We are one

2.3K 141 27
                                    

Isinulat ko ito dahil hindi na kinakaya ng damdamin ko ang mga nangyayari ngayon sa EXO.

Alam ko, para sa iba napakadrama at masyado ng maarte ang ganito. Pero anong magagawa niyo? Fans kami. At mahal namin sila.

SILA. WE LOVE THOSE TWELVE DERP GUYS.

Yung ngiti nila nung unang beses ko silang nakita na magkakasama.

Iyon ang hinding hindi ko makakalimutan. Ang ngiti na nagsasabing 'We are one'.

Naalala ko pa nung hindi pa ako isang EXO Stan. Ni hindi ko matandaan ang mga mukha at pangalan nila.

Para sa akin, magkakamukha lang sila na ang alam lang ay magpacool at magpakagwapo.

Pero hindi rin nagtagal ang thought na 'yon.

Nagsscroll ako noon sa FB hanggang sa may makita akong picture ng isang lalaki na as in mapapatigil ka para titigan ang picture niya.

Nakasuot siya ng puting t-shirt at medyo may pagkayellowish ang buhok niya. Messy look ang itsura niya. At talagang naattract ako sa kanya dahil nadala niya ang isang puting shirt.

Yun bang.. parang kahit basahan ang isuot niya, madadala niya pa rin.

Iyon ang first encounter ko sa EXO.

Kinlick ko ang picture at binasa ang caption.

'Ang cool talaga ng BF kong si Kris. ♥'

Kris? BF niya? Feelingera. Iyan ang naisip ko.

Hindi ko na lang namalayan, nagbukas na ako ng new tab at sinesearch ang pangalan ni Kris sa google search bar.

At doon na nga nagsimula ang pag-aadik ko. Nalaman kong isa siyang leader ng isang grupo na EXO-M.

Sinearch ko. Anim pala silang members. Si Kris, Luhan, Xiumin, Lay, Chen at Tao.

Pero yun ang akala ko.

Nagsearch pa ako at nabasang 12 members pala sila at kilala sa grupong 'EXO'.

Ang grupo na nahahati sa dalawa, ang EXO -K at EXO-M.

Lalo pa akong nacurious at doon na ako nagsimulang manood ng videos nila.

At doon ko napagtantong hindi lang puro pacool at pagpagwapo ang alam nila. They're TALENTED. They have the skills.

At lalong lumalabas ang galing nila dahil sa bawat performance nila, makikita mong masaya sila.

Dahil bago ang performance nila, magsasamasama sila at sisigaw ng katagang 'We are one'.

At kapag natapos na nila ang performance nila ngingiti sila sa mga fans nila, at isisigaw ang katagang 'We are One, We are EXO.' nang may ngiti sa labi.

Sila din ang dahilan kung bakit ako nagsimulang magsulat sa wattpad ng fanfic about sa kanila.

Dahil sa pagsusulat ko na 'yon, naiimagine kong kasama ko ang doseng bakla na pinaliguan ng kagwapuhan at hotness.

Yung doseng lalaking nagpapasaya sakin kahit alam nilang hindi ako nag-eexist.

Yung doseng lalaking nakakapagpakilig saakin sa bawat ngiti nila.

Yung nakakapagpaalien talk sa akin sa bawat pagkanta ko ng kanta nila.

Mahal na mahal ko ang mga lalaking yon. Sobra. ♥♡

Hindi ko alam ang totoong nangyari. Sa totoo lang, sa pages lang ng EXO at sa mga status ng EXO stan n kagaya ko ako nagbabasa ng Updates about sa issue. Dahil na rin sa walang internet.

Sa bawat update nila, may part sa akin na gustong maniwala, may part naman na hindi.

Dahil ang sa akin lang, hangga't may pusong EXO ako, magpapakatatag ako. Maniniwala ako sa equation na '12-1=0'

Dahil kapag wala ang isa, hindi na nila masasabi ang katagang 'We are One' nang may ngiti sa labi.

--

Walang kwenta 'to para sa iba. Pero naiiyak kasi ako. Naiiyak ako sobra sobra.

Sorry sa kadramahan. You don't need to vote or read. Gusto ko lang na isulat ito para gumaan ang pakiramdam ko.

At lagi ko ngang inilalagay,

Ang asawa ni Kris,

Pam ♥♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We are oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon