Prologue

5 0 0
                                    

Takbo lang ako ng takbo at hindi inaalintana ang maputik na daang aking tinatahak.

Kailangan kong makatakas sakanya, kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan ko at ng mga inosenteng tao.

Akala ko ay mapagkakatiwalaan talaga sya.

Ilang taon akong nagtiwala sakanya pero ito pala ang isusukli nya.

Nagtago ako sa likod ng isang punong nakita ko. Ilang oras na rin akong tumatakbo para matakasan sya...

Para matakasan ang kapahamakan, sumilip ako at nakita ko na syang papalapit.

"Veronica lumabas ka na dyan hahaha nasan ka na wag mo naman akong pagudin oh lumabas ka na ayaw mo ba nun magsa sama sama na kayo ng mga kaibigan mo yun nga lang hindi sa langit kundi sa impyerno"at pagkatapos ay tumawa sya na parang demonyo teka hindi pala parang dahil demonyo talaga sya! Pinatay nya ang mga mahal ko sa buhay pinatay nya ang mga kaibigan ko!

Tinakpan ko na lamang ang bibig ko para hindi nya marinig ang paghinga ko nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.

Naalala ko nanaman ang mga kaibigan kong pinatay nya at pinahirapan!

Hindi ko na alam ang gagawin ko pero isa lang ang gusto ko-- ang makaligtas mula sakanya.

Dahan dahan akong sumilip at nakita kong medyo malayo pa sya sakin lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsimula na ulit na tumakbo. Pero sa kasamaang palad ay naramdaman nya yata ang presensya ko kaya kahit pagod na pagod na ko at mistulang mahihimatay na ay tinatagan ko pa rin at mas lalong binilisan ang pagtakbo.

Naalala ko nanaman yung pa ulit ulit nyang sinasabi kahit noon pang hindi pa namin alam na sya ang killer.

Ngayon alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga katagang yun. Hindi na yata kami makakatakas sakanya ilang oras ko ng hinahanap ang mga kaibigan kong natitira ngunit wala pa ring bakas na buhay pa sila.

Kaya ang alam kong paraan para hindi mapahamak ay tumakbo lamang ng tumakbo dahil sa oras na maabutan nya ko ay tiyak na matutulad ako sa mga kaibigan kong hindi man lang yata mabibigyan ng hustisya pwera na lamang kung makakatakas ako.

I knew it that person is the Devil Behind the Mask.

The Devil Behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon