Kabanata 4.
"Saan ka na naman ba pumunta kahapon Azriel?" Asar na tanong ni Harrieta sa binata habang pinalulutang ang libro pabalik sa lalagyan nito.
"Hinanap ka sa'min ni Magistre Uno magdamag." Dag-dag nito. Napakunot ang noo ni Azriel dahil sinabi nito.
"Bakit?" Bahagyang naigulong ni Harrieta ang mga mata niya dahil talagang nagtanong pa ito kung bakit.
"Sira na ba ulo mo? Nakalimutan mo na ba ang pagsira mo sa tarangkahan ng bayan ng Luminous?" Nang maalala ni Azriel ang nangyari'y nangunot na lang ang noo niya. Hindi niya naman kasi gagawin 'yon kung hindi lang siya hinabol ng punong kawal ng pamilya niya.
"Ang alam ko'y marami sa kanila ang nasugatan." Saad ng binatang nag ngangalang Yinox habang binubuklat nito ang panibagong pahina ng librong binabasa.
"Paniguradong nakarating 'yon kay Magistre Uno. Nakakailang kasalanan ka na sa Konseho Azriel." Sabat naman ni Ezrah. Wari'y pinagagalitan nito si Azriel na prente lamang naka-upo sa silya. Sa totoo lang ay wala namang pakialam ang binata sa Konseho.
"I don't care about them." Bulong nito. Narinig ito ni Matheos kaya napahalakhak na lang ito. Umupo siya sa tabi ni Azriel at inakbayan ito sa balikat.
"Kailan pa ba nagkaroon ng pakialam ang isang Duke Azriel Carsen?" Pabiro nitong wika. Napatango naman ang mga kasama nito. Kailan nga ba nagkaroon ng pakialam ang lalaking 'yan?
"DUKE AZRIEL CARSEN!" Dumagungdong ang boses ng isang lalaki sa loob ng silid-aklatan. Dahil dito, nawalan ng pokus si Harrieta sa pagpapalutang ng libro. Nalaglag ito sa ulo ni Yinox, kaya naman bahagyang napasinghal ang binata.
"Nananadya ka ba Harri?" Kunot noo nitong tanong bago ibaling ang tingin sa paparating na si Magistre Uno. Napakamot na lang ng ulo si Harrieta, at nilingon si Azriel na parang walang pakialam.
"Alam mo na naman ba ang ginawa mo'ng kaguluhan Azriel?" Umiling ito kaya napa-iling na lang ang mga kasama niya. Masyadong arogante si Azriel kumapara sa kanila. Kahit alam na niya ang dahilan ay nagkukunyari pa rin itong walang alam.
"Hindi ba't labag sa batas ng Academia ang paggamit ng mahika para sa sariling kagustuhan?" Tumango ang mga ito, kahit si Azriel ay tumango rin bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Magistre Uno.
"Kung gayon ay bakit mo pa rin ginawa?" Magkasalubong kilay nitong tanong sa binata.
"Pero hindi labag sa batas ang paggamit nito para sa sariling kaligtasan hindi ba?" Mautak nitong pagdadahilan. Napangisi na lamang si Yinox dahil sa naging sagot nito kay Magistre Uno.
"Pinahamak ka ba? Alam mo'ng hindi ka ipapahamak ng punong kawal ng pamilya NATIN Azriel." Pagdidiinan nito. Bahagyang naigulong ng binata ang kaniyang mga mata dahil sa tinuran nito.
"Hinahanap ka na ni Hara. Siguro'y mas mabuti'ng makipagkita ka muna sa kaniya." Nakabusangot na pinagkrus ni Azriel ang kaniyang mga braso. Ang ibig sabihin ng Hara ay tiya.
Tiniklop ng binata ang hawak na libro at pinasidhan ito ng tingin. Ang lalaking kaharap niya ay ang pinsan niyang si Uno. Tatlong taon ang tanda nito sa kaniya, at ito ay isang Magistre o isang tagaturo sa Academia.
"Hindi ba't ipinagbabawal ang paglabas namin sa Academia habang oras ng klase? Isa pa, isang beses lang kami sa isang linggo maaaring lumabas, kaya bakit ako lalabas ayon sa gusto mo Magistre Uno?" Pang-aasar nito. Napabuga na lang ng hangin ang pinsan nito't napa-iling na lang sa naging sagot ni Azriel.
Talagang mautak ang isang 'to.
"Baka gusto mo'ng isumbong kita sa Punong Mahestrado?" Dag-dag nito. Bugnot na umiling si Uno dahil dito. Kahit kailan talaga'y napakautak ng pinsan niya. Talagang hahanap siya ng lusot sa lahat ng bagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/125582661-288-k863662.jpg)
BINABASA MO ANG
Luminous Academy: The Intellectual
FantasyLucy Cardova's not an ordinary girl, that's what she thought she was. With her knowledge and intellect, neither did she knew she's beyond that. One incident changed her life and brought her to the other side of the world. The world of magic and deep...