Veronica's Pov
Pagkagising ko nakita kong nakabihis na si Martell kaya pinabangon nya na rin ako at naligo na rin.
Kasalukuyan akong nag aaral dito sa Green Valley High at kasama ko naman sa dorm si Martell at Yuna na mga kaibigan ko. Meron kasing dorm dito sa paaralang ito na pinaglalagian ng mga estudyante.
17 years old pa lang ako pero kailangan kong maging independent tsaka ayoko rin naman kasing manatili kasama ang mga magulang ko sa bahay simula kasi nung nangyari yun nalayo na yung loob ko sakanila. Hindi ko naman alam kung bakit o paano nangyari dahil 4 na taong gulang pa lang ako nun.
Hays back to reality papasok na kaming tatlo sa klase at nakita ko na rin ang ugok kong kapatid aish! Bat ba ako ang naatasang mag bantay sa makulit kong kapatid eh hindi pa naman tot sumusunod sakin napakatigas ng ulo grabe.
"Venny! Pinadala na ni mommy yung allowance natin for this month"sabi ng kapatid kong si Raven.
"Hoy Raven! Tawagin mo kong ate wag kang bastos!" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Never mind you Ven"sabi nya.
Haist umalis na lang kami dun at pumasok na sa classroom. Pangalawang taon pa lang namin dito sa Green Valley at mukhang masaya naman talaga dito dahil dito ko nga nakilala ang mga kaibigan ko pati ang lalaking pinakamamahal ko ngayon--- si Kent.
At speaking of that person bigla na lang bumulaga dito sa harap ko kaya napasigaw ako at napatingin nga sakin ang mga kaklase ko.
"Kent! Bakit ka naman sumusulpot bigla dyan tyaka anong ginagawa mo dito sa room namin?" Eh paano ba naman hindi naman dito ang room nya kundi sa kabila. Tinawanan lang nya ko at pinisil yung ilong ko.
"Sorry baby hahahaha namiss kasi kita eh kaya sinurprise kita"sabay kiss sa cheeks ko na dahilan ng pagkapula ng buong mukha ko.
"Ano ba ba't ka ng hahalik bigla dyan nandito tayo sa tsaka baka may klase ka na kaya bumalik ka na sa room nyo" namumulang sabi ko habang nakaiwas ng tingin sakanya.
"Hahaha ang cute mo mamula baby oo na po aalis na hahaha hintayin na lang kita mamayang break time" at yun nga nagpa alam na ang mokong sakto namang pag labas nya ang pagpasok ni Maam Reyes ang English teacher namin. At nagsimula na ang discussion at ako naman ay taimtim na nakinig dahil kailangan talaga ang role ko pa naman ay ang pagiging good girl kaya dapat panindigan ko talaga.
Ring Ring Ring
Dalawang oras pagkatapos ng discussion ay tumunog na ang bell hudyat na break time na. Pagkalabas ko nakita ko na si Kent at kasabay ko naman sa paglabas si Martell at Yuna.
Pumunta na agad kami sa canteen dahil baka maubusan kami ng upuan mahirap na. Umorder lang ako ng carbonara at coke in can samantalang ang mga kasama ko naman ay mga cake at tubig lang. Nagsimula na kaming magkwentuhan ng dumating si Shannon ang kaibigan naming bakla.
"Hi there beshies"sabay halik sa pisngi naming tatlo hahalik na rin sana sya kay Kent ngunit nasapok ni Kent ang noo nya kaya napaatras ito.
"Aray naman fafa Kent machaket yun" kami naman ay tawa lang ng tawa dahil sa reaksyon ni Shan at dahil sinabayan nya pa ng pagnguso ng labi nyang may makapal na pulang lipstick ay mas lalo kaming humagalpak ng tawa dahil parang pwet ang labi nya pag ginagawa nya yun.
"Mula ulo mukhang paa aba naka bingo yata ang kaibigan nyo" nakakalokong sabi ni Kent kay Shan kaya mas lalo kaming nagtawanan.
Matapos ang kwentuhan namin ay nagtungo na ulit kami sa mga room namin kasabay ko ang dalawa samantalang si Kent at Shan naman ay magkasabay dahil magkaklase sila.
Nagsimula nanaman ang boring na
discussion oo good girl ang role ko pero marunong rin akong maboring no lalo na at lagi na lang akong nagpapakahirap na makinig sa discussion kahit boring actually kalahati nga ng klase eh may sariling mundo at hindi na lamang ito pinapansin ng prof namin dahil sa may katandaan naman na ito.Dumating ang hapon at uwian na nga nakita ko na rin ang magaling kong kapatid na naglalaro ng basketball kasama ang tatlong kaibigan nya at syempre nandun rin ang baby ko no!
Dahil wala naman akong gagawin ay nanood muna ako ng practice nila dahil wala rin lang naman akong gagawin pag umuwi ng dorm yung dalawa naman kasi nakauwi na rin dun o gumala di ko alam kung nasan sila dahil sa nagpaiwan na ko sa harap ng lockers kanina matapos mailagay ang mga gamit ko dun.
Nakasalubong ko naman si Aaron na isa sa kaibigan ni Raven at nasabi nyang may practice ang basketball team dahil sa nalalapit na tournament kaya puspusan ang training nila at dahil gusto kong mapanood si Kent ay nakisabay nga ako kay Aaron.
-----------------------
Sorry po sa mga typos at error ha di ko pa po kasi ieedit paki vote at magcomment na rin para malaman ko kung anong reaksyon nyo salamat.
BINABASA MO ANG
The Devil Behind the Mask
Mystery / ThrillerHindi lahat ng mukhang mabait ay mabait nga Meron pa ring taong nagkukubli sa likod ng isang maskara Nagpapanggap na kakampi kahit hindi Traydor Malalaman mo kaya ang sekreto nya kung ikaw mismo ay nagbubulag bulagan? Akala mo isang kaibigan pero...