CHAPTER 8

43 1 0
                                    

    Jhoice POV

Kusot

Kusot

Mata..

Nakatulog pala ko. Kagabi kasi pagpikit ko nakatulog na agad ako. Hindi na rin ako nakapag-mall kahapon kakaisip ko sa ano pa nga ba? edi sa plano ni Bes. Hay!

Bumangon na ako. At pagbaba ko, Nandoon na sa dining table sila Kuya at Angela.

"Good Morning! :)" -bati ko sa kanila.

"Good Morning Princess" -Si Kuya yan. Yan naman tawag niya sakin eh.

"Goodmorning-.-" -Si Angela. Tss. Ano pa bang aasahan sa kanya? Edi expressionless!-.-

"Kaena Princess" -Kuya ulit, wearing his killer smile.

"Kuya talaga! Nagpa-cute pa. Haha :)" -biro ko naman sa kanya.

"Hmm,  Princess, aalis kami ni Angela ha? Maiiwan ka dito. Pupuntahan lang namin si Grandma." -Sabi ni Kuya

"Woah! Totoo Kuya? Sasama sayo si Angela?? Haha. Its a miracle! :D" -Ako

"Tss-.-" -tiningnan muna ko ni Angela sabay poker face. Haha. sarap talaga asarin nito. nababanas eh. xD

"Oo, pinilit ko eh. Gusto kasi siya makita ni Grandma eh. Ikaw daw kasi halos laging nandoon kaya sawa na daw siya sayo. Hahaha" -Binawian agad ako ni Kuya ah-_- Lagi ko kasing dinadalaw si Grandma eh. Ang sarap kasi dun sa mansion niya. Ang fresh ng hangin. :)

"Si Grandma talaga! Sawa na kasi siya makakita ng maganda kaya pinapunta niya kayo dun para naman daw makakita siya ng panget! :p" -pang inis ko naman kay Kuya. hahahaha!

"Oh, siya sige na. Mauna na kami. Hinintay ka lang namin magising para makapagpaalam." -Kuya

"Sige Kuya! Ingaaaaats! :D" -Ako

Hinatid ko na din sila sa labas ng bahay. 3 days pala sila dun. 3 days din akong mag-isa. woah! Maloloka ko diti sa bahay ng 3 days eh. ><

Pumasok na ko sa loob ng bahay at nagligpit ng kinainan namin. Pagkatapos kong maglipit, tiningnan ko yung buong bahay. Malinis naman. Ang laki pala ng bahay namin. Lalo na ngayon kasi mag-isa na lang ako. Nakakalungkot. Miss ko na si Mama. Hay!

Kung siguro, nandito sa Pinas si Bes, malamang 'tong malinis at malaking bahay nato, maging magulo. Tapos yung ref namin, siguro ubos na rin ang laman. At siguradong tataas ang bill ng kuryente namin. Kasi naman, pag nandito yung babae na yun, bukas ang tv at dvd kasi nanonood ng movie. Tapos bukas pa ang laptop. Tss. Pwede namang manood ng movie sa laptop dba? tsk. Maluho talaga 'yong babaeng yun eh. Haha. Namimiss ko na siya. :) Kamusta na kaya siya dun? Malang puro shopping lang ginagawa nun. haha :D

Tama na nga drama. haha:))

Makapag open na nga lang ng Facebook.

Browse ..

Browse ..

Browse ..

Browse ..

*Ting*

Arkin Flores: Hi Jhoice! Mamaya ah? :D

Jhoice Cruz: Ah. Yeah!

Arkin Flores: 7pm ah? Susunduin kita jan sa inyo. :)

Jhioce Cruz: Ah yeah! Ask ko lang, casual or formal?

Arkin Flores: Hmm. Anything. Kahit ano namang suotin mo, maganda ka pa rin. :')

Maganda daw ako? Tss. bolero talaga tong si Arkin eh.-_-

Jhoice Cruz: Ahm, Thanks!

Nagpatuloy lang ang aming conversation ni Arkin. Ang daldal niya pala? Ang dami niyang magkwento eh. Kinuha niya na rin yung number ko. Binigay ko naman. Para makapag usap daw kami hindi lang sa facebook.

--

Ang bilis ng oras. 5pm na pala. May 2 hours pa ko para makapag-ayos. Makaligo na nga. Pagtapos kong maligo, eto na ang problema ng karamihan ng babae, 'WHATTOWEAR?' tss.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Ayun, 'tong dress na color yellow na lang. Dress siya na above the knee siguro, half ng hita tapos long back. Pero di naman sobrang haba hanggang half din ng binti. Tapos One shoulder lang siya. Tapos yung natural wavy hair ko naka side siya sa kanan. Kasi ang may sleeve lang ay yung kaliwa. Tinernuhan ko ng flats na color beige na mejo cream. I prefer flats kasi than heels eh. :) Tapos isang set ng accessories. Tapos light make-up. Then Viola! Ready na. :)

*TOK TOK TOK*

Si Arkin na siguro to. Bumaba na ko at pag bukas ko ng pinto nakatayo na si Arkin doon. Naka-lean siya ng konti sa kotse niya. Nakasemi-formal din siya. Buti na lang nag-dress ako. Kung hindi, nagmukha akong julalay niya!-_- In all fairness! Ang gwapo niya. First time ko kasi siya nakitang nakaganyan ng suot eh. Ang gwapo niya talaga. Kaya pala baliw na baliw si Bes sa kanya eh.

--

AUTHORS NOTE

Ayan double update. Para kahit papaano makabawi sa inyo. :) Pero bitin pa rin diba? Sorry! haha. ang sakit na ng kamay ko eh. Bawi ulit sa next update. :)))

Sana suportahan parin po ito. Mag-update naman ako pag may time eh. :D

READ. VOTE. COMMENT. BE A FAN.

Thanks readers :*

Love,

Eyahken <3

Isang Linggong Pag-ibig (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon