1

8 1 0
                                    

"LINDOOOOOOOOOL........LINDOOOOOOL" nagising ako nung naka ramdam ako ng pagyanig. Akala ko talaga matatabunan na ako ng kisame ng bahay buti nalang kagagawan lang mokong kong boss muntikan na talaga akong takbuhan ng sarili kong heart.


"Shhhh! Shut up, you might wake everybody up." napabangon ako nung tinakpan nya ang aking bibig at ilong mintikan na nga akong hindi makahinga may balak pa ata akong patayin nito.


"Thallus naman 11:35 pm na oh oras na ng tulog ko may ipapagawa ka paba?" bulong ko sa kanya kasi baka ma gising pa si nanay Tess at makita kami dito baka kung ano na naman isipin nun.


"Just come with me" and by that hinila na nya ako agad. Dadalhin na naman niya ako sa bar tapos dun papatulugin? kung wala lang talaga tong bayad hindi talaga ako sasama.


Nasa labas palang kami ng bar rinig na rinig ko na ang malalakas na tugtug. Naaamoy ko na ang mga wild na tao. Hindi na rin ako magugulat kung pagtitinginan kami ng mga tao dito lalo na kapag may kasama kang maganda joke alam ko namang si Thallus talaga ang tinititigan nila isingit ko lang naman yun hahaha.


"Nia here use my jacket." abot nya sa jacket nya kaya di na ako ang alin-langan pa na tanggapin yun lalo na't napasugod ako dito na tanging sando at short lang ang suot.


Nang dahil kay Thallus nasanay na akong magpunta sa bar, nasanay na rin ako sa loud musics at sanay narin akong makakita ng mga live basta yun na yun alam nyo na yun.


"Thallus good thing you came." salubong kaagad sa amin ni Hyme. Agad syang napatingin sa akin kaya naman agad akong nag smile sa kanya buti nalang talaga at nag smile back sya kung hindi pahiya talaga ako. 


Nung nakarating na kami sa table agad namang umupo si Thallus sa tabi nung babaeng ka fling nya kaya no choice ako kundi tumabi doon sa lalaking hindi familiar sa akin pero mukhang kasama naman sya nila Hyme kasi nag-uusap-usap sila.


"Thallus meet Tholley Ryan A. Dyamante my cousin" pagpapakilala ni Ivan kay Trad, oo Trad short for his name. Sure ako mabait to kasi lage siyang naka smile.


"Hi bro nice to meet you I'm Thallus by the way" saad naman ni Thallus then they did a man's hug. Friendly din pala tong mokong nato.


Nabigla ako nung naglahad din sya ng kamay sa akin kaya napatingin ako sa mga kasama namin at lahat sila ay nakatingin din sa amin kaya nakipag shake hands ako sa kanya at nagpakilala.


"You seem so quiet are you sleepy?" tanong ni Trad sa akin kaya napatingin ako sa relo ko upang malaman kung anong oras na.


"Ah ano kasi nasanay lang ako na walang pumapansin sa akin tsaka di ko din naman kayo close pinasama lang talaga ako ni Thallus dito." pagpapaliwanag ko sa kanya tsaka tumayo papunta sa kwarto sa taas nitong bar. Mukha naman nagpareserve na si Thallus ng room doon.


"Hafnia uuwi kana? Gusto mo hatid na kita?" tumayo din si Trad kasunod ko kaya napatingin na naman sila Thallus, Hyme, Ivan, James at yung kasama nila.


"Hindi na kailangan Trad, hindi naman ko uuwi dyan lang naman ako matutulog sa taas mukhang may pinareserve naman na si Thallus na room doon para matulugan ko." hinila ko siya para maka-upo ulit kami kasi agaw pansin na talaga kami dito.


"Mukhang nagpareserve? So hindi kapa sure?" Tanong niya sa akin kaya napa-isip din ako na paano pag wala palang pinareserve si Thallus don edi pahiya ako?


Kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagcompose ng text para kay Thallus.


To: Thallus 

Thallus gusto ko ng matulog. May pinareserved kana don?


Ten minutes na ang nakalipas pero wala talaga siyang balak na basahin ang text ko. Siguro dito nalang ako matutulog baka kasi wala na naman siyang pinaserved gaya lastweek. Matutulog na sana ako dito kaso itong si Trad ang daldal laging nangungulit. Kapag napapansin niyang inaantok na ako pinapahiram niya ako nga cellphone niya tas naglalaro kami. Minsan naman ina-aya nya akong sumayaw, kaso ayaw ko talaga.


"Nia, gusto mo na bang umuwi?" agarang tanong ni Thallus sa akin nung lumapit siya sa amin. Bigla namang nag ningning ang mga mata ko at nakapalakpak din ang mga tinga ko nung marinig ang sinabi niyang iyon.


"Uuwi na tayo Thallus?" excited kong tanong sa kanya. Napatayo pa nga ako nung sabihin niya iyon. Bigla naman akong pinaupo ni Thallus sabay sabing....


"NO not yet. Sorry ah hindi pa kasi ako uuwi." mapang-asar niyang sagot sa akin. Akala ko pa naman makakatulog na ako.


Pinaasa ka na naman Hafnia, lage ka nalang niyang pinapaasa hindi kaba napapagod na masaktan? Luh tignan niya ginawa nya sa  akin ng dahil sa kanya inaantok na talaga ako at ng dahil sa antok kung to na dulot ni Thallus nakapaghugot pa ako.


Wala na talaga akong paki basta ang gusto ko ay ang matulog na kaya ipinikit ko ang aking mga mata at natulog.





----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sinong nag babasa nito? itaas ang paa.............

sa totoo lang nananawagan po ako sa mga nagbabasa nito na sana po huwag nyong ipag damot sa akin ang mga votes nyo hehehehe comment naman dyan oh.


ThankYou:D







Lost of SightWhere stories live. Discover now