Chapter 5

9K 109 2
                                    

Wendy's POV

Sinundan nga ni kian ang mama niya kinabukasan ay inuwi niya ako.

Kinausap ako ng mama niya na pagpasesnyahan siya at 

itago na lang ang nangyari binigay na din ni mam christine

ang pangatlong linggo na sahod ko at sabi niya last na muna 

ang pagiging tutor ko kay kian dahil magpahinga muna ako

at baka ano pa daw magawa ng anak niya.

Umoo na lang ako sa request niya na itago ang nangyari

ayoko din kasi ng gulo pa.

''Wendy kain na!''-sigaw ni mama

''Opo ma!''-sigaw ko

Hay naku wendy nababaliw ka na din bakit mo inaalala yung

mga nangyari.

Kinabukasan back to normal na.

''Uy! Wendy!'-may sumigaw sa likod ko at si Tristan pala

President ng klase namin.

''Bakit?''-tanong ko

''Saan ka nagpunta?4 na araw kang absent''-Tristan

''May inasikaso kasi ako''-sabi ko

''Ang dami tuloy natin gawain tulungan mo ako mamaya ha?''-tristan

At tumango naman ako.

Pagdating ng klase pinuntahan ako kaagad ni eunice.

''Be bakit nawala ka ng ilang araw?''-tanong niya

''May nangyari kasi''-sabi ko

''Hay naku di ka man nagsasabi may ichihika pala ako''-eunice

''Ano nanaman?''-wala kong ganang tanong

''Si Kian lilipat daw sa section natin''-eunice

''ANO?!''

Mukhang napasigaw ako kaya nakuha ang attention ng mga 

kaklase ko.

Kahiya.

''Sorry''-sabi ko na lang at umupo na 

Saktong pumasok na din ang Instructor namin.

''Goodmorning Class''

''Good morning''-sagot namin

''Bago tayo magstart gusto ko lang iaanounce na dito na

sa klase niyo paasok si Mr. Kian Yamazaki''

''Hala? bakit kaya?''

''Nakakatakot napakaweird pa naman nun''

''Pero cute naman''

''True malay mo masasanay lang tayo''

Bulungan nila.

Pumasok na nga si kian at sa akin lang siya nakatingin.

''Uhmm Mr.Yamazaki tama na pagtitig at umupo ka na''-sabi ng prof

''Ayiiiieeeee!!''-buong klase

Biglang uminit nanaman ang pisngi ko at pinili pa niyang umupo

sa may likod ng katabi ko occupied na kasi yung tabi yung sa likod

ko naman eh si eunice.

Buti di niya sinuntok yung katabi ko para makuha lang yung pwesto.

I'm his ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon