_-Arjun Kian Torres’ POV-_
Hai bhabes. Hehe. I’m Arjun Kian Torres. Certified gwapo na mayaman na matalino na tahimik na BASTA ,malalaman niyo din personalities ko. Mahilig akong sumayaw at kumanta kaya ako nagtransfer sa Carson Academy of Theater and Arts (CATA). Kasalukuyan akong nakatira sa bahay ng pinsan ko kasi di pa ready yung condong lilipatan ko.
“Arjun! Tara na! Baka ma-late pa ako dahil sayo!” sigaw ng pinsan kong si Sophia. Yeah, she’s my couz.
“Ok, nanjan na!” sabay kuha ng bag ko at nagpolo na ako. Bumaba na ako at dumiretso sa kotse kung saan naghihintay si insan.
“Para kang babae kung magbihis. Ang tagal. Manong, tara na po”
“Pake mo ba? I have my own rituals” sabay irap sa pinsan ko. Haist. Alam mo naman ang gwapo eh.
Nandito na kami sa school nila. Wow ha. Parang kastilyo sa laki. Pagbaba namin ng kotse, nagtinginan na mga estudyante. Wooh. Lumingonlingon ako at nakita ko ang grupo ng mga babaeng nakatingin sa akin. Then I gave my best smile. Sus. ^________^
Kinilig sila. Haha. Tas biglang may humarurot na motor papunta sa car park. Nagpark na ang motor niya saka siya bumaba. Grabe, chicks. Haba ng legs. Halata kasi naka skinny jeans then black boots hanggang tuhod niya. Yung tShirt niya naman eh ok lang. Di masyadong masikip at di masyadong maluwag na color black tas may design na bungo tas electric guitar. Naka suot siya ng bracelet na may parang maliliit na bungo. Rockista ang peg? O tomboy? Pero ASSTIIIG niya.
At ang mukha, wait, wait,di pa niya tinatanggal helmet niya pero nilapitan siya ni pinsan.
Ayun. Tinanggal na niya. Maganda siya. Straight long hair na naka pony tail tas may side swept bangs. Siya yung nasa facebook na sinabi ni Sophia na kaibigan niya!
Nag-usap sila ni Sophia. Lumingon si Sophia sa kinatatayuan ko at tsaka ako sinenyasang lumapit sa kanila.
“Who u?” tanong ng babaeng astig. Wow. Parang siga kung makipag-usap ah.
“Ah. Renz. Si Arjun Kian Torres pala.” tinuro ako ni Sophia. “Pinsan ko.”
“Ah. Ikaw pala yung nasa Facebook kagabi. Renzy Maive Bautista nga pala. You can call me Renz” sabay abot sa kamay niya. Nakipagfriendly shake naman ako.
*dug dug. Dug dug. Dug dug*
Woah. Bilis tibok ng puso ko ah. Ang lambot ng kamay ng babeng to.
Tumingin ako sa kanya then binigyan niya ako ng BITIWAN MO KAMAY KO look. Natagalan yata pagkahawak ko sa kamay niya. Hahaha >_^
FASTFORWARD ((:
Pumaasok na kami sa classroom. I introduced myself tsaka umupo sa tabi ni Renzy.
Lecture. Lecture. Lecture. After 123456789 years, dejoke xD , lunch na. Madali naman pala ang lessons nila dito so madali akong makakacope up at makahabol sa ibang classmates namin.
“Renz, pupunta muna ako sa Student Council Office ah. Magreready kasi ako para sa meeting mamaya. Ingat best” sabi ni Sophia kay Renzy tsaka lumapit sa akin at bumulong. “Pakibantay mo yang si Renz ah. Baka mamaya may manghahamon na naman sa kanya” sabay alis.
Anong ibig niyang sabihin? Basagulero ba ‘tong si Renzy? Yayks. Katakot naman. Tumayo na ako at pumunta sa pinyuan ng classroom naming para masilayan ang mga chicks. Hahaha. May tatlong pumasok na babae sa classroom namin. Nagsmile silang tatlo sa akin.