi nararamdaman ko'ng namumula ang mukha ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. (>___<)
Crush na crush ko yang kababata ko'ng yan eh. Scratch that. Mahal ko na pala siya. Ayoko lang talaga sabihin sa kanya kasi baka hindi naman kami pareho ng feelings para sa isa't-isa, kaya ayokong isugal yung pinagsamahan namin para lang sa isang walang kasiguraduhang desisyon.
"I love you bestfriend!" sigaw niya habang pumapasok dun sa CR.
I love you more Rammy.
***
[ at the cafeteria.. ]
|SPLAAAAASH|
"Ooops! I'm so clumsy talaga. Sorry ha! Oh Look girls! Nandito pala si nerdy, kasama ang girlfriend niya!" pag-aanunsiyo ni Colleen matapos niya kaming tapunan ni Rammy ng C2 niya!
Siya ang Campus Brat dito. Her family owns the school, kaya no one tried to get in her way.
"A-ayos lang y-yun Ms. C-Colleen," bakit nauutal to'ng si Rammy?
"Eww! Don't touch me! Girls! Let's go! Its so like kadiri here, seeing that yucky nerd with that babaeng mukhang katulong!"
Umalis na si Colleen, at ang KAPA girls niya.
"Pst. Ramillio! Bakit ka nauutal kanina?" Dala ng kuryosidad, naitanong ko yan kay Rammy.
"Bestfriend, wag kang maingay ha. Secret lang natin to ha? Crush na crush ko yang si Colleen eh,"
Ouch.
Pakiramdam ko, parang nilamon ako ng lupa dahil sa sinabi niya. Na para bang may force na kumabog ng husto sa dibdib ko.
Sabi ko na nga ba kaya may something sa sarili ko na pumipigil sa akin na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko eh. Kasi hanggang bestfriend lang talaga ang tingin niya sa akin. Bestfriend lang talaga. =(
BINABASA MO ANG
Sticky Note [One Shot]
RomanceCopyright © 2012 by SweetyAnn Story about friendship, turned into love that ends in a tragedy.