Wrong Proposal

205 6 3
                                    

A/N: Thank you pala kay ryza_07 para sa background noong book cover. 

Nag try lang akong gumawa ng book cover, so pabayaan niyo na lang kung panget yan. Haha

Simula

“Pare, yung unang babaeng lalabas diyan sa gate, si Raine na daw yun.” sabi ni Louie sa kaibigan na kanina pang pauli-uling naglalakad.

“Ah! Tara na doon sa may gate.” kinakabahang tugon naman ni Vance, ang kaibigang artista ni Louie.

Kasalukuyang naglalakad ang magkaibigan patungo sa harap ng gate ng Genie High. Nakapag-desisyon na kasi ang sikat na artista na ipakilala ang kanyang long-time non showbiz girlfriend sa mga tao sa pamamagitan ng pag-aalok nito ng kasal na live na live na mapapanood sa mga telebisyon.

Kahit hindi sang ayon ang kanyang manager ay ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang desisyon. Lagi niyang katwiran na hindi pa naman sila agad magpapakasal, hihintayin muna niyang mag-18 si Raine, na isang taon mula ngayon. 

“Pare, andyan na.” bulong ni Louie habang patuloy pa rin na sinisilip ang babaeng palabas na ng gate ng Genie High. This is it! Vance thought to himself. Lumapit agad siya sa may gate at nang makita niya ang babae ay agad niya itong sinalubong at hinawakan ang mga kamay nito. Agad naman na nagsilapitan ang media dahil  isang malaking scoop ito pag nagkataon. Pati ang mga estudyante ng Genie High ay nagsilapitan din ng makilala nila si Vance.

Bumuntong hininga muna si Vance bago unti-unting lumuhod sa harap ni Raine. Natahimik naman lahat ng nanonood sa kanila.

“Raine, I know this is so sudden. Hindi ko na kasi kayang itago pa sa media ang lahat ng tungkol sa atin. I want the whole world to know how much I love you. Noong sinagot mo ako, naging isa sa mga pangarap ko ang maging asawa ka kasi alam ko na ikaw na talaga ang gusto kong makasamang tumanda. I also know we’re too young for this, but Raine I can’t imagine my life without you. ” pagkasabi ni Vance nito ay kinuha niya ang isang maliit na kahon sa kanyang bulsa na naglalaman ng singsing na pinasadya pa niya. “So, Raine, will you make my dream come true?”

Napasinghap ang lahat sa ginawang proposal ni Vance. Sino nga ba naming ang hindi magugulat kung makikita mong nag po-propose ang isanng sikat na sikat na artista sa isang ordinaryong tao lamang. Pati si Louie ay natulala sa nangyari. Gusto niya sanang pigilang ang kaibigan pero hindi niya alam kung saan na napunta ang dila niya at hindi siya makapagsalita.

Sa kabilang banda naman, nagtataka si Vance dahil hindi pa rin sumasagot si Raine. Naisipan niyang tingnan ang reaksiyon ng dalaga. Kanina pa kasi siyang nakatungo kaya gusto niyang malaman kung natuwa ba ito dahil sa wakas nalaman na ng buong mundo kung sino ang nagpapatibok sa kanyang puso. Tumingala na si Vance at nagkatitigan na sila ni Raine, kung kanina ay gulat at natulala ang dalaga sa kanya ngayon naman ay napanganga na ito at nanlalaki ang mga mata.

At sabay-sabay na napamura si Louie, Vance at si Raine.

“Sht.”

“Fvck.”

“Tangina.”

Wrong proposal pala! Hindi si Raine ang kaharap niya kundi isang lalaking na-trap sa katawan ng isang babae. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon