"Teka nga muna!kausapin mo ako"sigaw ko sa bestfriend ko."Ano ba Jean? mag-usap tayo kapag handa ka nang makinig sa explanations ko."Naiwan akong umiiyak sa hallway ,habang siya naglalakad palayo.Hindi ko na napigilang magalit at umiyak dahil sa selos na nararamdaman ko.Paano ba namn!kung dati wala siyang ibang inatupag kundi ako na bestfriend niya/Girlfriend.Pero nagbago siya ng makilala niya ang ate ko.Sila na lng palagi ang magkasama,nakakalimutan na ng bestfriend ko ang mga araw na especial para sa aming dalawa yun ay dahil busy siya sa ate ko.Gusto ko mang aminin kay ate ang tunay kong relasyon ka Aron,hindi ko masabi dahil sabi ni Aron siya na lng daw ang hahanap ng perfect time para sabihin kay ate.Kasi alam ko na ang mangyayari kapag hindi namin naipaliwanag ng maayos kay ate Jessa baka agad niya sabihin kila mama at papa.At kapag nalaman to ng parents ko baka paglayuin kami ni Aron,at yan ang ayaw kong mangyari