What Are You So Scared Of?

132 0 2
                                    

2040 

Hindi ko alam kung matatawag ko pang mundo ang mundo ngayon. Science defines "world" as the planet we live on, pero iba na ang nakatira dito, hindi na tao, not anymore. Masasabi kong, "Oo nga, tao ako at nakatira nga ako dito," pero ilan na lang ba ang taong nakatira dito? Isa, dalawa, isang daan, isang libo? Isang daang libo? Isang milyon? Kahit isang milyon pa ang taong nakatira ngayon sa mundo, hindi ko parin masasabing "TAO" ang nakatira dito. Kung sa Pilipinas palang dati ng lagpas isang milyon ang tao, pero ngayon isipin nyo kung sa buong mundo isang milyon lang ang tao? Bale 1 na tao lang meron sa isang lugar, pano pa kayo sa ibang,mga bansa na malalaki tulad ng America at UK, Russia at China? Basta alam ko isa na ko sa mga nabubuhay pa, at mananatili akong buhay hanggang sa pagtanda ko.

3 years ago 

Nakahiga ako sa kama sa kwarto ko, nakikinig sa bandang Paramore. Una ko silang narinig sa ate ko, sabi niya dating banda pa raw yon, noong magsimula siyang maghighschool sila nauso. Ang pakikinig ng old rock music ang nakahiligan ko, dahil na rin siguro sa impluwensya ng ate ko. Nasa mid 40's na siya at ako nasa junior high na. Malapit na kong grumaduate at magsenior high. Ang papa ko ay isang army sa PMA si mama naman ang head ng Secludian Groups of Cos. Sila ang nagpapatakbo ng lahat ng bussiness sa Pilinas, naging monarkiya ng kasi ang dating Republic of the Philippines. Lahat ay pagmamayari na ng gobyerno, pwera lang ang mga tao, maliliit ng istablisyimiento, at mga bahay na tinitirhan ng mga tao. Naging maganda ng ang takbo ng ekonomiya ng bansa ngayon. Dahil sa nagiisang kapangyarihan, nawala ng mga corrupt at mga mapang-abusong politiko at alagad ng batas. Dahil na rin sa maliit ang bansa natin kaya madali tayong umunlad, lahat ay may trabaho at hindi nauubusan ng pera ang gobyerno.

              Ang dating mga iskater ay wala na,at puro matataasang at naglalakihang building ang pumalit dito.  Dito na nagsisitirahan ang mga mahihirap na kung tawagin ngayon ay mga "kunta", sila ay kumikita ng 3k-5k kada buwan at libre ang patubig at kuryento dito. Karaniwang trabaho ng mga kunta ay magsasaka sa naglalakihang green house sa ilalim ng lupa, mga tagalinis sa kalsada, mga tubero, bumbero at kung anu-anong common na trabaho.

           Ang mga "utratiyo" o mga nakatataas naman sa buhay ay kumikita ng 10k-30k kada buwan at nakatira sa mga subdivisions, may sarili silang mga bahay at lupa. Ang pangunahing transpotasyon dito sa Pilipinas ay ang mga bullet train. Mula Batanes hanggang Jolo ay abot ng bullet train. Sa pagpuntang Palawan ka nalang mageeroplano. Kung wala naman sa kalapitan ng istasyon ng tren ang tungo mo, nariyan ang mga walang kamatayang jeep, pero puro di-kuryente na sila. Karaniwang trabaho ng mga utratiyo ang pagiging scientist, researcher, teacher, any profession with a degree. Ang Pilipinas ang Una sa listahan ng ng pinakamagandang tourist spot destination sa mundo, dahil kahit ng gaano kaunlad ito, hindi parin nawawala ang mga nature wonders ng bansa. Dahil nga halos lahat ng pasilidad ay nasa ilalim ng lupa, kaya naman napangalagaan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.  

Ang mga "royal" ang namumuno sa bansa. Binubuo sila ng hari at reyna at mga anak nila. Matataas ding opisyal ang mga malalapit nilang kamag-anak, tulad namin, kaya si mama ang naatasang mamuno sa lahat ng business ng bansa. Si ate naman ang pinuno ng mga pulis at ng royal guards. 

Ngunit hindi tungkol sa bagong Pilipinas ang kwentong to. Tungkol ito sa paglalakbay ko sa sirang bagong Pilipinas at sirang mundo.  

Hindi ko alam kung paano nagsimula, kung saan sila nanggaling.  

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Nakahiga ako sa malambot kong kama, nakikinig ng kanta ng Paramore. As usual, dahil uuwi si papa mamaya bago ang hapunan, aligagang-aligaga si mama sa paghahanda, miss na kasi niya ito. Ako naman, dahil sa tinatamad akong bumangon at tumulong sa kanya, nagfacebook nalang ako at nagtwitter habang nakikinig ng rock songs. Di nagtagal ay biglang tumunog ang doorbell sa baba, si papa na yon sabi ko sa sarili ko. Nagelevator ako pababa, nasa 4th floor kasi ako nangbahay naming. Dun ang mga kwarto, sa 2nd floor ang kusina at sa 1st floor naman ang sala at gym. Sa 3rd floor ang movie house at gaming room naming, may 4 na kwarto din doon para sa mga guests. Sa backyard kami maghahapunan ngayon, puro roasted at grilled ang pagkain, syempre hindi mawawala ang kanin. Lumipas man ang mga taon hindi na mawawala ang kanin sa hapagkainan ng mga pinoy. Bumaba na ko para salubingin si papa.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Are You So Scared Of?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon