0001

25 2 0
                                    


    Nasa isa akong paraiso na kung saan may nakapalibot sa akin' na iba't ibang uri ng bulaklak, mga makukulay na paru-paro na nagsisiliparan na tila'y masaya sa presensya ko, at tanaw ko rin sa aking kinakatayuan ang mga nagsisitaasan na bundok na  halos kasing tingkad ng kulay berde. 

   Napakasaya. May nakita akong isang malaking puno na mukhang magandang silungan at mapagpahingaan, kaya pinuntahan ko kaagad ito. 

   Nang makalapit ako napahanga ako dahil sa kalakihan nito. May mga malalapad at nagsisislakihang ugat din ito. Mukhang Napakatanda na nitong puno. 

   Sa aking pagiisip, napagpasyahan ko munang mahiga sa tabi ng punong ito pero sa aking pagkahiga may biglang sumulpot na mukha sa harap ko mismo. Nabigla ako!

Hindi ko inaasahan na isang magandang nilalang ang makikita ko sa lugar na ito. 

Ay! Mali! isang napakagwapong nilalang na pinababa ng diyos para ipagtapat sakin, chos!

     "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong nito na tila parang awit sa aking tenga.

   Nakahiga parin ako at tinitignan lang syang nakatayo. Nakatitigan kami, mata sa mata.  hay! ang gwapo naman nito. Napadako ang tingin ko sa labi niya, ang sarap halikan at tinignan ko ang buong pagmumukha nito muli. Jusko! ito yung taong hindi ka magsasawa tignan sa buong araw. 

     "Ansabi ko ano ang ginagawa mo dito?" pag-uulit nya sakanyang tanong.

Napaigtad ako sa pagkakahiga at bigla akong natauhan. 

     "Ah?" wala sa sarili kong sambit.

    "Bingi ka ba o ano?" sabi niya na may halong pagkairita.

AY! aba ah! Ang sungit talaga nito kahit kailan.

     "Hindi ako bingi no! nagpapahinga lang po ako dito, bakit sayo ba ang lugar na ito?" pabalik          kong tanong sakanya at mukhang galit na ito dahil sa pamumula ng mukha  at nakunot na ang noo nito.

     "Pinagloloko mo ba ako!" Singhal niya sa akin habang palapit sa aking kinakahigaan. 

Dalawang hakbang lang ang layo niya sa kinakahigaan ko. 

    Ako 'eto nakahiga pa rin at nagaabang kung anong gagawin niya at nakatitig sa mukha ng nilalang na ito. Hindi ako matatakot sa mga paganyan niya ah! Ako  itong sinsamsam ang kagandahan ng lugar na ito tapos bigla nalang siya susulpot, don't me! kahit gwapo siya!

   Nabigla ako ng kwenelyohan ako nito ang dahilan ng pagkaangat ng kalahating katawan ko. Nakatungkod ang aking mga kamay sa lupa para maalayan ang katawan ko sa pagkabagsak. 

Sobrang higpit ng pagkakawak nya ng damit ko. 

    Sa aming posisyon magkatapat ang aming mga mukha. Mas natitigan ko ng mabuti ang mga mukha niya. GWAPO! Pero gusot sa galit ang mukha niya! for the first place ina ano ko ba sya? 

   Nagkatitigan ulit kami, mata sa mata, pero iba na ngayon dahil konti lang ang pagitan ng mga mukha namin. Sa mga oras na ito, parang tumigil ang oras. Sinasamsam ko ang mga segundong ito na nakatitig sa kanyang mga mata at bigla akong natakam sa kanyang labi. SHIIYAAA!

   Wala sarili ang aking mga kamay hinawakan sya sa mga mukha at bigla kong hinatak ang gwapo nitong mukha palapit sa akin hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.

Napakalambot, ansarap! KIYAAAAAAAAHHH!!!

*BLAAAAAAAAAG*

"ARAAAAAAAAAAAAAY KOP*" biglang hiyaw ko.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon