First Love (One Shot)

210 17 0
                                    

.
.
.
.

"Hindi akong nahihiyang ipagsabi na mahal ko pa rin ang lalakeng nagpasakit sa akin. Napakamartyr man nitong pakinggan pero hindi talaga maipagkakaila ng puso ang nararamdaman ko para sa kanya kaya't kung minsan ay nagiging matalinghaga ang aking pananalita gaya ngayon..."

"Nagkakilala kami noon dahil magkakilala ang aming mga kuya. Pumunta sila noon ng kuya niya at kasama siya sa bahay namin. Napakapalaaway niya noon at lagi niya akong pinapaiyak at pinapagalitan niya ako. Hindi ko alam bakit niya ako pinapagalitan ehh wala naman akong kasalanan noon, siguro ginagawa niya lang yun dahil sabi niya mas nakakatanda siya kaysa sa akin kaya dapat lang din na pagalitan niya ako. Nasaan ang hustisya aber! Wala kaya akong ginawang masama..."

Napangiti ako.

"Habang tumatagal, mas nagiging magkakilala na rin ang pamilya namin. Minsan ay nagfa-family gathering kami at wag niyong sabihin na nagkalapit kami! Mas lalo kaming hindi naging magkasundo! Lagi niya akong inaaway dahil naiinis daw siya sa pagmumukha ko. Ang suplado diba? Pero, isang araw pagkagising ko sa umaga, bigla ko nalang na-realize na hinahanap-hanap ko siya, na lagi ko siyang iniisip at lagi siya ang bukang-bibig ko. Doo ko rin napagtanto na noong araw na iyon na nakita ko siya labis akong naging masaya. Itinago ko ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa takot. Takot na baka...."

Napatawa ako.

"Takot na baka ako'y makotongan nanaman niya. Wala siyang pili! Kahit sino kaya niyang kotongin, lakas din kasi ng topak ng lolo na yun. Haha! Pero sa totoo lang ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Alam ko na kahit papano, tinuturing niya akong kaibigan at ayokong magbago iyon. Pinapahalagahan ko ang munting relasyon na meron kami kahit kaibigan lang..."

"Isang gabi, pauwi ako noon galing sa group study sa bahay ng kaklase ko. Inaya ako ng mga kaklase ko na makitulog pero tumanggi ako kasi hindi ako sanay makitulog sa ibang bahay. Madilim at halos tulog na ang mga tao sa mga kabahayan kaya mabilis akong naglakad patungo ng bahay nang nakabangga ako ng lalake. Agad akong nagulat dahil hindi lang isang lalake ang nabangga ko kundi marami sila. Tumingin sila ng masama sa akin nun at syempre babae ako at takot ako sa mga ganoong tingin ng mga lalake.

Mga nasa walo ang bilang nila kaya marahan akong napa-atras at hindi ko sila inimik nang tinanong nila ako kung ano ang pangalan ko. Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil sa natatakot ako sa kalagayan ko. Akala ko eto na end of the world ko. What if gahasain ako nila? Or pagnakawan? O kaya saksakin? Yan lahat nasa isip ko sa mga panahon na iyon hanggang sa may humawak sa kamay ko at halos mapasigaw ako ay buti nalang hindi natuloy nang nakita kong si Minghao lang pala. Oo siya! Medyo nakaramdam ako ng kilig doon pero agad ko iyon tinanggal sa isipan ko dahil may problema pa pala kami. Hindi ko pa nalilimutan ang mga sinabi niya noon...."

"Makikiraan lang kami" seryoso at madiing sabi niya at mas napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa magagandang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Nakaramdam din ako ng mga boltaheng gumagapang sa aking katawan.

"Teka lang! Parang kilala kita ah" sabi nung lalakeng nakabangga ko. Siya ata ang lider ng grupo nila ehh.

"Boss! Siya si Minghao, kasamahan niya yung nakalaban natin"

Whut?! Nakalaban? Sumasali si Minghao sa gang? The heck!? Seriously????

"Ahh.. napaka coincidental nga naman ng pagkikita natin pare!" Sabi nito at nakahawak sa balikat ni Minghao at pinalo ito pero mahina lang.

"Padaanin niyo na kami" sabi niya ulit at sinubukan namin na humakbang pero hinarang at hinawakan noong lalake si Minghao sa balikat upang tigilan. Rereact pa sana noon si Minghao nang hinila ako ng isang lalake at napapunta sa likuran nila. Sinubukan kong kumawala pero hindi kaya ng lakas ko na kumawala sa kanila. Nangdidiri ako sa mga hawak nila sa akin.

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon