2

1K 17 0
                                    

Tinanong ko kung anong ikinamatay niya sa magulang nya ngunit sinabi nila na hindi din nila alam.

Bigla na lang daw syang hindi nagising.

Hindi ko nadin binanggit sa magulang niya ang nakita ko kagabi. Hindi na din kailangan.

Kung sinunod nya lang iyong bilin ko sakanya hindi sguro mangyayari 'yon.

Sabi sabi din sa amin na pati iyong taong nakakita ng ganun ay nanganganib din daw yong buhay. Hindi naman ako naniwala. Eto nga, buhay pa ako.

Pumunta na ako sa paradahan ng jeep at hinintay mapuno.

"Bayad po." Bago ko inabot ay tinignan ko muna iyong nagbayad at...

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi. Namamalik mata lang ako.

Imposibleng kamukha nong nakita ko sa salamin yong babae. Patay na sya.

Hindi ko alam pero nararamdaman ko na ako ang may kasalanan sa pagkamatay nung babae.

Pero imposible. Binilin ko naman ang dapat nyang gawin.

Mag hahating-gabi na ng natapos ako sa pamamasada.

Pauwi na ako ng may biglang pumara sa akin. Siguro wala na talaga itong masakyan kaya sinakay ko na lang din.

Sumakay na iyong babae. Tinignan ko siya sa salamin. Nakayuko lang ito.

Hindi ko na tinanong kung saan sya bababa. Siguro naman ay mag papara naman siya.

Sinulyapan ko ulit iyong babae sa salamin nung jeep ko.

Mali. Namamalikmata nanaman ako.

Medyo nanlalamig na ang kamay ko sa takot. Posible na minumulto ako nung babae. Pero di ko naman kasalanan dba?

Nilakasan ko ang loob ko at tinignan ko ulit sa salamin iyong babae.

Mas nabigla ako ngayon.

Yung babaeng sakay ko...walang ulo.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya.

Unti unti pa itong lumalapit sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa daan at nabigla sa liwanag at lakas ng tunog.

"CREEEEECHHHH"


---

END. FINAL.

PARA ITO SA MGA NAGSASABING BITIN DAW HEHE. THANKSSS.

VOTE & COMMENT PLS.

Jeep! (Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon