kabanata13

2 0 0
                                    

NAGBIHIS siya ng damit na binili niya kahapon.Alam niya kasing wala siyang damit na susuutin kapag saan man siya pumunta kaya bumili siya ng tatlong pares.Pagkatapos magbihis madali siyang tumungo sa pinto.

Sandali lang paano pala kung nandiyan si Fox naka-abang sa labas niyan?.Hindi naman siguro,kasi kung naka-abang yan kanina pa toh nabuksan ang kwarto mo at kanina pa yun pumasok.

Paano naman pala kung hindi siya pumasok dahil alam niyang nahihiya kang makita ka?hindi naman ganong tao si pusang hilaw eh.

Sige na nga tama na yang pag-aaway ng utak mo.Pihitin mo na ang pinto, ano kaba naman.Bumuntong hininga muna siya bago hinawakan ang siradura at hinay-hinay lang na pagpihit ang ginawa niya.Lumingon siya kaliwa at kanan,wala naman siyang makitang Fox Domini kaya mahinhin siyang naglalakad mag-isa para hindi lang makagawa ng ingay hanggang makarating siya sa kusina at nakita ang ilang mga katulong na may kani-kanilang trabaho."luisa?"pagtawag niya sa kaibigan"Yung lista at pera para sa grocery?"tanong niya"Auh,ito oh!"kinuha nito mula sa bulsa ang hindi kalakihan walet na kulay puti."Nandiyan na yung listahan ng bibilhin at ang pera!"saad nito."Sige,aalis na ako!"sabi niya na inilagay pa sa maliit na bag ang walet.

"Water please!"sa pagkarinig niya palang ng baritonong boses na iyon.Agad na kumabog ang puso niya at natataranta na naman siya kung ano ba ang gagawin.Hindi niya naman kayang humarap dahil alam niyang makikita niya ang mukha nito at makikita nito ang mukha niya which is she doesn't want."Hi luisa!"narinig niyang binati nito ang dalaga na agad namang tinugon ng kaibigan niya"Good morning po sir!"at bumalik na ito sa panghuhugas ng pinggan..."Slavacion?"naging mas mabilis ang kabog ng puso niya nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.Kaya napapikit nalang siya ng mga mata,alam niya at nararamdaman niyang nanginginig siya.Bakit ko ba ito nararamdaman,dahil siguro sa epekto sa nangyari lang kani-kanina."a-a-aalis na ako!"saad niya at ginamit ang maliit na pinto sa kusina palabas.Kung maaari kailangan niyang iwasan ang binata nahihiya na kasi siyang pakitunguhan ito.

Lakad-takbo ang ginawa niya makalabas lang sa malaking gate ng mansion.Para hindi lang masundan ng binata.

Pagkalabas na pagkalabas niya gulat naman siyang lumingon sa kaniyang likuran dahil sa sasakyan na bumusina.Binuksan ng guwardiya ang gate para lang makalabas ito at huminto ang sasakyan sa kaniyang harapan.Unti-unti namang bumubukas ang bintana ng sasakyan at unti-unting nasisilayan ang mukha ng lalaking kani-kanina lang kumuha ng unang halik niya."hop in!"sabi ng binata.Siya naman tong umiwas ng tingin."Ka-kaya ko na!"sagot niya naman at nagsimulang humakbang ang kaniyang mga paa sa walang pakikitunguhang daan."Are you shy?"tumingin siya sa kanan at nakita ang sasakyang nakapantay sa kaniya habang siya at naglalakad patuloy rin itong umuusad."hi-hindi ako nahihiya!"saad niya na hindi makatingin sa binata"then why are you avoiding me?"

"Hindi kita iniiwasan ano!"sabi niya pa at mas-minadali ang paglalakad pero kahit anong gawin niya alam niyang mas mabilis ang sasakyan sa kaniya kaya wala ring silbi kung magmamadali siyang lumakad."huwag mo nga akong sundan!"sabi niya kay fox"why wouldn't i?"

"Huwag kang sumagot ng question!"sabi niya."Pwede bang sumakay ka nalang!"sabi ng binata sa kaniya.Na ang tingin ay pinapabalik-balik sa daan at sa kaniya."At-at bakit naman ako s-sasakay?"tanong naman ni salvacion"Kasi hindi mo alam papuntang bayan!".

Napahinto siya sa sinabi ng binata.Oo nga pala hindi niya alam papuntang bayan lakad lang siya ng lakad wala naman palang patutunguhan."A-alam ko daan papuntang bayan a-ano?"saad niya kahit alam niyang hindi niya naman alam kung saan ang direksiyon."Really?"paghahamon ng binata sa kaniya."You know what don't fool yourself,alam nating dalawa na hindi mo kabisado papuntang bayan.Paano kung may mga estranghero diyan na palaboy-lanky?!"tama nga paano nalang kung may mga masasamang tao."Wala rin naman akong pakealam,Panget ako wala magkakainteres sakin!"sabi niya"Dont be so childish.Hop in now kung ayaw mong halika---!"

"Eto na sasakay na po.Sandali lang toh naman nagmamadali eh!"hindi nagdalawang isip ang dalaga na sumakay sa sasakyan ng binata dahil hindi niya gustong gawin ng binata ang binabanta nito sa kaniya."Madadala ka naman pala sa banta eh!"saad nito sa kaniya tsaka pina-andar ang makina ang sasakyan.Walang siyang sinagot kundi ang pag-iwas lamang ng kaniyang paningin ang itinuon ito sa labas.

Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binata dahil basta-basta nalang siyang sumakay sa kotse nito.Kahit nga ang inihabilin sa kaniya ni luisa any nakalimutan niya na.

Pagkaraan ng ilang minuto naramdaman niyang huminto ang sasakyan sa hindi kalakihang salon na maganda naman ang pagkakadisenyo."Lumabas ang binata sa kotse,iniwan lang siyang mag-isa alam naman niyang hindi ko kilala ang lugar na ito.Bagkus umalis sa kinauupuan si salvacion at nanahimk nalang at walang imik na naka-upo parin sa passenger seat.

Hindi nagtagal nakita niya ang binata na lumabas sa salong iyon at umikot patungo sa kinauupuan niya.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan."Get out!"seryosong saad ng binata sa kaniya."Sinama-sama pa ako dito paaalisin rin naman pala ako!"simangot niyang sabi."Why are you so grumpy?"he ask her"Eh bakit hindi ako maiinis, tinaboy mo ako kagabi sinabihan mo pa'ng panget tapos a-a-alam mo na ang nangyari kanina basta basta mo nalang akong hinalikan alam mo bang sacred yun para sa akin.Ang una kong halik ninakaw lang ng isang lalaking katulad mo.Akala ko ba magkaibigan tayo!"sabi niya sa malungkot na expression pati ang pagnguso-nguti niya."Can you stop that,halika na!".

Eto na naman ang lalaking toh.Mukhang walang pakealam sa damdamin niya,basta nalang siyang hinihila kahit hindi niya naman gusto."Ano ba kasi ang gagawin natin sa salon?"naiinis niyang tanong."Shut up or else..I'll kiss you! "Napatakip siya ng bibig dahil sa narinig na iyon."bina-black mail mo ba ako?"tanong niya.

"No!"maikling tugon ng binata.

Akala mo hah,makakaganti rin ako sayo ibablack mail din kita.Pareho lang kayo ng azkal nayun.Pero teka lang bakit naman napasama ang azkal na yun sa usapan?

Just A DealWhere stories live. Discover now