Near Group

4 0 0
                                    

Ako si Akhira 16 years old. Ay mali 15 pala nakatira sa puso mo.. Yieeee💙 may boyplen ako Ldr kami.. Nasa bulacan ako nasa Bicol siya odiba watdapak! ANG LAYOO!

Pano ko ba ieekspleyn yung problema ko.. Yung boyplen ko kasi bihira kaming magusap ngayon. Dahil sa boredom naisipan kong magNEARGROUP! lalalalala!

Doon may nakilala ako. Malapit lang siya samin kayang kaya kong puntahan. Lalaki siya 17 years old at nagngangalang Andy. Naging close kami. Nakwento ko sakanya yung tungkol samin ni Sage. Yung boyfriend ko. Nakwento niya rin sakin yung tungkol sa ex niya.

Nagtagal pa yung usapan namin. Naging sobrang close kami. Tas biglang may naramdaman ako. Pakiramdam na alam kong mali at alam kong hindi tama. Unti unti ko siyang nagugustuhan. Ayokong paniwalaan, hindi ko matanggap. Kasi may boyfriend ako eh. Mahal ko yun alam ko kahit malayo siya.

Pero masisisi niyo ba ko?

Madalas kong kausap si Andy kaysa kay Sage.

Dumating ang december. Isang araw, nagbreak kami ni Sage. Hindi dahil kay Andy pero dahil sakin. Dahil alam kong may mali na. Alam kong masasaktan na kami pareho. Edi wala na. Zero na kami.

Tapos isang araw. Bigla nalang sinabi sakin ni Andy.

NAGKABALIKAN NA DAW SILA NUNG EX NIYA! so nainis ako ng sobra! Pinaasa niya ko eh! Pero ayokong aminin sa sarili ko dahil don nainis sakin si Katie bespar ko.(oy thats meeee)

December 7, foundation day ng school namin. After ng program umalis kami ng friend ko si Katie (uy that's meee) kumain kami sa isang mall. Pero inis na inis siya sakin, kasi sino bang hindi diba? After nung ginawa ko. Habang kumakain kami bigla siyang nagsalita

"uy gaga text mo kaya si sage?" tanong niya. "gagang to! Anong sasabihin ko? Hi ex! Kamusta ka na? Kamusta pagtae mo kagabi? Nakakaloka ka ah!" sagot ko naman! Totoo naman eh! Desperada lang teh?

"gagang to! Ako nalang magtetext tutal si ayaw mo" sabi niya ulit. "sige text mo! Pero anong sasabihin mo?"sagot ko habang kumakain

Ang sagot niya "edi hi. Si Sage?" nahihiya ako! Pero sige.. "sige beshie text mo!" tinext naman niya.

Nagintay kami ng reply.

"uy bes! Si Brent nagreply wala daw si Sage sakanila!" anong wala?! "hoy anong wala?! Nasan daw?" dapat ba kong magalala? "sakin ka nagagalit?" sagot naman ni gaga. "di daw umuwi kagabi sabi ni krass. Hihi" gagang to kinilig pa kay Brent! Crush niya kasi yun eh yung kapatid ni Sage.

"anong di umuwi? San naman pupunta yun?" tinext naman niya ulit. "di daw niya alam kasi wala naman daw pinupuntahan si Sage. Di naman yun lakwatsero daw." tama naman hindi yun lakwatsero.

Asan naman kaya yun? At itong kasama ko hindi pa nakakatulong! "ano bang ginagawa ng tao kapag broken hearted? Diba umiinom? Baka nagpunta sa bar tas naglasing! Hala baka ano nang nangyari dun! Baka mamaya sa sobrang lasing makabuntis yun! Its overrrr! O kaya baka bakla tas akala niya babae think positive!" odiba?! Di siya nakakatulong!!!

Kinuha ko yung phone niya tas tinext si Brent. Sinabihan ko siya na itext ako kapag umuwi na si Sage. Umoo naman si brotha in law. Pero si Katie di pa nananahimik!! "yan kaseee! Neargroup paaaa! Break paaaaa" taenang to naman oh! Parang gago!

Pumunta kami sa world of fun tas kumanta! Nagpalipas lang ng oras bago umuwi.

KINAGABIHAN tinext ko si Katie kung umuwi na daw ba si Sage pero ang sabi ni Brent ay hindi daw. Naiinis na ko ah! Tas si Katie. Niliwanagan yung utak ko. Pinaliwanag sakin lahat. Love guru namin yang magkakaibigan eh.

Kala mo may lovelife tas broken hearted! Eh NBSB naman si gaga hahahahaha! (tangina mo po!💞)

Di ko makakalimutan yung sinabi niya sakin nun eh "pagisipan mong mabuti Aria. Nagpapaligoy-ligoy ka nanaman eh! Gagawa ka nanaman ng desisyon ng hindi nagiisip! Hindi masosolusyonan ng break up yang oroblema niyong dalawa! Eh ayaw mong kausapin eh! Mag usap kasi kayo!--" daming sinabi ni nanay Katie. Pero ito talaga yung tumatak sakin non eh "bes kung kaya pang isave isave. At isa pa kahit ilang beses pa kayong mag break ng syota mong ulok ma gago at tinatawag akong kuto. Gagawa at gagawa ako ng paraan para magkabalikan kayong dalawa."

Totoo naman kasi hindi ako nagiisip. Naging selfish ako. At nagsisisi na ako. Kaya naging buo yung desisyon ko.

NALAMAN kong nakauwi na si Sage. Agad agad akong nagtext sa kanya kung san siya galing dun pala sa mga tita niya. Nagkausap kaming dalawa. Nagsorry ako. At sinabi ko sa kanya ang naging desisyon ko.

Makikipagayos ako. Mahal ko siya at kaya pang isalba tong relasyon namin. Bakit hindi? At kung ganon ang gagawin niya oag hiniwalayan ko siya baka mapunta ko sa Bicol ng wala sa oras at piningot tenga niya. Hmp.

Ayos na kami ngayon. He's sweet. Pero di mo maaalis sakanya yung pagiging seloso hahaha but i love him because of that. Di ko rin nakalimutan na dahil kay Katie ay nagkaayos kami ni Sage. Sobrang thankful ako sa kanya. How i love her as my bestie.

--

Mahirap ang LDR. Alam ko. Wala akong masabi since di ko pa siya nararasan at NBSB ako. Sorry. But based on by beshies experience. LDR requires a  lot of patience, trust, honesty, loyalty and of course. Love. Amd another one, God should always be the center of your relationship. Dont let longing ruin your love for each other. Be strong. For the both of you. Love each other unconditionally. Isalba ang relasyon kung kaya pa. Wag susuko agad sa pagtakbo kung pwede naman na magpahinga. Wag bitawan ang kamay ng bawat isa. Intayin ang tamang oras. Hanggang handa nang humarap sa altar ng nakangiti at binibigkas ang mga salitang "tinatanggap ko" at "mahal kita." ang pinakahuli, bumuo ng pamilya at maglakad ng magkasabay hanggang sa inyong huling hininga. Wag nang maghanap ng iba okey mga katoto? Makuntento na sa isat isa. Kasalan sa Diyos ang magtaksil wag mong kalimutan. Sabay kayong sumakay sa jeep at wag niyong hayaan na mauna yung isa at sa susunod na biyahe nalang yung isa💞

With lots of love
- Kateu

random thoughtsWhere stories live. Discover now