Chapter 05

84 27 0
                                    

/Lianne's PoV\

Bwisit naman talaga! Ako pa inuutusang bumili ha! Palabas na sana ako ng Mansion ni Kailer pero pinigilan nya ako.


"Bago ka bumili maligo ka muna." Sabi nya.

Namula naman ako at nanlaki ang mata ko. What the ffff?! Kanina pa kami dito tapos ngayon nya lang sinabi. Ibig sabihin mukha akong grasa for 2 fucking hours!? Pumunta ako sa banyo nya at tinignan ang mukha ko sa salamin. Sa tingin ko nga kilngan ko munang maligo. Kasalanan nya to eh bwiset!


Naligo na ako, nang matapos kinuha ko ang twalya dito. Ang laki ng banyo nya. May malaki din syang bathtub na kasya ang apat na tao. Nagpunas na ako atsaka nagtapis nang naalala ko, wala pala akong damit na dala dito sa banyo. Anong gagawin ko? Ano ba yan! Ayokong lumabas kase makikita ako ni Kailer na nakatapis. Malapit lang kase ang banyo sa sala.

"Kailer!" Sigaw ko sakanya. Narinig ko naman ang yapak nya binuksan ko kaunti ang pinto ng itinulak nya ito.


"Bakit?" Sabi nya saka kumindat.


Pumasok sya sa banyo habang nakatapis ako! Hala shit! Pinagtutulak ko sya palabas ng banyo.

"Bwisit! Bat ka kase bigla biglang pumapasok!?" Sigaw ko sakanya tanging ang ulo ko lang ang nakadungaw.


"Ikaw yung tumawag sa akin eh, malay ko ba kung anong gusto mong gawin ko?" Sabi nya. Pervert!


"Pakikuhaakongdamit!" Walang hinyo kong sabi atsaka nakapikit.


"Yun lang ba? Pati panty o bra?" Sabi nya sa akin. Namula naman ang pisngi ko.


"Oo." Sabi ko atsaka sinarado ang pinto.


That pervert guy, pinagsisihan ko na talagang tinanggap ko ang offer nya. Di ko naman alam na magiging maid din ako.

Maya-maya pa ay may kumatok na sa pinto. Binuksan ko ang pinto at ipinasok nya ang kamay nya na may hawak na mga damit ko.


"Eto na, spongebob." Sabi nya sa akin.


Spongebob?

Kinuha ko ang damit ko at nilock ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita ang panty ko na spongebob na binili sa akin ni mama. Buset! Buset! Inis na inis na talaga ako sakanya!


Nagbihis na ako atsaka lumabas ng banyo. Nakita ko syang nakaupo sa sofa at nanonood ng balita.


"Dalawa patay, matapos pagbabarilin ng isang lalake." Sabi sa balita, woah. Malapit lang yan dito ah!

Binigyan na ako ni Kailer ng 5,000 kanina para sa foods. Ewan ko ba bakit ang dami. Di nya ako sasamahan kaya ako lang mag-isa ang bibili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im the Cassanova's GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon