Chapter 6

21 1 1
                                    

ALEA'S POV

"Bes, uwi na ako?" sabi ko kay Trisha.

"Maya na bes! Sabay na tayo!" sabi ni Trisha tapos uminon nang Beer.

"Oh sige, pero sandali nalang tayo ah?"

Hindi na nya ako pinansin kasi panay usap sa kanyang boyfie. Lumabas ako sa Bar at nakabangga ko ang isang lalaki...

Si...

Jordan Marquez.

"Hoy! Alea ano ginagawa mo dito? Diba hindi ka nag ba-bar o umiinom?" tanong ni Jordan sa akin.

"Ahh, kasi sinamahan ko lang ang kaibigan ko kasi 1st year anniversary nila sa kanyang boyfie" sabi ko naman

"Saan ka pupunta?" tanong niya

"Ahh, don lang sa labas mag papahangin" sabi ko naman

"Sige, tara" sabi niya tapos hinila ako.

"Ha? Ano? Ah san tayo pupunta?"

"Diba sabi mo lalabas ka?"

"Oo, pero ako lang"

Tumigil siya sa paghila sa akin at humarap sa akin.

"Ngayon hindi kana mag isa, parati mo akong kasama kasi diba GF kita" at kumindat sa akin. Oh my god! Ang gwapo niya! Wait? Ano tong sinasabi ko. Hndi to maari.
"Oh? Ano hindi ka na ba tutuloy?" sabi niya. Agad akong nabuhayan sa sinabi niya

"Ah, Oo. Ay i mean tara"

Naglakad agad ako patungo sa bench para umupo at tumabi sa akin si Jordan. Nagkaroon nang katahimikan sa aming dalawa. Lumingon ako sa kanya at hindi ko alam na tumitingin pala sya sa akin, ang ganda nang kanyang mga kulay kape na mata, mapupulang labi, makakapal na mga kilay. Agad akong umiwas nang nakita ko syang nakangiti.

"Alea?" tanong nya. "A-ano Jo-jordan?" nau-utal kong sabi "Alam mo ba yung tungkol sa Kasal?" nagulat ako sa sinabi niya, alam nya pala kung tutuusin nanay niya at nanay ko ang nag plano para ron. Teka? Ano sasabihin ko gosh.

"A-ah e-eh Oo" bakit ba ako nauutal! "Payag ka?" sabi niya habang nakayuko. "Ah, kasi ano Jordan, eh-" agad syang tumayo at nag lakad palayo.

Sorry Jordan.

JORDAN'S POV

Agad akong tumayo sa mga anumang sabihin niya, hindi ko na gusto marunong ang mga sagot niya. Baka MASAKTAN lalo ako. Naglakad ako palayo sa kanya at nag tungo sa Bar, tinawag ako nina Blake pero hindi ko sila pinansin. Agad akong na tungo sa may alakan.

"Kuya isang baso ng Whiskey" sabi ko "Okay po" sabi nang bartender. Ibinigay na niya sa akin ang whiskey,  agad ko itong nilagok ramdam ko ang init ng whiskey sa akin lalamunan. "Kuya isa pa nga" agad niyang nirefillan ang baso at ibinigay sa akin nilagok ko ulit ito hanggang sa naka 6 na baso ako.

Sinubukan kong tumayo ngunit nahihilo ako, napakalabo nang aking paningin. Parang nanlalambot ang aking tuhod kaya agad akong nahulog, may isang babae ang tumulong sa kin na tumayo. Hindi ko alam kung sino sya kase ang labo nan aking paningin. Inalayan nya ako palabas sa bar a nagtungo sa kanyang kotse. Agad na bumaba ang aking mata at ako'y nakatulog.

-
ALEA'S POV
Sinundan ko si Jordan at nakita ko syang nagpakalasing. Nung sinubukan nyang tumayo, hindi niya nakayanan ang kanyang sarili agad syang nahulog. Agad-agad ko syang pinuntahan at tinulungang tumayo. Nagtungo kami sa kotse at dun ko sya sinakay.

Ihahatid ko sana sya sa kanilang bahay ngunit walang tao. Kaya nagpasya ako na sa Condo ko nalang sya ihatid.

Pagkarating namin sa Condo ay agad ko syang nilapag sa kama at nilapagan ng kumot. Gumawa ako nang sopas baka sakaling magising sya. Pagkatapos maluto nang sopas, pinuntahan ko sya sa kwarto at pinahiran ang kanyang braso, leeg at mukha. "Ah-ahm Jordan? Pahiran lang kita ah? Wag ka sanang magalit" sabi ko at itinaas ang kanayang tshirt at nakita ko ang kanyang katawan. God!  May abs sya actually anim(6) ah? Galing! Pinahiran ko sya nang maligamgam na tubig.

"Ah~ sakit nang ulo ko" nagulat ako na dumilat ang kanyang mga mata. Nakita niyang hubad sya at may hawak akong tuwalya. "A-ano ginagawa mo?" tanong niya "Pinapahiran  lang kita. Sorry ah" sabi ko habang nakayuko. "Hindi, okay lang sa akin basta ikaw Alea, kahit kailan pwede mo yan hawakan. May karapatan ka kasi GF kita" sabay ngiti at kindat. Ano bayan Jordan! Ang gwapo mo pala! Alea! Wala yun wag kang magpadala.

Hinawakan ko ang kanyang leeg, ang init! May lagnat sya. "Jo-jordan ang init mo!" sabi ko "Nandyan ka kasi, KINIKILIG ako" sabi niya. Jordan! Ano batong ginagawa mo sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love Never Dies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon