Foreword

53 0 0
                                    



  Pangatlong linggo na ng septyembre nang magsimulang maglagas ang mga punuan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang daming natutuwa sa tuwing nagsisimula ang Spring Season. Natutuwa ba sila dahil na mamatay ang mga punuan? Tsaka nakakapagod mag linis ng bakuran tuwing Spring dahil pagkatapos mong mamulot ng dahon maya-maya may mga dahon nanaman nagkalat. Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto ng mga tao ang Spring.  


Tulad ng mga punuan tuwing Spring Season unti-unti rin siya namamatay. Araw-araw siyang malungkot. Palagi kasi siyang binabasted noong nasa Junior High pa siya. Kung may girlfriend naman siya ay hindi siya nito sineseryoso. Naalala niya ang babaeng huling bumasted sa kanya na si Ahn Sohee na kasulukuyang nagaaral sa JYP High, gustong-gusto niya talaga ito dahil napakamabait, mahinhin, maalaga at higit sa lahat maganda ito. 


Ang buong akala niya ganon rin ang nararamdaman para sa kanya ng dalaga dahil napakabait nito sa kanya ngunit may boyfriend na pala ito at magiisang taon na pala sila magkarelasyon. Tinago lang nila ang relasyon nila para hindi mawalan ng fangirls ang boyfriend niyang sikat na basketball player sa eskwelahan nila, sa JYP High. Kaya hindi niya maiwasan sumiklab sa sobrang galit pag naririnig niya ang salitang Basketball dahil naalala niya ang sakit na dinanas niya mula sa dati niyang nililigawan.


"Hanggang kailan ka ba magmumokmok, Soo?" tanong ng kaibigan niya na si Suho habang tinatapik ang balikat niya. Mahigit tatlong buwan ang tanda ni Sooyoung kay Suho ngunit hindi siya nagpapatawag ng hyung rito.


"Sooyoung ilang linggo ka ng ganyan." nagaalalang wika ng isa pa niyang kaibigan na si Xiumin ang pinakamakulit sa kanilang magkakaibigan.


Nakatingin parin siya sa kawalan tila walang naririnig. Kahit siya hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganyan. Isa lang ang alam niya, hindi na siya masaya sa buhay niya. Binaon niya ang kanyang mukha sa bisig niya tsaka pumikit sinubukan niyang matulog nalang muna habang hinihintay mag ring ang school bell. Maaga kasi siyang pumasok dahil hindi siya makatulog.


"Sooyoung oppa, pasensya ka na kung hindi ko nasabi sa iyo ng mas maaga pero matagal na kaming may relasyon ni Taecyeon oppa." napabuntong-hininga nalang ang binata ng maalala ang sinabi ng dalaga.


"Aish Soo. Iniisip mo parin ba si Sohee-ssi?" inosenteng tanong ni Jonghyun ang pinakapasaway at takaw-away sa kanilang magkakaibigan. Ang kaibigan niyang pinakapasaway.


"Yah baliw ka ba?! Bakit mo pa binanggit ang pangalan niya?!" bulong ni Suho ang pinakaseryoso sa kanilang magkakaibigan, habang tinitingnan ito ng masama.


"Pasensya na, nawala sa isip ko." natatarantang sagot ni Jonghyun.


Dahan-dahan inangat ng binata ang kanyang ulo tsaka tumayo habang madilim ang ekspresyon ng mukha nito. Kahit hindi nito sabihin ay bakas na sa mukha nito ang galit. Laking gulat nila ng salpukin ng binata ang noo niya sa ang noo ni Jonghyun. Lumagpak si Jonghyun sa sahig habang nakahawak sa noo niya. Napadaing ito sa sobrang sakit.


"Oh anong napala mo? Nagsalita ka pa kasi." puna ni Minho ang pinakabata at playboy sa kanilang magkakaibigan habang tinutulongan tumayo si Jonghyun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fast Break Through Your Heart (SOORI FIC)Where stories live. Discover now