Mahirap. Mahirap. Mahirap.

111 8 5
                                    

Hindi mahirap as in walang kaya sa buhay ang tinutukoy ko. Meh~

What I mean is difficult, hard, challenging, o kahit ano pang term na sinasabi ng thesaurus dyan.

Basta ang sasabihin ko lang ay MAHIRAP talaga.

MAHIRAP humanap ng readers pag bagong writer ka lang.

Diba? Mahirap naman talaga. You need to think of good ways para makahanap ng readers. Yung makuha mo ang attention nila. Marami na kasi masyado ang literature works dito sa wattpad at hindi mo na alam kung ano ang gusto ng mambabasa. Parang soap opera lang, nakakasawa na tangkilikin kung alam mo na ang mangyayari. Mga cliche stories na halos kaya dapat maiba ka. Kung bagong writer ka, kailangan mong tanggapin na echapwera na yung story mo dahil walang masyadong pumapansin sa mga bago. 'Cause they'll think nabasa na nila yun. At syempre mas mauuna nilang tignan yung nasa what's hot dahil tingin nila yung ang 'benta'.

MAHIRAP mag-promote ng stories mo lalo na't hindi mo alam kung paano.

Kasi nga new writer ka hindi mo alam to. Paano nga ba? Well hindi mo alam ang sistema dito sa wattpad kaya pwede kang maki-FC jan. Haha! Pwede kang mag-post sa message board ng iba pero wag na dun sa mga famous kasi they won't read that anyway. T-Teka bago ka magreact, hindi ako nag-gegeneralize. Sa pag-eexplore ko kasi (ang totoo nyan silent reader ako at ngayon lang gumawa ng account. More of a reader ako), may magagalit sayo dahil sa message board niya ikaw nagpopromote. Respetuhin natin sila. Though wala akong nakikitang mali dito kaya I'm in favor. Lels~ Kasi depende naman sa kanila kung babasahin nila yun o iignore na lang. But if they had clearly said na WAG, then STOP. Maybe there are groups or clubs or whatever na pwede kang jumoin at magpromote. Kung di magwork, wala ka bang friends??? Kung ganun ka ka-FOREVER ALONE, IKALAT MO SA MGA SOCIAL NETWORKING SITES. O kaya sariling sikap.

MAHIRAP maging mang-mang at walang alam sa mga bagay.

Sa simula lang yan. Kasi nga bago ka. Hindi ka naman kakainin ng wattpad kung tanga ka. Toinks! Pwedeng mag-explore. Libre naman yun. Totoo! Kung hilig mo talaga ang pagsusulat, malamang nakakabasa ka rin. Madali mo lang matututunan ang pasikot-sikot dito. Hindi naman sobrang nakakatanga. Uhmmm, medyo lang. Mga ilang oras expert ka na. LoL.

MAHIRAP humanap ng friends at bagong kakilala.

Kasi nga bago ka, feeling mo OP ka. Kailangang madaldal ka at enthusiastic para may makipagfriends sayo. Oo alam ko ang iniisip mo. Ayaw mo makipagfriends dahil ayaw mo ng rejection? Well... Naisip ko na rin yan! Feeling ko may mga grupo-grupo rito. Mababait naman sila pero syempre mahihiya ka talaga dahil baka ayaw nila sayo. 'Pag nakipag-chikahan ka na as if close kayo, parang magiging iba yung dating sa kanila. Tiyaga lang yan! Yung iba nga ang tagal na dito pero hindi naman sila naawardan ng Ms/Mr. Congeniality.

MAHIRAP kung walang nakakaappreciate sa gawa mo.

Okay. Wag ka na magpaka-humble at sabihing nandito ka dahil gusto mong i-express ang sarili mo through your works. Sabihin na nating kasama yun (syempre dahil lahat ng characters mo ay parte ng pagkatao mo), pero diba gusto mo rin naman ng appreciation?

Yung tipong "Lord! Masaya na ako kahit isang reader lang!"

"Lord! sana may magcomment at magvote sa gawa ko! Pinaghirapan ko rin naman yun!"

those blah-blahs diba. Nung bagong writer ka ba, what was in your mind? Diba natutuwa ka dahil may nagbabasa ng story mo? Natutuwa ka dahil kahit alam mong baguhan ka pa lang at mas maraming magandang kwento, may isang tao o kahit sampu ang naghihintay sa update mo? Na nakapansin ng gawa mo? Masaya yung feeling, I think. Kaya mahirap sayo dahil gusto mo ng appreciation, right? Tiyaga lang yan. Hindi lahat ng stories, nag-i-stand out.

**

Alam kong bago lang ako pero andami ko na agad nasabi. Base naman kasi yun sa naoobserve ko. And I've read over a hundred stories here in wattpad. Mapa-hot pa yan o hindi. Simula sa Romance hanggang sa Other. HAHAHA! Lahat ng yun magaganda. At 'pag may nababasa akong bago na alam ko na ang mangyayari, tinitigilan ko na at hahanap na ulit ng panibago.

Oo mahilig ako magbasa. At frustrated writer ako. Kaya naman nahihirapan pa ako katulad ng mga baguhan din diyan. Tiwala lang sa sarili! Hindi naman porke hindi KathNiel ang story mo hindi na mapapansin. (LoL. Teka napasama yun kasi napapansin kong basta KathNiel ang characters marami ang nagbabasa kahit medyo cliche na. Hoho! Wag magalit~)

Kung nabibilang ka sa new writers, famous writers, at i-write-to-expess-writers, pwede kang mag-comment dito. Pero wag ka namang mang-away dahil hindi ako nang-aaway. Sinabi ko lang mga observation ko. Ginagamit ko lang ang aking freedom of speech. Meh~ Yun lang! :3

P.S: Alam ko na ang sasabihin mo, ang galing ko mag-observe! HAHAHA!

Mahirap. Mahirap. Mahirap.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon