SIMULA

12.7K 647 137
                                    

Death University school of death, isang paaralan na tinayo nang nakaraan ng mga ilang dekada. Nanatili itong maganda at marami ang pumapasok na mga estudyante rito, kasi raw ang pangalan lang daw ʼyong nakakatakot pero ʼyong mismong paaralan ay hindi. Ang iba, kaya sila pumasok dito kasi ʼinterestingʼ daw.

Sa bagong yugto ng buhay, bagong yugto ng panahon at tao.

Ang imahe ng paaralang ito ay biglang magbabago.

May isang section ang sasabak sa isang laro.

Isang larong, hindi pangkaraniwan.

Isang larong, buhay ang nakataya.

Isang larong, kailangang gamitan ng isip at puso.

Kung gagamit ka ng isip. Maiisip mo kung bakit ʼto nangyayari at sino ang may gawa ng lahat ng karumaldumal na sinapit ng lahat.  Ano ba ang rason nʼya kung bakit nʼya ginagawa ang mga ito? Mapapa-isip ka rin na, ano ang una mong iligtas? Sarili mo o ʼyong ibang tao na naging parte na ng buhay mo.

Kung gagamit ka ng puso. Hindi mo maisip ang sarili kasi mas inuuna mo ang kapakanan ng ibang tao katulad ng mga kaibigan mo.

Kung parehas mo naman pipiliin ay ano na ang gagawin mo kung sakali man na maipit ka sa mahirap na sitwasyon na kailangan mo na mamili?

Bakit kailangang may madamay?

Ikaw? Anoʼng gagamitin mo?

Utak o puso?

Choose wisely.

Because...

One wrong move, everyoneʼs life might be put in danger.

🎉 Tapos mo nang basahin ang DEATH UNIVERSITY [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING] 🎉
DEATH UNIVERSITY [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon