CRUSH

39.5K 613 132
                                    

Dedicated to sayo kasi bitin ka sa Mr. Pringles. Ang mga Dyosa hindi binibitin. xD

HIGHSCHOOL (Short Story)

Naalala ko pa nung High school pa lang ako. Senior year na ata ang pinaka-paborito kong yugto ng aking buhay. Sa tuwing naalala ko yun, hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Graduating na ako ngayon sa College pero hindi ko maiwasan na isipin noong HS ako kapag nakakakita ako ng mga highschool student na nagpopost ng picture sa facebook.

Let me tell you a story, 5 years ago.

January 2009

Back to school nanaman. Nakakabitin yung 2 weeks christmas vacation. Sana ma-extend. Ayoko pang makita ang terror teacher ko sa physics. Ayoko pang sirain ang bagong taon ko para makita ang mga mean girls kong kaklase.

Pero handa na akong makita ang mga kaibigan kong si Ashi at Thea. Na-miss ko ang dalawang yun. Hindi kami gaanong nagka-communicate nung pasko dahil pare-pareho kaming busy.

At eto pa, hindi ko alam kung bakit biglang excited akong makita si Bryck Corsillas. Isang beses ko siyang napanaginipan at hanggang ngayon hindi siya maalis sa isip ko. It was a random dream na hanggang ngayon iniisip ko pa din.

Bryck was my classmate ever since. Hindi kami gaanong close pero hindi rin naman kami nobody sa isa't-isa kaya na-wiwierdan naman talaga ako.

Naglalakad akong 3rd floor kung saan ang room naming mga Seniors suot ang plantsado kong uniform, bagong sapatos at bagong bag. Syempre, dahil nagpasko, marami akong regalo galing sa mga ninong at ninang ko.

Hindi pa ako nakakarating sa pintuan ng room namin ng sinalubong na ako ni Thea na sobrang lawak ng ngiti. Hinagilap ng mata ko si Ashi pero wala pa siya. Sabagay, maaga pa naman kasi talaga. Ako lang naman itong excited .

“Mommy~ Namiss kitaaa~” Thea said giggling. And yes, she calls me Mommy. Yun ang tawagan namin sa isa't-isa. Thea calls me mommy and i call her baby. Si Ashi naman, mommy din tawag ko sakanya and she calls me baby also. So thea calls her Grandma. Uso kasi sa amin yung happy family sa room. At syempre may daddy din ako. Si Thea, walang daddy kasi wala naman akong boyfriend.

“Ako din!!! Bruha ka, hindi mo man lang ako grinit nung new year!” hinampas ko siya ng maalala ko yun.

“Hindi ako maka-send eh!” pagrereklamo niya. “Tsaka ikaw din naman.” lumabi siya sa akin.

“Hindi rin ako maka-send.” sabi ko kaya parehas kaming natawa.

Pumasok kami sa room. Nakita ko yung iba kong kaklase na excited sa pagkekwento ng christmas vacation nila. Naupo ako sa assigned seat ko na may nametag pa. Si Thea nasa likuran ko at katabi niya si Ashi ng upuan. Ako lang nahiwalay sakanila.

Pag-ayos ko ng upo, nakita ko si Ashi kasabay na papasok si Adrian, which is my daddy na asawa daw kunwari ni Ashi. Pero hindi sila kasi parehong natotorpe sa isa't-isa. Kumaway sa akin si Ashi at Adrian.

Kakaway din sana ako ng sunod na pumasok sa room ay ang naging dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko. Nagiging abnormal na ata ang pintig ng puso ko. Ngayon ko lang ito naramdaman, para akong aatakehin sa puso.

Bryck. Nagbakasyon lang, bakit naging ganito ang epekto mo sa akin? Ni hindi kita tinitext kasi wala naman akong number myo. Hindi nga kita gaanong napansin after nung christmas party eh. Sa panaginip lang at napakabilis nun. Pero bakit ganito? Nalilito ako.

My heart literally stops when he looked at me. Sa hindi malamang dahilan, nginitian ko siya dahilan para ngumiti din siya sa akin. Mas lalo akong kinabahan ng lapitan niya ako.

HIGH SCHOOL (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon