HASSAN
" I am going on vacation to the Philippines first week of September.
I need to see you before I go! "
Iyun ang text ko kay HASSAN ng gabing iyun.
Nalalapit na kasi ang pag-uwi ko ng Pilipinas.
Subalit mag dadalawang linggo na siya na hindi nagpapakita sa akin.
" DARNA baby, I am so sorry!
I am in Jeddah now.
I will be back in Dammam after 2 months!"
Iyun ang textbak niya sa akin.
Maliwanag pa sa sikat ng araw.
Imposible ko siyang makita at makapiling bagu ako umuwi ng Pinas.
Sa Susunod na linggo na kasi ang aking scheduled flight.
Samantalang ang balik niya ng Dammam ay pagkatapos pa ng dalawang buwan.
Nakaramdam ako ng kaunting lungkot.
Hindi ko maitatangi, inaasam-asam ko na muling makapiling si HASSAN.
Pinananabikan ko na muli siyang makaniig at makasama sa isang naglalagablab na gabi ng kaluwalhatian.
Sa hindi mabilang na mga lalaking nakatalik ko at nakasiping, iilan lamang sa kanila ang nag iwan ng marka at tatak sa aking puso at isipan.
Pangalawa sa listahan si HASSAN.
Syempre nangunguna pa din sa puso ko si BABY BOY,
Ang Pakistani kong boyfriend na nagtratrabaho sa SHEYBA bilang engineer.
Sa aking puso, nasungkit ni HASSAN ang pangalawang espasyo, kasunuran ni Baby Boy.
Sa layu kasi ng lugar na pinag tratrabahuan ni Baby Boy every 2 weeks lang ang schedule ng aming pagkikita.
Sa mga panahung wala saaking piling si Baby Boy,
Si HASSAN ang pumupuno at nabibigay ng init sa aking malamig na magdamag.
Sa BAKALA ( store ) ko unang nakita si HASSAN.
Tipikal na Arabo kung susuriin.
Lampas anim na talampakan ang tangkad.
Medyu slim ang pangangatwan.
Naka sutana siya, ang tradisyunal nilang damit na mga Arabo.
Kanina ko pa siya napapansing panay ang sulyap sa akin habang kami ay nasa loob ng bakala.
Kapag nagtatama ang aming mga paningin ay ngingiti siya sa akin ng pagka tamis tamis.
Hindi ko tuloy mapigilan ang mailang sa aking sarili.
Pakiramdam ko sumasayad hanggang sahig ang aking mahaba at unat na buhok.
Pagkalabas ko ng bakala,
Hindi ko inaasahan makikita ko pa din si Hassan.
Mistulang hinihintay niya talaga ako.
Nasa labas ito ng kanyang saakyan na toyota pick- up.
May hawak na umuusok na yosi ang kanan niyang mga kamay.
Pagkakita sa akin,
Agad niyang itinapon ang hawak na sigarilyo.
Sabay lapit sa kinaroroonan ko.
"Hello my friend! You are Filipino i am right?"
Bati niya na sinabayan ng matamis na ngiti.
"Yes, you are right! I am Filipino."

BINABASA MO ANG
HASSAN
RomanceSi HASSAN ang pumupuno at nabibigay ng init sa aking malamig na magdamag. Sa BAKALA ( store ) ko unang nakita si HASSAN. Tipikal na Arabo kung susuriin. Lampas anim na talampakan ang tangkad. Medyu slim ang pangangatwan. Naka sutana siya, ang tradis...