MY JELLY BEAN
"Good Morning Sir, bibili po ba kayo ulit ng Sweet JellyBeans ?"
"Yes, Give me one jar.." Sagot ko sa dati kong naging estudyante..si Allen.
"Para po ba ito sa kanya?" Malumanay na tanong n'ya sa akin.
"Meron pa bang ibang pagbibigyan nito? Di ba wala naman..." Tipid kong sagot.
Alam kong nalulungkot si Allen tuwing nakikita n'ya akong bumibili ng JellyBean sa tindahan n'ya..isa lamang s'ya sa mga taong nakakaalam kung bakit hanggang ngayon..GANITO PA RIN AKO.
Inabutan ako ni Allen ng isang pad ng Sticky Note at isang ballpen..
"Lagi kong inihahanda 'yan para sa iyo, Sir." Nakangiting sinabi n'ya.
"Thank you." Sagot ko sa kanya.
Sumulat ako sa sticky note..
"Colorful JellyBeans for you..."
Idinikit ko ang note sa garapon ng jellybeans.
Dahan dahan akong umalis sa tindahan ni Allen...
Habang papalayo ako...lumalakbay ang isip ko sa nakaraan...
Taong 1990 nang una kong nakilala si Jellianne..She was just 12..and I was 27. Dati akong nagtuturo ng Mathematics sa Elementarya..at si Jelly ( Jellianne ) ay isa sa naging estudyante ko.
Naging magkapitbahay kami nina Jelly, nang lumipat ako ng tirahan sa kanilang Subdivision. My parents bought me a house as their gift. Dahil ako na lang ang binata sa aming 4 na magkakapatid na lalaki.
Mahina si Jelly sa math. Lagi n'yang sinasabi sa akin "BAKIT MERON PANG MATH? SANA WALA NA LANG!" Gusto kong matawa sa kanyang mga reklamo..Kaya naman pumunta ako sa bahay nila para sabihin sa mga magulang n'ya na tuturuan ko s'ya sa mathematics. Walang bayad 'yon. Libre para kay Jelly.
Naging kaibigan ko ang kapatid ni Jelly na si Marti. Isang Marine Engineer.
Lagi nga nagtatalo sina Jelly at Marti noon, nang dahil sa akin. Sa school tinatawag ako ni Jelly ng SIR KEN, pero pagnandito sa loob ng bahay nila o sa labas tinatawag n'ya akong KEN.
Tinanong s'ya ni Marti kung bakit ayaw akong TAWAGING KUYA KEN..sabi n'ya ONE DAY MAGIGING BOYFRIEND KO S'YA! Sabay tawanan namin ni Marti noon...isip bata talaga si Jelly.
Hanggang sa umalis si Marti papuntang Germany. Ibinilin ni Marti sa akin na bantayan maigi si Jelly..dahil may nanliligaw na daw..kaya ako ang naging KUYA AT GUARDIAN NI JELLY.
Parating wala rin ang mga magulang nina Jelly..laging abala sa kanilang negosyo. Madalas mag-isa si Jelly sa kanilang bahay. Kasama ang kanilang 2 katulong at isang driver.
Malungkot ang buhay ni Jelly kung tutuusin..Sagana sa lahat ng bagay..ngunit kulang sa pagmamahal at atensyon.
Sinubaybayan ko ang pagdadalaga ni Jelly. Inaamin ko na habang tumatagal lalong gumaganda si Jelly. Minsan nga, may mga umaali aligid sa labas ng bahay nila. Nahuhuli ko na naglalagay ng mga sulat, chocolate at cards sa kanilang mail box. Kaya naman naingayo akong sumulat kay Jelly ng notes..
"Jelly, your smile brightin' up my day..." - KEN
Tatlong beses sa isang Linggo ako nagpapadala ng notes sa kanya..Hanggang tumuntong si Jelly sa edad na 15..
Tumigil na rin ako sa pagtuturo. I started to work in a Government office.
"Happy Birthday Jelly!" Sabi ko sa kanya..Sabay kong niyakap si Jelly at inabot ang regalo kong TEDDY BEAR at isang jar ng imported JellyBeans. Paboritong kainin ni Jelly ang JellyBeans.
BINABASA MO ANG
MY JELLY BEAN ( SHORT STORY )
RomanceKen is older than Jelly. Age gap problem ang meron sila. Binuo ni Ken ang pagmamahal n'ya sa isang simpleng notes at jellybeans..Alamin ang love story nina KEN AT JELLY.