"ang init init naman"
Ito ang madalas sambitin ng nakararami.Bakit nga ba mainit sa pilipinas?Dahil ba sa klima o dahil sa mga sasakyan na nagmumukhang kalsada sa dami? o marahil dahil sa nakasusulasok na amoy ng maiitim na tambutso nila?
Sinasabing tropical country ang pilipinas gaya ng ibang karatig bansa nito sa asya ngunit bakit nga ba hindi na tayo nasanay sa init ng ating bansa?. Dahil ba marami ang ayaw mangitim o dahil marami ang gustong pumuti? :p.Sa tinagal tagal ng paninirahan natin rito wala naman siguro tayong karapatang hamakin pa ang ating bansa.Ano pat pinaglaban ito ng daang daang tao sa kasaysayan kung sa huliy magrereklamo lamang tayo.
Wala namang electric fan noon, wala din namang aircon at mas lalong walang refrigerator.Ngunit papano sila nabuhay?Bakit tayo kapag walang kuryente halos sakalin na natin ang meralco.Dagdag pa nga ang kaliwat kanan nating mga welga. Si maria clara nga ay pamaypay na lamang ang pinagkukuhanan ng karagdagang hangin kapag naiinitan bukod pa doon sya ay naka saya na syang napakainit naman talaga.
Subukan mo kayang maglakad sa kalsada ng naka barong o saya at baka naman matauhan ka kung gano kainit dati.Ngunit ayon naman din sa pagaaral hindi naman magkatulad ang init ng kasalukuyan sa init ng nakaraan.Bakit nga ba?
Ito ay dahil sa mabilis na paginit ng panahon o pagbabago ng panahon (Climate Change).Bakit nga ba meron nito? itanong mo kaya kay juan dela cruz at baka masagot ka nya.Sino naman ba si juan dela cruz? Malamang ikaw! ako! siya at kayo.Dahil wala tayong disiplina sa sarili.Mas madisiplina pa ang hayop sa tao dahil ang hayop kayang kaya magpakatao pero ang tao madalas hayop!.
Ang pagbabago ng panahon ay pananagutan rin natin.Dahil tayo madalas may telebisyon na nga may DOTA pa. May walis na nga nag vacuum pa. Maraming gadgets wala namang mga halaman sa kabahayan. Mas marami na rin ang friends mo sa facebook kesa sa puno sa kapaligiran mo.
kaya sa susunod na magreklamo ka na ang init init sa pilipinas magisip isip ka muna dahil kung ikukumpara ka sa init ng pilipinas mas mainit ka pa pag gabi!.acknowledgement
Xià Tiān