"Di tayo pwede"

14 0 0
                                    

Hindi ko alam kung saan nagsimula.
Ung mga araw na hinahanap ka ng aking mga mata
Hindi maipaliwanag na sa bawat oras na nahahagip ka ng aking paningin ay may sasalubong saking malamig na hangin at parang babagal ang oras.

Sa iyong mga ngiti, na tila ba ang mundo ay nagiging payapa at walang haras.
Hindi ko alam ang dahilan ng pagtibok ng puso ko sa tuwing ikaw ay dadaan.
Na para bang isang bomba na hawak hawak ng bangtan.

Nalaman ko nalang na ako palay gusto mo rin, at ang aking tuwa ay abot hanggang mga bituin.
Sa araw araw, ako'y tuwang tuwang pumasok sa eskwela makita lang ang mga ngiti sayong mukha.
At sa tuwing ikay tatawa ay mawawala ang iyong mga mata at masasabi ko nalang "kyeopta♡"
para akong tanga na bigla bigla nalang ngingiti, sa tuwing naalala ang linya na gumuguhit sa iyong mukha na tila ba walang problema.
Masaya tayo, araw araw na daraan, ako'y masaya at puno ng kilig ang kkatawan.

Parang telenovela, na ako at ikaw ang bida.
Pero sa pelikula hindi naman laging masaya.
Darating at darating ang problema.
At yan na nga, anjan na 'yung kontrabida.

Napakasakit isipin na hindi tayo pwede.
di pwede dahil sa iisang dahilan. Na sa dahilang iyan ay pwede kitang iwan.
Sana nga ang mga nadarama ay mawala pag dating ng oras na yon.
dahil ako'y cristyano at iglesia ka naman.

Nung oras na ang ideyang yan ay nanuot sa aking utak, kasabay ng luhang sa aking pisngi ay pumapatak.
Hindi, hindi ko sinisi ang relihiyon, dahil alam kong parehas tayong pipiliin pa 'yon kesa sa ating relasyon.

Baka nga hindi tayo ang itinakda ng Diyos na magkasamang tumanda. Baka nga dumaan ka lang para pasayahin ako pansamantala. Baka nga pinagtagpo lang tayo para ihanda. Baka nga talaga hindi tayo para sa isat isa.

Nung araw na sinabi kong wala na akong gusto sayo, kahit meron pa din ung pagmamahal, ay para akong sinasakal na ayaw lumabas ng aking boses na sabihin sa'yo "bawal tayo".
Para akong sinasakal at ayaw lumabas ng tinig ko at sabihing "hindi na kita mahal". Hindi ko kaya, kaya dinaan ko sa sulat.

Sa sulat na iyon andami kong sinabing kasinungalingan pero totoo nung sinabi kong "minahal kita, di ko un pinagsisihan, at salamat sa lahat". Pero minamahal pa rin kita at walang nagbago dun. Sumagi din sa isip ko na pano ako mag momove on? Na sa bawat araw nakikita kita sa eskwela at ang tibok ng puso ko'y hindi pa rin nag iiba.

Pano kaya pag pwede tayo noh? Siguro parehas na tayong masaya sa piling ng isat isa. Sana lagi kang masaya, at magingat ka. Mahal pa rin kita.

-malia

1 Am ThoughtsWhere stories live. Discover now