Chapter Six

494K 9.4K 704
                                    


💋

"SO, okay lang ba sa 'yo ang no label relationship?"

 Pinaikutan ni Jeasabelle ng mata si Alicia. Nakaupo siya sa harap ng salamin at busy sa pagpapaganda sa sarili. Mahigit isang oras na yata siya nakaupo doon. At hindi siya aalis hangga't hindi on point ang seductive look niya para sa gabing 'yon

 Ofcourse, she have to be very seductive every Friday Night. Para pak ang awra!

"Bakit may pag-irap?" amused na tanong ni Alicia, nakaupo ito sa kama nito at isinusuot ang itim na high heels nito. "Si Fafa Danrick mo na ang nag-propose sa 'yo ng isang no label relationship, choosy ka pa?"

"Ay, bakit? Wala ba akong karapatan tumanggi?" Tinaasan niya ito ng kilay sa salamin.

"Wala naman akong sinasabi na wala kang karapatan tumanggi. Surprising lang kasi na ikaw pa 'yong tumanggi."

"Ay, wow."

"Yeah, and sis, sure ka ba talagang nagpropose siya ng ganoon sa 'yo or imagination mo lang? Kasi kung tingnan na lang natin 'yong ex-girlfriend niyang goddess... Ouch!"

Binato niya ito ng make-up brush niya. "Gurl! Ang sakit nun, ha."

"Tse! Masakit din makumpara sa ex niya no."

"Eh, masakit pala, bakit hindi mo pa kasi tinanggap ang proposal sa 'yo ni Danrick? Nagpapahabol ka lang yata, eh."

"Hoy, hindi no!"

Siya naman ang pinaikutan nito ng mata. Tumayo na siya sa kinauupuan at humarap dito. Maarteng hinawi ang buhok nya at nameywang sa kaibigan.

"Pagpapahabol ba kung sabihin ko na hindi okay sa akin ang isang no strings attached kemerut? Eh, that's me. Hindi naman talaga okay 'yon sakin, kasi halos lahat ng pumapasok sa ganyan nasasaktan sa huli. Sa simula, mag-agree kayo sa sex lang. Pero habang tumatagal, nagkakaroon ng feelings 'yong isa at doon na magsisimula na aasa ka na baka may feelings na rin siya sa 'yo."

 Alam na alam na niya ang ending ng mga pumapasok sa isang no label relationship. Nagiging bitter ang isa, at mapupuno ng hugot posts ang facebook wall ng umasa at nasaktan.

"Second, tama lang na I-decline ko 'yong proposal nya because I am a Filipina, and I should be conservative."

"Pota ka," ibinato pabalik ni Alicia sa kanya ang make-up brush niya. "Ayos na sana 'yong una mong sinabi. Sinundan mo pa 'yong pagiging conservative mo kuno."

Humalakhak siya at tumabi dito. "Pero seryoso ako, naisipan ko pa magpaka-conservative nung tinanong niya ako kahit gusto na talaga ng keps ko."

"Eh, bakit hindi mo sinunod ang tawag ng landi?"

"Ayaw ko rin kasi magmukhang easy to get lang. Aminado naman ako na gusto ko na siya college pa lang. Pero pagkatapos ng unang encounter namin, noong iniwanan niya ako sa hotel dahil sa nalaman niyang siya 'yong una ko, parang hindi naman yata tama na pumayag ako sa proposal niya. Oo, gusto ko siya. Pero hindi ko papababain 'yong self worth ko dahil sa isang lalaki no."

Napangiti ito at hinagod ang likod niya. "Tama 'yan, sis. Hindi porke gusto mo 'yong isang tao, magpapakatanga ka na at ibababa mo 'yong dignidad mo para sa kanya."

"Pero tingin mo interesado talaga siya sa kin?" Parang ayaw niya paniwalaan ang sinabi ni Danrick sa kanya. He found her attractive daw. Hindi niya tuloy mapigilan isipin na baka pampalubag loob lang nito iyon kaya sinabi sa kanya.

"Sis, hindi ka ba nagagandahan sa sarili mo?"

"Alam kong maganda ako, sis. Pero parang di lang ako makapaniwala kung manggagaling kay Danrick. Eh buong college days ko itinuon ko sa pagpapansin sa kanya, deadma lang niya ako."

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon