Teaser!

25.9K 477 15
                                    



Angelica Dela Torre, maganda, sexy, matalino at matapang. Sa likod ng maamo at batang hitsura nagtatago ang nag-aapoy na galit sa mga taong lumapastangan sa kaniyang pamangkin. Ang nag-iisang pamilyang dapat ay kasangga.

Sa paghahanap ng hustisya susungin ang makamundong mundo ng mga taong hayok sa laman. Gagawin ang lahat, mahanap lamang ang may kagagawan kung bakit nawala ang pamangkin at dahilan ng karumal-dumal nitong pagkamatay.

"Kahit isanla ko ang kaluluwa ko sa demonyo mahanap lang kitang demonyo ka. Pagnalaman ko kung sino ka. Hindi ako mangingiming patayin ka gamit ng makamandag kong katawan."

Onofre Montelibano, guwapo, maykaya, dating alagad ng batas pero iniwan ang lahat para sa babaeng iniibig. Sa pagpunta sa Amerika baon ang pangarap na sana ay makasama ang babaeng iniibig ngunit kasawian ang kaniyang napala.

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas magku-kruz ng landas nila ni Randy Mortiz. Magiging magkaibigan at business partners ngunit ang pagiging magkaibigan ng dalawa ang magdadala sa kaniya sa babaeng muling magpapatibok ng kaniyang puso.

Sa gabi-gabing laman ng bar at club makikilala si Angel. Sa saliw ng maharot na tugtog, iindayog ang bilugang balakang. Sa saliw ng malamyos ng tugtog hahalina ang alindog ng isang babae. Sa pagtama ng mga mata banaag ang apoy ng galit.

"Alam kong may tinatago ka Angel kaya hindi ako titigil hanggang hindi ko malalaman ang dahilan ng mga titig mong nakakamatay."

Para sa babaeng binaon ang puso para sa hustisya may puwang pa ba ang pag-ibig. Paano kung ang lalaking prime suspect sa pagkawala at pagpatay sa pamangkin ay ang lalaking unang ititibok ng puso. Kakayanin bang magparaya para sa katarungan. ABANGAN!

SA LAHAT NG SUMUSUBAYBAY SA DETECTIVE SERIES. Sisimulan ko ang detective 4 pagkatapos kong matapos ang isa sa on-going stories ko. Thanks for reading.

FOLLOW ME FOR MORE UPDATE!

DETECTIVE SERIES4: His Angelic SeducerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon