Prolouge - Beginning

9 0 0
                                    

"Aller Anfang ist schwer. der Anfang fängt immer an. (All beginnings are hard. The beginning is always beginning.)"

(Narrator's POV)

Manila, Philippines | 7:31 AM

Mahimbing na natutulog ng magising agad ang ating unang bida, si Joarra. Pinatay niya ang kanyang alarm clock na nanggagaling sa kanyang cellphone sa kanyang kuwarto. Si Joarra, ay isang simpleng babae, matalino kaya laging hinahangaan sa field of prosecution dahil sa ito ay highest niyang nakuha sa exam ng pagiging prosecutor, may pagka femme fatale ang kanyang aura, mapagmahal sa magulang at mga kapatid.

Nilibutan niya ng tingin ang kanyang kuwarto ng agad niyang mapansin na may konting sinag ng araw na nakapasok sa kanyang kwarto kaya agad na siyang tumayo para mag-ayos dahil unang araw niya sa trabaho ng pagiging Prosecutor. Isa kase siya sa mga napili na makapasa at makatuntong sa ganung aspeto ng buhay.

Naglakad siya sa salamin at nag-ayos. Habang nakatitig sa salamin, sinabihan niya ang sarili ng..

"Oras na para i-ahon ang aking pamilya sa kahirapan. Joarra, kaya mo yan!"

Agad siyang bumaba galing sa kanyang kuwarto ng makita niyang nag-aayos na ng mapagkakainan ang kanyang ina.

"O anak! Kamusta ang tulog ng aking baby?" Sabi ng kanyang ina.

"Mama. Sabing huwag ninyo ho akong tawaging baby. I'm all grown up now. I'm not a kid anymore." sabi naman nito. "Ayos ba ang english speaking ko, ma?" tanong nito.

"Oo naman anak. Para nga 'kong nakikipag-usap sa foreigner." Sabi nito sabay ngiti. "O sige anak, kain kana para magkaroon ka ng lakas."

"Okay po, ma!" Sabi nito sabay upo sa hapag-kainan.

(cut the scene)

==================================================

Vienna, Austria | 12:31 AM

Samantala, sa Vienna, Austria naman, nagdrive papunta sa kanyang destinasyon ang pangalawang bida. Nilibot niya ang kanyang paligid sa ng suidad ng Austria na kahit gabi na ay sobrang ganda padin nito.  Mula sa sikat na Schönbrunn Palace ay hinihintuan niya ito para picture-an. Nadaanan niya rin ang Wiener Rathaus City Hall,  Austrian Parliament, historic place na St. Stephen's Cathedral, Hofburg Palace at ang famous fountain na Hochstrahlbrunnen na nagliliwanag sa sobrang ganda.

Nang makarating sa na sa kanyang destinasyon ay bumaba na siya sa kanyang sasakyan upang pumasok sa kanyang malaking mansion.

Binati agad siya ng kanyang staff pagkapasok nito sa kanyang bahay.

"Guten Tag, Meister. (Good day, Master.)" bati ng kanyang mga maids. "Guten Tag auch. (Good day too.)" bati rin nito sa kanyang mga maids. "Bitte bereiten Sie ein spätes Abendessen für mich vor. (Please prepare a late night dinner for me.)" habol nito sa maid bago umakyat sa kanyang kuwarto.

Pagbaba nito galing kuwarto ay nakahanda na ang kanyang kakainin.

"Bitte rufen Sie uns an, wenn Sie etwas brauchen, unser Meister. (Please call us if you need anything, our master.)" Sabi naman ng kanyang isang maid.

"Okay. Ohh. Können Sie bitte Herrn Schmidt anrufen? Wir müssen nur über etwas Wichtiges reden. (Ohh. Can you please call Mr. Schmidt? We just have to talk about something important.)" tanong nito sa isa niyang maid.

"Sofort, Meister. (Immediately, master.)" sagot naman ng kanyang maid at agad umalis.

Kumain naman siya agad habang hinihintay ang kanyang kaibigan.

Napatingin naman siya sa labas at ngumiti.

==================================================

National Prosecution Office, Manila, Philippines. | 9 AM

Samantala, bumalik tayo ng Pilipinas. Nakarating na sa kanyang pagtatrabahuhan si Joarra.

Binati agad ito ng mga tao sa loob at bumati din naman ito ng pabalik. Nang makarating na ito sa kanyang magiging opisina, kinakabahan agad ito. Nagdalawang isip pa siya kung bubuksan niya o hindi. Pero buo na talaga ang desisyon niya na buksan ang pinto kaya ng pagbukas niya ay nagulat agad ito dahil ginawan siya ng isang surprise welcome party.

"Surprise!!! Welcome to our team, Prosecutor Joarra!" bati ng kanyang mga katrabaho.

"Hala guys. Nakakahiya pero salamat. Sobrang salamat." sambit niya habang nagbobow.

"Okay. Ngayong nandito kana sa aming team, sasabak ka na agad sa una mong trabaho. Diba marami ka namang natutunan sa training mo?" tanong ng kanilang chief leader, si Mr. Tuviera.

"O-o-opo, Mr. Tuviera." sagot ni Joarra.

"Chief nalang itawag mo. Dahil, Chief Public Prosecutor ako dito sa head office natin. Hindi mo ba alam na nakapasa ako ng Bar Examination noong nagtake ako ng exam? 54th placer ako." pagyayabang nito.

"Chief, siya lang naman po ang naka 7th place siya sa Bar Examination. 189 po ang average IQ niya." sambit naman ng isa pa niyang katrabaho, si Ellaine.

"Aish. Whatever. 나는 여기서 미쳤어. (Naneun yeogiseo michyeoss-eo.)(I'm going to be crazy here.)" sabi naman ng chief nila sabay umalis.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Joarra.

"Ahh wala. Naadik kase sa pinapanood niyang korean drama na ang bida, puro prosecutors din." sabi naman ni Ellaine sabay tawa. "By the way, I'm Ellaine! Senior Prosecutor dito. Yun naman si Luis. Junior din. Kakapasok lang last year." turo nito sa lalaking nag-aayos ng cabinet files. "Hello!" bati ng lalaki sa kanila. "Bali, tayong tatlo lang nandito So I hope, magiging comfortable ka samin."

"Oo naman." Sabi nito.

(cut the scene)

Naglalakad-lakad sa labas si Joarra habang nagpapahangin. Iniisip niya kung anong magiging takbo ng buhay niya ngayong isa na siyang prosecutor.

Tiningnan niya ang kanyang Identification Card sabay ngumiti.

"Prosecutor Joarra Cruz." basa niya dito sabay ngumiti. Tumingala siya at pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan.

(Plays Kenny Rogers' Through the Years)

(Cut the scene)

(End of Narrator's POV)

==================================================

Sorry po kung lame. Beginner palang po kase ako eh. Pagbubutihan ko :)


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Through the YearsWhere stories live. Discover now