HAHA. Wala talaga itong hugot. PROMISE. Kaya ko ito naisip kasi ano..haha! Basahin niyo na nga lang. Okay? :)) Dedicated to mingming19. Nakakainspire yung mga one-shot stories mo.
~~~~
Summer na summer na nga talaga,
Sobrang init na din ng panahon at sobrang busy ko na din sa ngayon
Hindi ako nagpapakabusy para makalimutan ka
Nagpapakabusy ako kasi nga wala lang.
Nakita nga pala kita kanina
Natatandaan mo pa ba?
Ngumiti ka pero agad naman akong umiwas
Hindi ako galit sa'yo; kaya umiwas ako kasi ano..wala lang
Pagdating ko naman sa bahay, agad kong nakita ang pangalan mo sa cellphone ko
Nagtext ka, tinatanong mo kung galit ako sa'yo
Hindi na kita rineplayan pa at pinilit ang sariling huwag magpaload
HIndi kita pinapansin kasi ano...wala lang.
Pumunta ka pa sa bahay para kausapin ako
pero pinasabi ko na lang sa kanila na wala ako
Nakatingin lang ako sa bintana habang pinapanood ka maglakad papalayo
Hindi ako nagpakita kasi ano.. wala lang.
Humiga ako at yinakap ang unan
Hindi mo pa rin ba alam kung bakit kita iniiwasan?
Tuwing naaalala ko 'yu ay ako'y nasasaktan
Nasasaktan ako kasi ano..wala lang.
Kahapon lang yun at kausap mo siya
Umamin ka sa kanya ng may malapad ng ngiti sa mukha
Nakita niya akong pinapanood kita, sabay tanong, Bakit hindi mo nagustuhan sya?
Natawa ka naman at napahalakhak, sinamahan mo pa ng isang Wala lang.
Kung nababasa mo ito, malamang alam mo na,
ang totoo kung bakit kita iniiwasan talaga
Kasi may gusto ako sa'yo at kung tatanungin mo kung bakit..
Wala lang.