HI readers! (Kung meron? Hahaha) Sorry kung mahaba ang One shot na'to .
Please do read hanggang sa dulo (Spoiler ako.... unexpected ang wakas wahahaha)
Don't forget to VOTE! KAMSAHAMNIDA! SALAMAT!
~~~
Memories
***
Masaya? Pa'no na nga ba ang maging masaya ? Parang nakalimutan ko na ang maging masaya simula nung mawalay ka sa'kin. Bakit mo'ko iniwan? Ang pangako natin sa isa't isa, ang mga pangarap na binuo natin ng magkasama...... pa'no na?
Pero kailangan kong maging matatag. Lalo na't alam kong masaya at ligtas ka na sa piling ng iba........ sa piling Nya.
*
Inis akong napabangon dahil sa tunog ng alarm clock ko na hindi ko naman si-net kagabi. Padabog akong pinatay yun at tinignan kung anong oras naba at napakamot ako ng may halong inis sa aking ulo ng makitang 5:30 am palang naman.
Sino naman kasi ang taong sumubok na gisingin ako ng ganito kaaga? Aish! ]
Syete naman eh!
Ano naba kasing araw ngayon? Kaaga aga akong gisingin eh wala namang okasyon o mahalagang gawai-- Monday? June 6 ? Anong mero-- Pasok?!
Pasok??!!
Napabalikwas ako sa aking higaan at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo at pagkatapos ay mabilis nadin akong nagsuot ng aking uniporme. At inayos ko na din yung mga gamit na kakailanganin ko sa school, Aish! Bakit kasi hindi saakin pinaalala ni Mommy? Ni Daddy? Ni Ate? Ni Manang? Ni Manong?!! Bakit ni isa sa kanila ay walang nagpaalala tapos bibiglain ako sa alarm clock?!
Nang matapos na akong magbihis ay bumaba na ako at nagtungo sa lamesa at nadatnan ko si Mommy, Daddy at Ate na nagtatawanan habang kumakain. Si manang Rose naman ay nag aasikaso ng mga pagkain at si manong siguro ay nasa labas at inihahanda na ang kotse dahil narinig kong nabuhay ang makina.
Napatigil sila sa pagtatawanan at napatingin sa akin habang ako ay kunot noong nakatingin din sa kanila. "Bakit hindi nyo sinabi o pinaalala saking may pasok nga pala ngayon?" inis na tanong ko
"Aba, ang baby pala natin ay ayos at handa na para sa school" nakangiti at natatawang sabi ni mommy Lei
"Ma! I'm not a baby anymore , tsk. Gwapo not baby"
"Aba aba, ang aga aga eh ang init agad ng ulo nitong binata ko ah hahahah pagpasensyahan mo na kami anak. Oh sya halina't sumabay kana sa aming kumain, maaga pa naman oh. Wala pang alasais , ang bilis mo ba namang kumilos hahaha. Nga pala, be a good boy na this year ha?" sabi naman ni daddy Jay
"Ma, Pa, wag nyo yang bine-baby......... damulag na yan eh hahahahha BABY Arjille Fuerto~~ " pang aasar ni ate Jileigh pero di ko nalang pinatulan dahil wala ako sa mood ngayon.
Nang matapos kaming kumain ay agad din kaming umalis ni ate , nagsabay nalang kami sa iisang sasakyan at nagpahatid nalang kay manong Lito.
"Salamat po manong Lito, ingat po kayo sa paguwi" paalam ni ate at nginitian ko naman si manong Lito.