Chapter 3

137 5 4
                                    

EMERALD'S POV

O_O

Oh.My.Gosh. Totoo ba 'tong nakikita ko?! Small world talaga!

 Si-si Kuya Pogi! *O*

"Ay, sorry Miss." Binaba na yung mga instruments na bitbit niya. Tapos kagad niya kinuha lahat ng mga nag-scattered na dala ko.

Natulala na lang ako sa kanya. Sa dinami-daming pagkakataon na makita ko siya ulit, bat sa ganito pa? Arnubey, nakakahiya. Haha.

Ano ba yan, kung ano-ano pa iniisip ko.

"Sorry talaga ha? Nagmamadali rin kasi ako, late na kami ng mga ka-org ko." sinasabi niya habang pinupulot yung mga gamit ko.

"Ah-ahh, o-okay lang." ano ba yan Em! kelangang magstut ka? Haha. Nakakastar-struck kasi eh.

Inabot niya yung isa nyang kamay sakin. Hinawakan ko naman para makatayo ako. Grabe ang sakit talaga nung pwetan ko pati yung sa may noo ko. >.< 

Pagkatayo ako, inayos ko ang sarili ko. Yung damit ko pati buhok.

"Eto oh" sabay abot sakin ng bag ko at books. "Sorry ha? Nasaktan ka ba? May masakit ba?" usisa niya sakin.

Wow kuya, caring? Haha. Sweet naman.

"Ah ahmm.. wala naman. Okay lang ako. Thanks" sabi ko sa kanya. Pero actually ang sakit-sakit talaga nagpagkabagsak ko. T_T Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Sure ka?" tapos tinitignan nya ako. Chinecheck niya siguro kung may galos ako or something.

"Haha. Oo, okay lang ako." sabay smile tapos hawi ng buhok ko sa tenga. Loka-loka ka talaga Em, nagpapacute ka pa kay Kuya.

"Oh! Hala! May sugat ka!" Biglang napasigaw si Kuya sabay hawak sa may noo ko.

Sugat?! Hala, nagkasugat ako?! Oh noes! My pretty face! >_<

Kinuha ko kagad yung mirror ko sa bag ko. Tinignan ko kung may sugat ako. Hala~ May sugat nga ako. T_T

"Tara, punta tayo sa clinic." Sabay hila sakin.

"Ay, wag na Kuya. Malalate na rin ako sa subject ko." I refused.

"Scholar ka ba o sadyang Grade concious ka lang?!" hala, nagalit si Kuya. O_O "Tara na, dumudugo na yang noo mo. Maiintindihan naman yan ng Prof mo." tapos hinila nanaman ako.

Pababa na kami ng hagdan. Nang may nakasalubong kaming student. Ka-orgmate ata nito ni Kuya. Kinausap niya.

"Greg! Buti na kita kita." Tawag nya dun.

"Uy! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin inaantay sa room. Patay ka kay Sir." banta nung Greg kay Kuya.

"Tss, yaan mo na. Yung mga instrument nandun sa taas, sa may corrider lang." Turo nya kay Greg.

"Huh?! Bat mo iniwan lang dun?" takang-taka yung Greg.

"Accident" sabay pakita sakin. Nanlaki naman yung mata ni Greg nang nakita nya yung sugat ko sa forehead.

"Whua-what Ha-happe--" nag stustutter na sya sa sobrang shock. Ang OA naman neto. -.-

"I'll explain later, okay? Pasabi na rin kay Sir." tapos hinila nanaman nya ako pababa ng hagdan. Naiwan si Greg dun.

----

 Habang naglalakad kami sa hallway ngayon ko lang napansin na hawak-hawak padin ni Kuya yung kamay ko. Wala ngang tao o students dito ngayon kasi may klase, nahiya naman ako diba? Haha. Charot.

"Ahm.. Kuya, okay lang ako. Galos lang to." bigla kong sabi sa kanya. Sabay bitaw na rin.

"Ngayon ka pa aalis kung kelan nandito na tayo?" Sabay turo clinic station.

Okaaaayy... Pahiya onte. -.-

Di naman kalakihan tong clinic. Isang bed stretcher lang. Puro pang first aid kit lang nandito.

Unang pumasok si Kuya.

"Miss?" sabi niya, tinatawag nya ata yung nurse. Eh mukhang wala naman.

"Kuya, wala ata. Sige na." sabi ko sakanya

"Tara na." Hinila naman nya ako papasok sa clinic.

Ano ba yan si Kuya. Nakakainis na ah. Late na ako sa klase ko, nasugatan pa ako, nanghihila pa! Sapakan na lang oh. Dejoke. :)) Haha. Nakakaasar kasi eh.

"Upo" sabay turo sa may sofa.

Makautos naman. -.- Edi upo. Umupo na lang ako.

Pagkaupo ko, may hinahalungkat si Kuya sa may cabinet dito sa clinic. Hala ka Kuya, bawal mangialam. Baka mahuli ka nung nurse.

"Wag ka magalala, kilala ako ng nurse. Suki na ako dito." biglang sabi ni Kuya.

Ay?! Psychic. O.o Haha. Nabasa kagad iniisip ko. Edi ikaw na. Suki? Ba't naman?

"Madalas kasi ako masugatan pag nasosobrahan sa practice ng guitara." sabi niya, tapos umupo sa tapat ko. Hawak na nya yung cotton ball and antiseptic.

"Ahh." Yun na lang nasabi ko, lahat naman ata ng iniisip ko nasasagot ni Kuya. =_= Tatahimik na nga lang ako kahit tahimik na ako. Ano daw? XD Haha. Basta yun.

Dadampiaan na nya ng antiseptic yung noo ko. Nagulat/nahiya naman ako kaya..

"Ay, ako na lang Kuya." sabay kuha nung cotton ball na may antiseptic.

"Di na, ako na." sabay kuha ulet nung cotton.

Tss, edi ikaw na. The best ka Kuya eh. -.- Basta ang iniisip ko ngayon kung anong pwedeng excuse ko sa bakla kong prof. Mahilig kasing magpahiya yun. Sana di siya bad mood, baka maimbyerna nanaman yun. Haaayy....

"Ah! Ouch!" aray! Ang sakit naman. Ano ba yan. Diniinan ni Kuya.

"Ay, sorry." then he chuckled a little.

Aba, tumawa pa. Sipain kita jan Kuya eh. Lumabas nanaman yang dimples mo. Naalala ko tuloy nung una tayong nagkakilala. Sa LRT. Naalala mo pa ba 'yun? Parang hindi na nga eh. Ni minsan nga di mo tinext, lagi nga kita napapadaanan ng GM ko. Tapos sa facebook parang di ka naman active dun. Yung last update nga ng status mo nung New Year pa. Ano kaya yun? Haayy, ba't ba kita inaalala? Eh di naman kita kaano-ano, isang hamak na stranger, ka lang naman. At sino ba naman ako n--

"Long time no see, Emerald."

 ----

(A/N) Sorry for the long update. Medyo busy na rin kasi sa school.Like you guys. :)

And medyo na discourage lang ako ituloy, may reader kasi na di ata nagustuhan ang plot ng story ko lalo na yung One Shot nito. Di naman po ako galit, we all have our sides din naman. :) Pero kung ayaw niyo nung story, edi sana wag niyo na basahin. Hehe yun lang. :)

Next UD, siguro sa weekend kung hindi ako busy. :) And sa next UD niyo na rin makikilala kung sino si Kuya Pogi. :D Babush. :*

COMMENT.VOTE.SHARE

FAN 

(kung trip nio) XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LRT Love Story (The Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon