PROM

13.6K 451 81
                                    

PROM

 

Ano ang Prom? Bakit may Prom? Ok lang ba kung hindi mag-attend? Masaya ba 'yon? Eh dagdag gasto 'yon eh.

Peron bakit nga ba sa buhay ng isang High Schooler, Prom ang pinakahihintay? Kasi 'yon ang panahon na pwede kang magpropose sa nililigawan mo. 'Yon ang chance na pwede mong isayaw ang crush mo. At 'yon ang huling pagkakataon na makasama mo ang mga kaibigan mo, na hindi iniisip ang school projects.

"Trish, samahan ka namin magpasukat ng gown mo ah!" sabi ni Ashi pagpasok pa lang ng room. kakatapos pa lang ng break time namin at kay Leslie at Macy ako sumabay. Hindi naman nagseselos si Ashi at Thea. Sakatunayan, sila pa nag-push sa akin na sakanila sumama ngayon. Dapat daw close ako sa kaibigan ng manliligaw ko.

Oo, manliligaw ko na si Bryck. Kinikilig nga ako kapag naalala ko 'yung sa ilog eh. Parang hindi kapani-paniwala. Parang isang panaginip na masarap ulit-ulitin.

"Sa Saturday pa naman eh." Sabi ko.

"Hala? Hindi pwede! 2 weeks na lang Prom na! Kailangan mo ng magpasukat. Mamaya magpasukat ka na ah?" tumango na lang ako. Itetext ko na lang tuloy si Mama na mamayang uwian ako magpapasukat. May design na naman kasi ako sa gown. 'Yung kaibigan kasi ni Mama na bakla ang nag-sketch.

Filipino na ang next subject namin. El Fili ata kami ngayon kasi tatapusin na namin ang kwento ni Simoun.

Nag-sscan ako nang libro ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Bryck. Nakangiti siya sa akin. Lagi naman eh.

"Bakit?" ani ko. Umiling naman siya.

"Tabi na lang tayo." Sabi niya.

"Baka mapagalitan ka ni Ma'am eh." Dalaga pa ang teacher namin sa Filipino pero may pagka-istrikta kaya takot kami.

"Wala 'yon si Ma'am. Takot 'yon sa muscles ko." Pinakita niya 'yung payat niyang braso kaya natawa ako. Si Bryck kasi hindi naman siya macho. Payat siya na maputi na singkit. 'Yung mukha niya pang anime eh. Kaya siguro marami din nagkakagusto sakanya kasi ganyan siya. Naalala ko pa noong 3rd year ako, walking Rukawa ang tawag sakanya noon. Siya daw ang bumuhay sa katauhan ni Rukawa sa Slam Dunk.

"Talaga lang ha? Eh si Cassy ang nakaupo dyan." Sabi ko lang. nakita ko naman na ngumuso siya at parang nalungkot.

"Samahan mo na lang ako mamaya." Sabi ko para makabawi sa lungkot niyang pinapakita.

"Talaga? Saan?" masaya niyang tanong.

"Sa *** fashion house. Magpapasukat ako ng gown eh."

"Ayaw ko." Sabi niya. Napasimangot naman ako. Bago pa ako makapagsalita inunahan na niya ako. "Naniniwala kasi ako na bawal makita ng Groom ang susuotin ng Bride sa kasal." Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatawa. Ganyan si Bryck sa akin. Kengkoy on his own unique way. Mas nakilala ko siya ngayon. Ibang-iba sa Bryck na alam ko. Akala ko he's a man of few words. Hindi pala. Ang dami niyang kwento. Nakakahawa ang kakulitan niya.

Lunch break na at sabay-sabay kaming pumunta sa canteen nila Ashi at Thea kasama si Bryck at ang barkada nito.

Maingay kami habang kumakain. Mas naging maingay nga kasi doble trouble na kami. Mga kengkoy itong kasama naming lalaki. Pati si Adrian nahawa na. kaya ito namang si Ashi halatang mas naiinlove.

Nakita kong naglabas ng ipod si Bryck sa bulsa niya. Sa school namin, bawal ang cellphone, ipod, at shuffle kaya bawal ipakita. (hindi pa uso noon 'yung ipad at tablet)

Kinabit niya yung headphone at nag-scan. "Bawal 'yan." Puna ko. Nagkibit lang siya.

"Pakinggan mo 'to." nilagay niya yung headphones sa tenga ko.

HIGH SCHOOL (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon