Is This Some Kind Of A Joke?

4.4K 153 5
                                    

Hot aftie guys grabe sobrang init pa din nang panahon mukhang walang kapag-asa asang umulan hays talaga pero kahit mainit dito sa taas try kong magdraft sana matapos ko hehehe

Ngayong nasabi na ni LC o ni Robyn (sorry hindi ko alam kasi kung tatawagin ko siyang LC o Robyn hehehe) ang nararamdaman niya magiging happy ending na ba sa kanila ang lahat...

Picture of Raven David on the right===>>>>

Song is How Could An Angel Break My Heart by Charice ft. Alyssa Quijano

===============================================================================

CHAPTER TWENTY TWO

Raven's POV

"Mahal kita Raven!" ang sinabi nito sa akin.

Hindi naman ako makapaniwala habang nakatalikod ako dito, hindi ko alam kung ano bang dapat kong ireact sa mga oras na iyon.

The man that I love just said that he loves me, unti unti akong humarap dito at nakita ko ang sinserity sa maamong mga mata nito  habang unti unti itong lumapit sa akin.

"Mahal kita Raven." pag-uulit nito nang tuluyan na itong makalapit, hindi ko napigilan ang sarili ko nang bigla ko itong bigyan nang isang malakas na suntok sa panga na nagpatumba dito.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nito habang nakatingin sa akin, hindi ko naman mapigilang hindi mapaiyak sa nararamdaman ko ngayon.

"Ano to Robyn lokohan? Matapos mong sabihin sa akin na wala kang nararamdaman ni katiting na damdamin sa akin at matapos mong saktan ang puso ko pupunta ka dito sasabihin mong mahal mo ako? Wala ka na bang sawang saktan ako at paglaruan? Ayoko na Robyn! Umalis ka na please." pakiusap ko dito at tuluyan na akong lumayo dito.

Pumasok na ako sa loob nang bahay ampunan hoping na iiwan na ako ni Robyn ngunit mukhang makulit pa din ito at patuloy sa pagkatok sa pinto.

"Please Raven makinig ka muna sa akin please." pagsusumamo nito sa akin sa likod nang pinto.

"Umalis ka na Robyn, hayaan mo na ako please." naiiyak naman na sinabi ko dito, handa na akong kalimutan siya at ayoko nang umasa at masaktan muli.

"Maniwala ka man o hindi Raven ay talagang mahal kita natakot lang ako dahil natakot ako sa sobrang pag-ibig na nararamdaman ko, pero ngayon Raven handa na akong harapin a ipaglaban ang pag-ibig ko sayo lalo na't alam ko na ang totoo." pagpapaliwanag nito sa akin.

Ngunit wala na talaga akong balak makipagkita dito kaya kahit anong katok ang ginawa nito ay pinatigas ko ang aking puso sa mga pagsusumamo nito.

"Tama na Raven!" pilit kong sinasabi sa sarili ko kahit na nga ba ang puso ko ay nagsasabing buksan ko ang pinto at tanggapin si Robyn sa buhay ko.

Ilang minuto din sigurong patuloy na kumatok si Robyn at nagsumamo sa akin ngunit pilit kong sinarado ang sarili ko sa kahit na anong pakiusap nito sa akin hanggang natigil ang mga katok at matapos ang mga sampung minuto ay binuksan ko ang pinto at nakita kong wala na siya, hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang panghihinayang ngunit mas mabuti na ito para hindi ko na din siya magulo at hindi na din niya ako magulo.

"Umalis na siya Kuya Raven." narinig kong sinabi ni Camile sa akin na nginitian ko lang at nagpatuloy na sa pakikipaglaro sa mga bata.

"Bakit ayaw mo siyang kausapin kuya?" nakangiting tanong naman sa akin ni Kevin.

"Mas makakabuti iyon para sa aming dalawa, bata ka pa kaya hindi mo pa maiintindihan ang lahat." nakangiti kong sinabi dito nang makita ko ang confusion sa mukha nito sabay gulo nang buhok nito.

Nagpatuloy kami sa paglalaro, medyo matagal din nang huli akong nakadalaw sa bahay ampunan kung saan ako lumaki at nag-isip at kahit madalang na akong makapunta ay sinisgurado kong makakapagpadala ako nang pera na puwede nilang gamitin sa pangangailangan nila, they like a family to me since hindi ko na nakilala ang mga magulang ko.

"Sobrang namiss ka nang mga batang iyan." narinig kong may nagsalita sa likod matapos kong masiguradong nakatulog na ang mga bata sa kuwarto at napangiti ako nang malingunan ko si Sister Mary na nakatayo sa tapat nang pinto.

"Sobrang namiss ko din sila Sister kayo sobrang namiss ko alam niyo naman na kayo na ang naging pamilya ko." nakangiti kong sinabi dito at sabay na kaming lumabas nang kuwarto nang mga bata at dumiretso sa receiving area nang bahay ampunan.

"Tell me Raven, may problema ka ba?" nakakaintinding tanong nito sa akin, kahit kailan wala akong maitatago kay sister, basang basa na talaga ako nito simula nung bata palang ako.

"Wala po talaga akong matatago sa inyo sister?' natatawa kong sinabi dito na sinabayan din nang pagtawa nito.

"Raven ako na ang nag-alaga sayo simula bata ka pa at para na din kitang anak kaya alam ko kung meron kang problema." nakangiti pa din nitong sinabi.

Huminga muna ako nang malalim bago ko ipaliwanag ang pinagdadaanan ko, tahimik lang ito habang nakikinig sa akin, hanggang matapos ako ay hindi ni minsan ako nito pinutol sa pagsasalita.

"Raven hindi masamang sundin mo ang iyong puso kung pareho naman kayo nang nararamdaman ninyo, ngunit mali din ang pumasok sa isang relasyon na ang taong iniibig mo ay meron nang iba." paliwanag nito sa akin na naiintindihan ko.

Hindi na din ako nagtagal at nagpaalam na din ako na uuwi na din ako at sa totoo lang gumaan ang loob ko nang nakausap ko si Sister Mary para kasing pag kausap mo siya lahat nang problema mo ay masusulosyunan.

Napapailing na lang ako nang makita kong alas nueve na pala nang gabi at aabutin din nang tatlong oras ang pagbibiyahe kong iyon mabuti na lang din wala naman masyadong traffice since weekday naman at late na din.

Minabuti kong buksan ang radio nang kotse ko para naman hindi ako antukin sa biyahe, kahit anong pilit kong huwag isipin ay nagbabalik pa din sa akin ang sinabi ni Robyn sa akin na mahal din niya ako pero too late na dahil nakapagdecide na akong patayin kung ano man ang nararamdaman ko sa binata dahil maliban sa sinabi na niyang wala siyang nararamdaman sa akin ay may girlfriend pa siya.

Finally after hours of driving ay nakarating na ako sa bahay namin sa Quezon City, nakakalungkot talaga ang umuwi sa bahay nang wala man lang naghihintay sa iyo, pero that's life siguro naman may dadating din sa akin na mamahalin ko at magmamahal sa akin.

Medyo napakunot ang noo ko nang mapansin kong bukas ang lampshade ko sa kuwarto dahil wala naman akong natandaan na iniwang kong on iyon kaya naman dali dali akong pumasok sa kuwarto ko at nagtaka ako nang may makita akong isang papel na nakaipit sa naturang lampshade.

Dahan dahan kong kinuha ang sulat at nagulat ako nang makita ko ang nakasulat doon, halos sasabog na ata ang puso ko sa lakas nang kabog niyon nang makita ko ang nakasulat doon.

"It' can't be, imposibleng manyari." sa loob loob ako at dali dali akong lumabas nang bahay pasakay sa kotse at patungo sa lugar na madalas naming puntahan ni LC.

"Imposible!"

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon