Classmate

14 3 0
                                    

AN: Thanks for the cover @KBisHart 

Halos lahat ng studyante sa paligid na makikita mo ay busy'ng busy sa paggawa ng mga school projects, assignments and other requirements. Di na man bago sa ating mga pinoy tong Mañana Habit. Kung kailan meron tayong time para gumawa sa mga kailangan gawin natin ay nakasanayan na nating sabihin ang "Maya na" lalo na kapag matagal pa ang deadline.

Kaya busy ang mga tao sa paligid ngayon ay dahil final exam na namin next week so we need to complete our requirements as soon as possible bago pa mahuli ang lahat at di kami makaka exam. Buti na lang binigyan kami ng isang araw para gawin ang mga requirements namin at yun ang ginagawa ng karamihan ngayon.

Di naman ako masyadong nahirapan dahil kunti na lang yung kulang ko, yung mga huling binigay na requirements na lang. Pero ganun pa rin dapat hindi ako makapante ika nga Time is Gold. Sa panahon ngayon ang bilis na ng takbo ng oras kaya kailangan talaga ng time management.

"Daey, canteen muna tayo?" pag ayaya ng kaibigan kong si Jammeh. Kasama ko sya palagi lalo na dito sa school palagi kaming magkakasundo lalo na kung kalokohan ang pag uusapan di kami magpapahuli sa listahan.

"Tara! Nagugutom na rin ako!" pumayag na rin ako dahil pareho naman kami nang natapos pareho din kami ng kulang. At tsaka.... gutom na rin ako. Hihihi sabi pa nila palagi naman daw akong gutom tapos ang lakas ko pa daw kumain tapos di naman daw tumataba. Yan ang ang tunay na sexy!! Diba? diba? Umuo na lang kayo dahil yun naman talaga ang totoo.

"Oyy guys canteen kayo? Pasabay naman kami oh!" pagtutukoy sa amin ni Ella na isa din sa mga busy'ng tao dito. Basketball pa moreeee! Mas inuuna pa kasing manuod ng basketball eh kesyo daw madaming gwapo, ayan tuloy! Nakatulong ang gwapo sa project nila.  Ni pag usap nga eh titignan ka lang saglit tapos balik ulit sa ginagawa dahil focus na focus sa kanilang ginagawa.

"Aba! Swerte mo! Ikaw kaya? Pilay ka ba?" nakangising sabi ni Jammeh sa kanila, natawa na lang din ako sa inasta niya. Alam kong naiinis din sya kay Ella dahil nga sa ugali nya na mas inuuna pa ang gwapo ang lakas pang makatili. Nagpumilit pa rin si Ella pero dakilang pilosopo din tong si Jam at andaming paliko liko kaya ang ending hindi na lang nagpabili sa kanya.

"Abnormal ka talaga, Jam!" sabi ko ng bahagya ko syang sinuntok sa kanyang braso pero tinawanan nya lang ako.

Wala pa akong kilala na nakatalo dito kay Jam lalo na sa pang aasar. Andami nyang baon na pambara sayo. Kunyare aasarin mo sya ng una tapos sa huli ikaw lang din ang maaasar dahil babarahin at babarahin ka nyan. Hinding hindi yan matatablan sa pang aasar mo. Tigasin din! Maski ako talo sa kanya.

"Buti na lang malapit na tayong matapos no? Hindi na masyadong nakakastress para sa atin di katulad sa kanila." sabi ko habang kinakain ko ang fried chicken. Nandito na kami sa loob ng canteen nakatambay habang kumakain.

"Hahaha kasalanan naman nila yun! Ang taas ng oras na binigay tapos... bahala sila." sabi naman ni Jam (Jammeh) habang nginunguya yung fried chicken nya din. Wala man lang pakealam. Isa din to sa mapagkasunduan namin ang kumain.

"Ansama neto!!" sinamaan ko sya ng tingin pero nagtss lang sya bilang tugon sa sinabi ko.

"Di ba nagpatulong sila sa interview?" tanong ko sa kanya. May gagawin kasi kaming interview tapos sabi nung iba naming classmate gagawin daw nila kaming interviewee. Okay lang naman sa akin yun. Ewan ko lang sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Ahm Oo." tipid at walang gana na sagot nya sa akin. Di man lang ako bingyan ng kahit isang segundo para tignan.

"Anong oo? Umayos ka nga Jam. Gutom na gutom ka ba?" inis kong sigaw sa kanya yung kami lang naman ang makakarinig. Ang hirap din minsan kausap ang babaeng to. Yung tipong maiinis ka dahil dada ka nang dada tapos sya sasagutin ka lang ng walang kabuhay buhay. Ang effort magsalita.

Classmate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon