1. Mataray
Paano manligaw sa mataray? Wag kang magpapadala sa katarayan niya. Kung seryoso ka talaga, hindi ka magsasawa. Wag ka ring maging suplado kasi hindi talaga kayo magkakasundo. Ang gawin mo, kulitin mo lang siya.
Kung lagi ka niyang tinatarayan, barahin mo. Pero, dapat yung pangbara mo, yung tipong kikiligin siya ah, baka mamaya e binabara mo siya pero naooffend na siya. Wala ka ng pag-asa.
Kung sinabi din niyang ayaw niya pa, magoffer ka ng ibang relationship sakanya, like friends. Then lagi mo na siyang sundan. Lagi mo siyang pakiligin.
May iba na hindi naapektuhan sa kalandian mo dahil nga mataray siya, pero alam mo, tao din tayo, bumibigay. Lumalambot ang mga tuhod. :)) Para-paraan kasi yan.
PAALALA: WAG KA MANLIGAW O MANLANDI KUNG MAY BOYFRIEND/GIRLFRIEND NA!
