Dreaming of You (one shot)

453 14 10
                                    

I was only 16 years old when I transferred to Manila for my college education. I’m a mama’s girl so it’s quite hard for me to live alone in the city but I have to be strong. Takot ako. Feeling ko ay nakaexpose lang ako sa anumang aksidente o panganib. I often call my mom by the phone since I don’t have any friends from the building yet.

My apartment was good. Pinili ko talaga yung may maliit na bintana kung saan kita ang university namin. Sa bandang harap ay may bintana ring tanaw naman ang mga kwarto sa kabilang building. Medyo creepy sa kabila kaya naglagay ako ng kurtina at minsan na lang sumisilip do’n. Inayos ko na agad yung mga kikay things ko sa cabinet. Pati mga posters ni Chris Tiu, dinikit ko na rin sa dingding. I sorted my clothes also according to color para mas madaling pumili. Sabi ng iba, I am Miss Over-organized. I want everything to be well-placed. I want everything to be well-planned.

            It’s so cold that one June night when I decided to take a walk outside. Gusto ko lang ma-familiarize ako sa lugar at para bumili rin ng kahit anong makakain. Boring pala talaga ang mag-isa. Nagsasawa na ko sa kababasa, paminsan-minsan ay nag-iinternet. I’m not an outgoing type din kasi. Dumaan ako sa convenient store. Marami ngang pagkain pero parang wala dun yung gusto kong kainin. Naglakad-lakad pa ko at do’n may stall ng fishball. Sa wakas, nakakita rin ako ng gusto ko. Bumili ako ng sampung fishballs. Yung lalaking kasabay kong bumibili, panay ang tingin. Kaya naman nagbayad na ‘ko at dinala ko na lang yung nabili kong fishballs sa apartment. Baka holdaper pala yun or rapist. Napaparanoid na ‘ko pero mabuti na rin yung nag-iingat.

            First day high! Alam ko na yung room ko kasi pinuntahan na namin yon ni mommy nung nag-enrol ako. I sat on the second row. A guy sat beside me. He looks familiar and then he asked, “Di ba ikaw yung bumili ng fishball kagabi? Ako nga pala si Kylo.”

            “Kaya pala familiar ka. I’m Hanna.”

            “So, natandaan mo pala ‘ko?”, tanong ni Kylo.

            “Pano’ng hindi kita matatandaan eh natakot ako sayo kagabi. Kala ko holdaper ka o kaya naman rapist.”

            “Grabe ka naman, hindi ako ganon. Para kasing ikaw yung nakatira dun sa katapat ng room ko sa kabilang building. Kaya tinitignan kitang mabuti. Ikaw nga ba yun?”

            Siya pala yung nakatira sa creepy room na yun. Para naman kasing hindi marunong maglinis ‘tong si Kylo eh. Akala ko vacant yung room. Pero ok na din kasi classmate ko pala siya. Hindi na ‘ko masyadong matatakot umuwi, pwede akong makisabay sa kanya. Pero napakakulit niya. Parang hindi siya nakakakausap ng tao sa sobrang daldal. Akala ko nung una bakla siya pero hindi pala.

            Basketball yung PE namin sa first semester. Diniscuss ni sir ang basics at rules ng laro. Sabi ni prof, turuan daw ng mga boys kaming mga girls ng basics at application na raw after two meetings. Bokya ako sa basketball. Height ko, below average. Stamina, low. Tapos lampa pa ‘ko. Ayokong mapahiya. Lahat sila nagpapractice na with their partners, ako naman eh nag-aaral ng dribbling mag-isa. Nilapitan ako ni Kylo at nag-offer siya ng tulong. Marunong naman daw kasi yung partner niya ng basics at ayaw nang magpaturo. So, I accepted his offer.

            Nagdidribble pa lang siya, napakagwapo na. Kahit pawisan, parang ang bango pa rin. Sa kanya ako nakatingin at hindi dun sa ineexplain niya sakin. Pa’no nga ba ‘ko matututo nito?

            “Hanna, gets mo ba?”

            “Ah. Ano yun? Alin?”, tanong ko sa kanya pagkatapos kong magising sa pantasya ko.

            “Kanina pa ko nagpapaliwanag dito, di ka pala nakikinig. Yung tamang posisyon ng hands and legs kako, dapat nakabend ng konti yung tuhod para ready ka gumalaw papuntang kanan o kaliwa.”

Dreaming of You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon