PAGKATAPOS ng naging aksidente sa kanya ay nai-cancel ang natitirang schedule para sa kanilang outreach program. Ayaw man ng YP na i-cancel iyon ngunit nagdeklara ang local government para sa kanilang safety. Napilitan silang bumaba at nagdesisyon sila sa huli na ang natitirang relief goods na ipamimigay nila ay ido-donate na lamang nila sa DSWD at sila na ang bahala na mag-distribute 'nun sa mga mahihirap na barangay ng bayan.
Nadakip na ang tiyuhin ni Joanna na isa palang adik, totoo din ang sinasabi ni Joanna na biktima ito ng rape ngunit ginamit lang iyon ng dalaga para makapam-biktima ang mga ito. pero nakonsensiya yata si Joanna sa kanya kaya lumaban ito at pinatakas siya. she really cared for Joanna, nakuha lang naman ng mga ito ang cellphone niya dahil iyon lang naman ang dala at hindi na niya iyon mabawi. Naibenta na daw ng tiyuhin ng dalaga. Wala na yata siyang pakialam kung hindi na maibalik ang cellphone. Mas may malaki siyang problema kaysa sa cellphone niya.
"I'm sorry guys kung hindi ako naging maingat," sabi niya sa mga kasamahan habang pabalik sila ng Gensan. Pabalik na rin sila ng Maynila ngayong araw.
"Ano ka ba teacher, you don't have to be sorry. Hindi mo naman iyon intensiyon na maging biktima hayop lang talaga 'yung tao nay un. Mabuti nalang natamaan ni Joanna dahil kung hindi baka ano na rin ang nangyari 'dun sa bata," sabi ni Cynthia sa kanya.
Ang sigaw pala at putok na narinig niya ay dahil binaril ni Joanna ang tiyuhin nito. natamaan sa binti kaya hindi na nakahabol. Nakulong na rin ito, samantalang si Joanna ay nasa DSWD na at tinutulungan na ito. nangako din ang YP na tutulong para sa theraphy nito—may trauma kasi ang bata—at para sa panganganak nito. kukunin na din si Joanna ng isang tiyahin nito na walang alam sa nangyayari kay Joanna. She was hoping the best for Joanna.
"Pero bakit yata ganun nalang ang awa mo sa kanya teacher? I mean, normal lang naman na maawa tayo pero you really cared for her, as if she reminded you of someone na malapit sayo?" tanong sa kanya ni Roe at napatingin siya dito. Katabi ito ni Creon, at panandalian lang na tumama ang tingin niya sa binata.
As usual, balik na naman sa dating gawi. Kailangan na naman niya itong iwasan. Pero hindi na siya bitter. Naiintindihan na niya ang sitwasyon. Minsan kasi pala, kaya nagkakabuhol-buhol at nagiging komplikado ang puso hindi dahil sa mga taong paligid involve, kundi dahil sa sitwasyon at dala ng pagkakataon. Dinala sila ng maling pagkakataon sa kanilang sitwasyon ngayon.
"A-Ahm, yeah, she really reminded me of someone, wala kasi akong nagawa sa taong iyon noong nasa ganitong sitwasyon siya, kaya akala ko may magagawa ako kay Joanna ngayon" pagtatapat niya sa mga ito at nakita niya ang simpatya sa bawat mata ng mga ito. maiban kay Creon. He was shocked, and lonely. Nakita niyang naikuyom din ang kamao.
Wala ng namagitang usapan sa kanilang lahat matapos ng siyang sumagot. Para kasing bumigat ang sitwasyon at tila wala ng nangahas na magsalita. Habang nasa biyahe papuntang airport ay ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata kahit hindi naman siya inaantok. He heart was crying at pakiramdam niya ay nawawasak ulit. Pero tumitibok pa din naman.
"Even a broken heart can beat again." Naalala niyang wika sa kanya noon ni Raegan.
Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya at tumutulo na ang luha niya. mahirap palang mag-let go. Dahil hindi naman pwedeng magmahal ng dalawa. Isa lang talaga ang pwedeng piliin niya. Because how can she let if both them was part of her. Si Creon parte ng kahapon niya na minahal niya hanggang ngayon o si Raegan na parte ng ngayon niya na naging dahilan kung bakit natuto siyang magpatawad at mabuhay ulit.
Pero nakadesisyon na siya diba? Pinili niya kung ano ang tama at mas makakabuti para sa lahat. Yun nga lang kailangan niyang isakripisyo niya ang sariling nararamdaman dahil hindi na tama para sa kanya si Creon. Dahil mananatili nalang ito sa noon. Parte ng isang masakit na kahapon.