Chapter 1: WILDEST DREAM

32 1 0
                                    

TANGA.

Ako si Zee.
Maputi. Matangkad. Makulit.
Pero tanga.

Oo tanga ako. Tanga sa taong minahal ko ng sobra pero ginagago lang ako.
Pero nabago ang lahat mula nung makilala ko sya.

Sya..
Ang babaeng example ng Small but Terrible.

Sya..

Ang unang babae na naglakas loob na awayin ang girlfriend kong bipolar na walang kahit ni isa na nagtangkang umaway sa kanya dahil sa ugali nyang hindi ma spelling.

Sya si Mae.

It was october 2017.

Gumawa ang kaibigan ko na si Aimee ng isang group chat kung saan apat lang kami.
Ako, siya, ang girlfriend nya na si Elay at ang pinsan nya na si Mae.
Hindi pa kami nagkikita sa personal. pero isang taon na kaming magkakilala.
Dalawa yung facebook account ko dahil sa sobrang sakal na sakal ako sa girlfriend ko.
Pati mga kaibigan ko bina-block nya.

Isang gabi, iniyakan ko na naman ang girlfriend ko.
Si aimee, bilang kaibigan naiinis na sa pagpapakatanga ko kaya napagplanohan nila ng pinsan nya na dapat matigil na lahat samin ng girlfriend ko.
Nagpanggap si Mae bilang bagong girlfriend ko.

Actually dati pa nirereto na 'ko ni Aimee kay Mae.
Kaso snob to dati si Mae buti ngayon namamansin na sakin.

So ayun.. dalawa kami ng girlfriend ko nagbubukas ng account ko sa facebook.
Nag message sakin si Mae.

"Love? sino ba si Charie?! (Charie ang pangalan ng girlfriend ko)
kabit mo ba sya ha?!"

kunwaring galit at nagseselos na chat nya.
At nabasa yun ni Charie.

Charie: hoy zee! sino ba yung mae! bakit love ang tawag nya sayo!?

Hindi ako nakasagot kasi ayoko din magsinungaling.
Hinayaan ko lang lahat.
Naghihintay sa magiging resulta.

Inaway ni Charie si Mae, kaya nagkasagutan sila sa chat.
Ang cute ni Mae..
Ang cute nya sobra.
Inis na inis sya't nanggigigil sa girlfriend ko lalo na nung na block sya nito sa facebook.

After that night.
Nag break kami ni Charie.

Just like that.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nagkaroon ng spark saming dalawa ni Mae.
Wala naman akong sinasabi na gusto ko sya at wala rin syang sinasabi na gusto nya ko.

Biglang M.U.

Biglang may Mutual Understanding kami kahit hindi pa kami nagkita sa personal at hindi rin kami laging nag uusap.

Until one day...

November 13, 2017. 2pm.

Na set up kami ng kaibigan ko na pinsan nya na si Aimee.

Aimee: zee magkita tayo sa mall.
Ako: seryoso? anong oras?
Aimee: okay lang morning?
Ako: pwede sa hapon nalang?
Aimee: ok.
Ako: may kasama ka?
Aimee: oo isa.
Hindi ko alam na sinabihan din nya si Mae na magkikita daw sila sa mall.

Ako: yun parin ba number mo?
Aimee: dito ka tumawag sa *binigay nya ang number na tatawagan ko.

Pero nung tinawagan ko iba yung sumagot.

Ako: hello? Aimee?

Sa kabilang line...
Sya: anong Aimee?
Ako: sino to?
Sya: auntie nya. (pabiro na sabi)
Ako: auntie? hello? Elay?
Sya: ewan sayo
Sabay pinatay nya yung call...

Kinabahan na 'ko nun kasi hindi naman si Aimee yung sumagot ng call.
Baka nantitrip lang sya sakin.

So it was our first meet.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wildest Dream?Where stories live. Discover now