PANAGINIP
"BRYAN!,gumising ka! Nananaginip ka! " yugyog ni jam sa asawa.
"P-panaginip lang pala. Akala ko ay totoo na! "Bakas parin ang pagkasindak sa aniyo ni ford nang magising ito.
"Ilang gabi ka nang ganyan, ano ba ang napapanigipipan mo at laging takot na takot ka kapag nagigising?"
"W-wala, jam, W-wala"
Laging ganon si Bryan kapag tinatanong nang asawa. Ayaw niya ikwento o sabihin dito ang kaniyang napanaginipan nitong mga huling araw. Ayaw niya kasi itong mag-alala dahil may sakit sa puso ang kaniyang kabiyak.Kahit anong pilit ni amy nananatiling tikom ang bibig ni Bryan.
"Sige, matulog kana"baling ni bryan sa asawa..... Ikaw itong papasok pa ng opisina bukas. "
"Ikaw? "
"Mamaya na, maninigarilyo muna ako. "
Tumindig nga si Bryan saka nilapitan ang sigarilyo na nakapatong sa mesita.
Kumuha ng isang istik saka sinindihan. Dumungaw siya sa bintana. Minasdan niya ang kalangitan. Kabilugan parin ng buwan at maraming bituin na kumukuti kutitap."Anong ibig sabihin ng aking panaginip? "Ligalig ang loob na naisaloob ni bryan. "Iyon ba ay nagpapahiwatig ng panganib at kapahamakan? "
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Isang treasure hunter si bryan. Dito niya halos binubuhos ang ksniyang panahon. Kung saan-saan siya nakakarating na lugar sa kapuluan sa buong pilipinas sa paghahanap ng tresure. Apat silang partner sa ganitong hanap buhay. Katunayan, malaki na ang salaping kaniyang nagugol dito, Marami nga ang nagpapayo sa kaniya na itigil na niya ang paghahanap ng treasure, higit sa Yamashita treasure na hanggang ngayon ay maituturing paring isang alamat. Pero ano ang sabi ni bryan?
" Lahat ng paghihirap ko ay magbubunga at anumang nagastos ko ay tiyak mapapalitan ng sampung doble pa. ""Ang kaso, lahat ng project na inyong pasukan ng mga kasama mo ay palpak, " komento ng kaniyang tiyuhin kay bryan.
"Talagang ganoon, maski nan sa negosiyo, hindi ka nakakatiyak na tutubo agad. Sa una ay makakaranas ka muna ng pagkalugi pero once na nakatiba ka, sulit ang lahat ng hirap mo. "
"Sa negosiyo, nakikita mo ang produkto na ipagbibili mo. Sa treasure hunting, namumuhunan ka nang hindi mo alam kung meron kang mahuhukay o wala. Parang sugal na tumataya ka pero mas malamang ang talo. "Kapag ganoong kahit anong katwiran ni bryan ay di naman sila magkasundo ng kaniyang tiyuhin, mas minabuti na lamang niyang tapusin ang kanilang pag uusap saka magpapaalam, siya kasi ang tao na basta gusto at tama sa kaniyang paniniwala ang kaniyang ginagawa, kahit ulanin mo pa ng pagpapayo ay hindi ka pakikinggan.
Nito ngan nakalipas na buwan nakatiba sila ng kaniyang tatlo pang kasamahang treasure hunters. Nakatagpo sila ng isang lihim na yungib at balitang malaking kayamanan ang kanilang nakuha dito. Katunayan, biglang nakapagtayo sila ng mansiyon ni jam, nagkaroon ng malaking puhunan sa pinasok nilang business venture at ngayoy pakuya-kuyakoy nalamang silang apat na magkakasama.
Si Daryll ay umuwi na sa ilo-ilo. Si Bryle ay nangibam bansa at si jonathan ay umuwi na sa mindanao. Nagkahiwa-hiwalay na sila. Mula nang makatiba pero itoy lihim lang nilang apat at walang nakakaalam.
Subalit mula noon, lagi nang nakakapanagigip si bryan ng iisang eksena. Siya raw ay nakaharap sa salamin. Bigla na lamang siyang nakakita ng isang matandang lalaki na may hawak na palakol sa reflection pero paglingon niya sa likod ay wala naman, sa tuwing lilingon siya, nawawala o wala talagang tao pero kapag humarap naman siya sa salamin, naroon na naman ang reflection nang matanda. Ang kaso, palapit ito ng palapit at ang hawak na palakol ay unti unting itinataas upang siya ay palakulin. Noong huli nga siyang nanaginip ay napalakol na siya at ramdam niyang nahati sa dalawa ang kaniyang bungo.
"Its only a dream, kaya wala kang dapat katakutan, "payo kay bryan ng kaniyang kaibigan.
"Pero kamatayan at kapahamakan ang ipinapahiwatig ng aking panaginip Marciano. "
"Mali. Kadalasan ang ating panaginip ay kabaliktaran ang kahulugan. Baka kamo mas hahaba pa nang matagal ang iyong buhay"nangingiting pahayag ni marciano.
"Pero bakit ba iyan ang ating pinaguusapan. Ang talakayin natin ay ang napipintong pagkandidato mo bilang meyor sa probinsiya natin. "
"May laban kaya ako sa incumbent mayor?" May pagdududa sa tinig ni bryan.
"Malaki ang tsantsa mo. Marami nang nagawang anumalya at palso ang nakaupong meyor natinngayon kaya wala kang gagawin kundi ungkati mo lang iyon at gawing eleksiyon propaganda, panalo kana! "
"Baka gumamit siya ng kaniyang resources. Balita ko bumibili si meyor Edimar ng boto tuwing kumakandidato at nagagawa din niyang humakot ng mga flying voter's"
"Noon iyon pero ngayong hiwalay na sila ng kaniyang artistang asawa, nabawasan na ang kaniyang impluwensiya. Isa pang isyu iyon na masasabi mo dahil sa pamumuhay na lihis sa moralidad. "Ang balak na pagkandidato ni bryan ay tuwirang tinutulan ni jam. Ayaw kasi nitong masabak sa maruming pulitika ang asawa at alam din niya kung gaano kapanganib ang buhay ng isang umaasam ng pwesto sa gobyerno. Dito kasi, walang kaibigan kundi pansariling kapakanan at interes ang pinaiiral. Hindi nga bat pati magkakapatid ay nagpapatayan dahil lamang sa paghahangad na maupo sa pwesto.
"Magugulo ang ating buhay. Mawawalan tayo ng privacy at anumang isyu na maaaring ibato sa iyo ay gagawin tiyak ng kalaban mo sa pulitika, ford" pahayag ni jam bilang pagkontra sa plano ni bryan.
"Commited na ako ng mga taong kausap ko, jam. Umasa sila na hindi na ako uuurong .isa pa, ako ang pinakamalakas na haharap kay meyor edimar. Paano ko sila bibiguin?" "Paano kung ang nakikita mo sa iyong panaginip ay ang panganib na haharapin mo sa iyong buhay kapag kumandidato kana"?
YOU ARE READING
MIRROR $ MIRROR
Mystery / ThrillerNASA harap ng salamin si Bryan. Isang lalaki ang nakita niya sa repleksiyon ng salamin palapit sa kaniya.Bakas ang poot,Lumingon siya,walang tao, Nagiisa siya. Pagharap niya sa salamin, naroon na naman iyon. Isang sigaw ang pumailanlang. Sindak na p...