"Hoy Skylar Amanda Madrid, wala ka talagang isang salita. Pustahan ay pustahan, pagnatalo ka you have to face the consequences. Di pwede yang umaatras ka." That's my bestfriend Macy, she's lecturing me about our bet.
Natalo kasi ako. Putanginang Jorden kasi yun, nilagyan niya kasi ng gamot yung ininom ko. Panalo sana ako sa race eh, Pero madaya talaga yung lalaking yun, sabagay nahihiya na siguro na matalo ko nanaman kaya nandaya na.
Mapapatay ko talaga yun pag nakita ko ulit. Naku sinasabi ko, magtago na siya sa saya ni Ninang Bea, kundi makakalbo ko talaga yung Dao Ming Si niya na buhok, akala mo naman kinagwapo niya, eh kinabakulaw naman.
Pero kung bakit ko naman kasi tinanggap yung bet ni Macy, eh kung sabagay ngayon Lang kasi siya nakipusta sa akin, eh alam niyo na Lambo yung pinusta. pandagdag sa collection ko.
"Ano na? Huy Sammy!!! Pumayag ka na, natalo ka eh ano yan tumatalikod ka sa salita mo, wala ka pala eh." I just rolled my eyes. Nang aano na tong babaeng to.
"Oo na. Pero sigurado ka ba diyan? Safe naman siguro yung papasukan kong trabaho?" I asked. nako, safety first tayo. Mahirap na baka masasamang loob pala yung May ari ng bahay. Buti sana kung hindi naglipana ang masasamang mga amo ngayon, mamaya rapist yun o kaya naman drug dealer, gawin pa akong seller.
"Oo naman, tsaka nanny ka lang ng isang bata. Tsaka yakang yaka mo yun. Para saan pa at naging gynecologist/pediatrician/neurosurgeon ka?" Tangina to eh. Kaya nga para saan pa at ginugugol ko yung ilang taon ko sa med school kung magiging yaya lang pala ako. Tanga talaga to.
"Eh ilang taon ba yang bata? Tsaka kaano ano mo ba yung mga magulang at ikaw ang nagrerecruit?" Langya ang akala ko chef tong babaeng ito, Hindi bugaw ng mga yaya.
Nagliwanag ang mukha niya at ngumiti.
"2 years old na, anak ng pinsan ng pinsan ni mama yung tatay." Wut?
"Luhh anlayong kamag anak mo Pero ikaw pa talaga naghahanap ng yaya?" Natawa naman siya.
"Bitch, just like you, I lost in one of our bets too. Kaya I had to take the honor." Di ba uso ang agency? Like why do they have to do this?
"Uhm pwede bang mag send na Lang ako ng ibang nanny? Talaga bang dapat ako?" I'm a doctor Kaya, kahit na I'm almost the owner of the hospital I still have to work.
"Yups, tsaka Sabi mo you'll do anything. Yun yung nasa bet eh." Pshhh Ano ba ang difference pag ako or ibang tao maging nanny nung bata?
"Oo na. Kelan at saan ba?" I asked. At itong bruhang to, nakangiting tagumpay. Napaka creepy. Nakakakilabot. Bahala na mag indefinite leave na Lang ako. Patawarin na lang sana ako ng mga magulang ko.
"Bukas na" she answered while still smiling creepily. ughhh what?
"Just text me the address tomorrow then." Mukhang wala naman akong choice. "Tsaka stop smiling, ang creepy mong babae ka." Sinabunutan ko siya ng light and She just laugh. I started walking away.
Bastos ba? Nakow sanay na siya, alam kasi niyang pinagpala Lang ako sa ganda, yaman, at talino Pero hindi sa good manners and right conduct.
Nang makarating ako ng bahay ko, nag vibrate na agad yung phone ko. Nagtext si Macy
"#15 McIntosh St., Saint August Village..."
What? Sa village namin? At malupit kasunod pa ng bahay namin, ay ng mga magulang ko pala? Wait what? The last time I went sa bahay, which is after my med school graduation last year, wala pang bahay sa tabi namin. Oh shems 1 year na pala yun.
Nagtataka ba kayo kung bakit in a year ako na agad ang may ari ng hospital? well, sa akin naman talaga yun, pinamana ng mga magulang ko. I'm just finishing my internship and residency to formalities.
************
Dahil sa sabi ni Macy dapat low profile Lang ako, I had to take uber papasok sa village.
Ughhh bye muna ako sa mga sasakyan ko.
Nalaalala ko nanaman yung bruhong Jorden, nakuu, tsatsanihin ko talaga isa isa yung buhok niya sa kili-kili.
This village has the highest security, and the lot per mansion is unbelievably wide. Kaya nga Di ako tumitira rito, ang boring eh.
"Ma'am baka hanggang gate ko lang po kayo madadala." Biglang Sabi ng Uber driver.
"Di yan manong, ako bahala. Anlayo ng lalakarin ko pag ganun." Assuring him. Kasi naman tropapips kami nung mga guards dito. Ako lang kasi ang sakit sa ulo nila, ang aga ko kasing umaalis, tapos pinakalate rin umuuwi. Oh wells... Tsaka inaabutan ko naman sila ng gifts, para ganahan sa pagbati sa akin.
Pagkarating namin sa guard house ng village the Uber stopped for security purposes. I put my windows down, at Di nga ako nagkakamali andito pa rin yung mga tropapips ko Hahahah.
"Ma'am Sky?" The head guard rushes toward my direction. Namiss nila ako. Awww nakaka touch naman.
"Hi manong Eddie!!! Long time no see." I said while smiling ear to ear.
"Ma'am buti nakabalik na kayo, Isang taon rin kaming walang sakit sa ulo." Sinimangutan ko lang siya habang Natawa naman yung mga ibang guards.
"Manong naman sana sinabi mo na lang na namiss mo ako." Sagot ko.
"Naku Ma'am namiss ka talaga namin dito" bago pa man magdrama si manong head guard, I had to stop him. kailangan ko nang pumunta sa bahay ng boss ko. I can't believe this, all my life ngayon Lang ako mag kakaroon ng boss, tapos muchacha pa ako.
"Manong Eddie, diyan lang ako sa amin. Papasok ng Uber ah? Lam mo na masipag ako eh." Natatawang sabi ko. Nag saludo naman si manong.
"No problem ma'am, ikaw pa eh malakas ka sa amin." I waved at them as they opened the gate. Ohh kita niyo na, talagang favorite nila ako eh. Bawal kaya magpapasok ng taxi or any public transportation vehicles dito. Like duhh, para namang walang sari-sariling mga sasakyan tao dito.
"Thank you kuya Uber!!! Dahil May free na candy, bibigyan kita ng magandang review." Natawa na lang yung uber driver at nagpaalam na.
One day I was a doctor, the following day I found myself ringing someone's doorbell applying to be a nanny.
Kasalanan to ng wengya kong bestfriend!!!
YOU ARE READING
Babysitting His Daughter
General FictionOne day I was a doctor, the following day I found myself ringing someone's doorbell applying to be a nanny. Kasalanan to ng wengya kong bestfriend!!